CHAPTER 3: Again?

27 2 0
                                    

Chapter 3: Again?

Uwian na.

Time check, 4:15 PM.

Kasabay kong naglalakad ang mga kaibigan ko palabas ng campus. Sa main gate kami dumaan. May lima kasing gate ang school namin. Dun lang nagmukhang mayaman ang school, sa five gates. Haha.

Nang marating namin ang labas ng main gate ay agad naman kaming nagpaalam sa isat-isa para umuwi. Taga-Calumpit si Laurine, si Coleen naman ay taga-Pulilan. Ako naman ay sa Matimbo. Basta somewhere in Malolos.

Iniwan ko na ang dalawa at nauna na akong maglakad palayo. Dumeretso ako sa Caltex sa gasolinahan kung saan pumaparada ang mga karatig na jeep patungong bayan. Pagdating ko dun ay agad naman akong sumakay halos ako nalang talaga ang hinihintay ng jeep para umalis ito.

Mabilis ang naging byahe ko papuntang bayan dahil wala namang traffic. Agad akong bumaba ng jeep sa tapat ng simbahan. Malolos Cathedral. Madalas akong dumadaan dito para magpasalamat sa Panginoon. Sa mga blessings na binibigay niya sa akin, syempre lalo na sa family ko.

Naglalakad nako patungong chapel. May nadadaanan akong nagtitinda ng mga sampaguita, may bata, teenager, at may edad na nagtitinda.

"Kuya, sampaguita po bili na kayo." alok ng batang babae sa'kin. Isang ngiti lang ang ginawad ko sa kanya. Dahil sa mga ngiting yon ay alam niyang hindi ako makakabili. Minsan nga napapaisip ako kung magkano ba ang kinikita nila sa pagbebenta ng sampaguita. Minsan, naiisip ko kung kumakain ba sila ng tatlong beses sa isang araw. Saludo ako sa kanila dahil marangal ang trabaho nila para kumita ng pera.

Nasa bukana na ako ng chapel. Nilibot ko ang aking paningin. Walang gaanong tao. Tatlong row ang upuan sa loob ng chapel. Sa unang row ay mag-asawang taimtim na nagdarasal nasa edad forties na siguro. Sa pangalawang row naman ay may isang pamilya, yung mag-asawa at tatlo nilang anak. Napangiti ako bigla dahil kambal yung dalawang babae, at yung isang lalaking nakatatanda sa kambal. I love twins, so much. Maybe someday magkaroon din ako ng kambal na anak. Dumako ang tingin ko sa pangatlong row na upuan. Bakante ito. Dun ako pumwesto kung saan nakatutok ang ceiling fan. Dahan-dahan akong umupo at lumuhod para magdasal.

"Panginoon, maraming salamat po sa lahat ng blessings na binigay niyo sa akin, sa amin ng family ko. Patuloy niyo pong gabayan ang bawat isa sa amin. Bigyan niyo po kami katatagan at lakas ng loob sa anumang pagsubok na aming haharapin. Patawad po sa mga kasalanang nagawa ko sa inyo, kung sa isip man, sa salita, o sa gawa. Maraming-maraming salamat po, Panginoon. Sa matamis na pangalan ni Hesus, amen."

Hindi ako relihiyosong tao para gawin ito pero dahil nakasanayan ko na. Kailangan kasi nating magpasalamat sa mga biyaya ni Lord. At, iyon ang tanging kailangan natin. Ang pagdarasal, may kailangan man tayo o wala sa kanya.

Naglalakad na ako palabas na chapel.
Tingin sa paligid. Kaliwa, kanan, at sa harap. Mahirap na baka may masasamang elemento ang lumapit sa akin. Mga magnanakaw siyempre hindi masamang kaluluwa noh. Nakalabas na ako mismo ng simbahan. Sa maliit na gate ako dumaan dahil mas malapit ang daan ko dito tungo sa terminal ng jeep. Marami akong nakasabay sa pagtawid papunta sa mismong bayan kung saan maraming nagtitinda sa bangkenta. Mga sapatos, damit, mga bagay na kung anong pwedeng ilagay sa cellphone, mga nagtitinda ng tsinelas, mga sabon, kakanin, at mga pampaganda sa mukha.

May mga nagtitinda rin ng mga ihaw-ihaw kung saan madadaanan ko rin ang mga ito. Sa pagdaan ko, tiyak amoy ihaw-ihaw na rin ang suot ko sa sobrang kapal ng usok na bumabalot sa daan. May nagtitinda rin ng mga palamig. May orange juice, pineapple, buko pandan, buko juice, at choco milo.

Bumili ako ng seven pesos na buko na isa sa mga suki ko, kay aling Nena. Palagi akong bumibili dito bago ako sumakay ng jeep. Ang sarap kasi ng buko juice nila. Nakakawala ng uhaw.

"Aling Nena mauuna napo ako sa inyo. Salamat po." paalam ko bago ako umalis sa pwesto nila. "Oh sige, mag-iingat ka." sambit niya na may halong ngiti sa mga labi. Sa totoo lang, mabait si aling Nena. Hindi ko alam kung bakit ang gaang-gaang ng loob ko sa kaniya. I admire her.

Patuloy na ako sa paglalakad patungo sa terminal ng jeep. May kung anong bumabalot na kaba sa aking dibdib. Bigla akong kinabahan na hindi mawari.

Paglibot ko ng aking paningip. Syaks. Si mr stranger. Napapitlag akong bigla. Muntik ko ng mabitawan ang hawak-hawak kong palamig. Omaygad. Mukhang iisang way lang ang uuwian namin. Hindi maari. Nakita ko siyang naglalakad patungo sa isang jeep na pinupuno nalang.

"Oh bulakan, bulakan!"

"Isa nalang aalis na."

Sigaw ng call boy na si Mang Karding.

Nakita kong sumakay duon si mr stranger at agad na umalis ang sinasakyan nito. Sana makasabay ko siya kahit once lang. Sa loob-loob ko.

Naglakad na ako patungo sa terminal at sumakay ng jeep. Agad naman akong nagbayad. Matapos nun ay agad ko naman ding sinalpak ko sa tainga ko ang earphone ko para makinig sa playlist ko.

Jeepney lovestory

"Sumakay ako sa jeepney, at ikaw ang nakatabi."

Napansin ko ring umaandar na ang jeep na sinasakyan ko. Habang nakikinig ako hindi ko maiwasang hindi isipin si mr stanger. Paano kung makasabay ko siya sa susunod pang mga araw. Napaisip ako kung taga-san nga ba talaga siya. Maaaring taga-rito lamang siya  somewhere in Malolos, diba.

Sa halos isang taon kong pag-aaral sa school bakit hindi ko manlang siya nakikita o nakakasabay manlang. Ganito ba talaga si tadhana. Masyado naman ata siyang malupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon bakit ngayon, bakit hindi pa noon. Mas gusto ko nalang kumanta sa totoo lang. Matatapos na ang school year at magbabakasyon na. Hindi ko na siya maaaring makita pa dahil magbabakasyon na.

"Manong sa tabi lang po." umubo muna ako bago magsalita baka kasi may halak. Chos. Agad namang huminto ang jeep na sinasakyan ko.

Ilang minuto pa bago ako marating sa mismong bahay namin. Naglalakad nako at patuloy na nakikinig sa nakasalpak kong earphone sa tainga ko. Halos hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sumabay sa lyrics ng kanta.

"I think I'm inlove again."

U.T. I : Umibig Tapos IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon