CHAPTER 5: Lovers Lane

11 2 0
                                    

Chapter 5: Lovers Lane

Nasa canteen kami ngayon. BulSU Resto. Dito muna kami kumain na tatlo. Maiba man lang ang panlasa namin. May kaniya-kaniyang canteen kasi sa school. Yung iba naman may mga tindahan na parang carinderia. Nagkataon lang na maganda ang ambiance ng canteen sa building namin.

Nakapila na kaming tatlo para umorder. Ako na pala ang susunod na oorder.

"Ahm, 1 rice nga po ate, at saka isang order ng hamonado." sabi ko kay ate Jenny. Yung nagpprepare ng mga inoorder.

"Thank you ate." sambit ko.

Nasa table na kaming tatlo. Ready to laffangs. Tahimik na ang dalawa. Aayaw-ayaw pa kanina nung inaaya ko tapos sila pala tong gutom na gutom.

--

Last subject na namin ngayon kay Mrs. Benitez. Hygiene and Sanitation. Nagddiscuss lang si ma'am about Bacteria and some types of Hazards.

Actually, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Si Laurine at Coleen akala mo maamong tuta na nakikinig.

"Mr. Stanford? What are the three main types of hazards?" napapitlag akong bigla sa kinauupuan ko nang tawagin ako ni ma'am.

"Yes po ma'am. The three main types of hazards are physical, chemical, and biological hazard." mautal-utal kong sagot. Hindi naman kasi ako prepared. Maygad. Buti nalang nakikinig ako kahit papaano.

"Okay, thank you Mr. Stanford." naka-ngiting sabi ni Mrs. Benitez.

Yung dalawa nag-thumbs up lang sa'kin.

Pagkatapos ng discussion nagdismiss naman agad si ma'am ng klase. May 30 minutes pang natitira sa klase niya. May ibang umuwi na at naiwan sa room.

Sabay-sabay kaming bumaba ng building nina Laurine at Coleen. Nang makarating na kaming tatlo sa ground floor. Nagpaalam naman ang dalawa na may pupuntahan daw sila Roxas Hall. Alam ko na kung ano ang gagawin ng dalawang yun. Si Shawn. Narinig ko lang sa kanilang dalawa kanina. Education pala ang course.

Mag-isa na kong naglalakad sa hall way o kilala sa tawag na lovers lane. Tambayan kasi to ng mga magjojowa kaya nga 'lovers lane eh'. Tahimik akong naglalakad at pabulong na kumakanta ngunit walang boses. You belong with me.

Nakarating nako sa middle of my way kung saan makikita mo yung malawak na field sa likod ng building namin. May iba pang nag-eensayo pero wala na dun si mr stranger. Napansin ko yung ibang varsity na nag-aayos na ng kanilang gamit para umuwi. Naglakad na ulit ko. Sa unahan ko may nakita akong varsity ata ng tennis lumabas sila galing sa kabilang daan. Dalawa kasi ang pwedeng pasukan at labasan sa field na yun.

May naririnig akong sumisigaw mula sa likod ko. Nung una hindi ko ito pinansin baka mamaya si Laurine o Coleen lang ang mga to.

"Abby!!!!!"

"Mauuuuu!!!!"

Sinubukan kong lumingon sa likod. Ano bang mawawala kung titingnan ko lang naman. Pero bakit bigla akong kinabahan. Paglingon ko sa likod. Omaygad si mr stranger. So, it means tapos na silang magtraining kaya hindi ko sila nakita.

Yung tinatawag niya ay yung mga dumaan sa kabila na nasa harapan kong naglalakad. Huminto ang mga ito at hinintay si mr stranger. Nalagpasan na niya ako. So, ako yung naiwan. Aww.

Naglakad narin ako bago mahalata. Pinagmasdan ko lang silang naglalakad sa harap ko.

Nabaling ang tingin ko sa suot nitong damit. Faulkerson. Yun ang surname na nakatatak sa suot niya. Nice surname ah. Bulong ko sa isip ko.

Nandito nako sa caltex ngayon naghihintay ng masasakyan papuntang bayan. 5minutes later. May dumating ng karatig na jeep.

Sumakay na ko sa loob. Marami pang kulang kaya nagpupuno pa si manong drayber. Napatingin ako sa bungad ng jeep nang mapansin kong may sasakay na ulit. Hindi ko agad napansin kung sino ang mga iyon. Narealize ko lang ng maupo sila sa harap ko.

Si mr Faulkerson slash mr stranger.

Hindi ko alam yung nararamdaman ko. Natutuwa ako ayon sa isip ko pero parang nakaramdam ako ng selos. Are you jealous? May kasama niyang boy. I don't even know kung sino ang kasama niya. Baka classmate niya lang.

Nilakasan ko yung volume ng phone ko nang mapansin kong nagkakatuwaan sila. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Ang bilis ng beat ng puso. Why? Ang kyut niyang tumawa. He's cute when he smile lalo na pag tumatawa siya. Adorable smile.

"Sa kanto lang po." boses ng isang lalaki. Yung kasama ni mr stranger ang pumara at bumaba.

Tumingin ako sa lalaking naiwan sakto namang nakatingin din siya. Omay kinikilig ako. Nagkatitigan kami ng almost 5seconds. Ako ang unang kumawala dahil hindi ko kaya. Napalunok akong bigla ng ngitian niya ako. Shit. Parang ayoko nang bumaba ng jeep. Natatawa ako sa sarili ko habang nakatanaw sa bintana ng jeep.

"Hanggang dito nalang po tayo." tinig ni manong drayber habang nakalingon sa amin sa loob.

Kanya-kanya na kaming bumaba. Naunang bumaba sa akin si mr stranger at sumunod ako. Sa chapel ako dumeretso para magdasal at magpasalamat sa Panginoon. Sa mga blessings na binibigay sa akin, sa family ko.

Mga nagtitinda ng sampaguita ulit ang nadatnan ko sa labas ng chapel. Mga bata't, matatanda. Nasa loob na ako. Sobrang tahimik. May naabutan ako sa loob na nagdadasal. Tatlong babae nasa edad 60's Sa unang row ako naupo at nagdasal

--

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng uniporme. Nakakapagod na araw. Maya-maya ay may narinig akong ingay. Pinakiramdam ko iyon. Napahawak ako sa tiyan ko. Nagugutom ako.

Pumunta ako sa kitchen para kumain. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang slice ng cake na natira nung birthday ni kuya Kyle. Kinuha ko ang isang pitsel na may tubig kung sakaling mabulunan ako. Pumwesto ako sa may sala habang nanunuod ng Myx sa Tv Plus.

Nahinto ako sa pagkain ko nang biglang nag ring ang phone ko.

Agatha's calling.

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" sabi ko sabay subo ng cake sa bibig ko. "Ahm, Kenn. Aayain lang sana kitang sumama next week. Birthday kasi ng cousin kong si Bryan." excited na boses niyang sinabi. "Sa April 9, sabado yun kaya walwalan tayo. Sa bahay lang pala nila gaganapin." dugtong pa niya. Halata sa boses niyang mas excited pa siya sa may birthday. "Okay, I will settle my stuffs para makasama ako." pahayag ko. "Okay, See you next week bes!" sabi niya. "Okay bye! See you too bes!" paalam ko sabay subo uli ng cake.

I miss Agatha, so much.  My bestfriend. Bihira nalang kasi kami magkita dahil busy siya sa work. Magkababata kami ni Agatha. Six years old ako noon at 10 years old naman siya nung lumipat kami malapit sa kanila. Kaya hanggang sa lumaki kami kaming dalawa na ang laging magkasama.

U.T. I : Umibig Tapos IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon