CHAPTER 15: Chat

4 2 0
                                    

Chapter 15: Chat

"Dad, gagawa po pala kami ng research namin sa Filipino next Friday. Mag-oovernight po sana sila dito." sabi ko kay dad habang nagtatype sa laptop niya. Hindi agad sumagot si dad sa sinabi ko.

"Ilan ba sila? Alam naba ng mommy mo?" tanong ni dad habang busy pa rin sa pagkalikot ng laptop niya. Inisip ko muna kung ilan yung mga kaklase kong pupunta bukas.

"Tatlo po sila dad. Sina Laurine, Coleen, at Januz po. Next week pa naman po."

"Tsaka nabanggit ko na rin po to kay mommy nung monday papo." sagot ko.

"Okay. Ayoko ng magulo at maingay." paliwanag na sabi dad.

Nawala ang kaba ko dahil sa pagpayag ni dad na mag-overnight ang mga kaklase ko dito sa bahay. Hindi naman masyadong mahigpit si dad. Ayaw niya lang ng maingay at magulo. Ayaw niya nang naiistorbo siya sa mga ginagawa niya. Hard working si dad kaya alam ko yung hirap at pagod niya para sa'min. Si mom naman parang si dad lang. Ang ayaw lang ni mommy is yung makalat o burara, dun strikto si mommy. Mabuti nalang pumayag silang parehas.

Pagdating ko sa room hinanap ko agad ang mga kagrupo ko para sabihin sa kanila na pumayag na si dad na mag-overnight sila sa bahay. Si Januz, Laurine at yung iba kong mga kaklase palang ang nasa room. Wala pa rin si Coleen. Five minutes before 9am dumating na ang prof namin si Ms Aiko kasunod nito si Coleen na hingal na hingal pagpasok ng room.

"Good morning ma'am." bati namin kay ma'am nang maupo ito sa table niya sa harapan.

"Okay take your seats." tugon nito. Umupo naman kami agad. Sa gawing kaliwa ko naupo si Coleen habang katabi naman niya si Laurine, at katabi ko naman sa kanan ko si Januz.

"Balita ko may meeting si ma'am ngayon sa faculty." bulong ni Coleen kay Laurine. Ang babaeng 'to talaga muntik na ngang malate nakasagap pa ng balita.

"Saan mo naman narinig yan?" narinig kong sabi ni Laurine. Naniwala naman agad ang isang 'to.

"Dumaan kasi ko sa faculty ng English department may inabot ako sa isang professor nakita rin ako ni ma'am dun." sabi naman ni Coleen kay Laurine.

"1A, may meeting ako this morning sa faculty pero bago ako umalis mag-iiwan muna ko sa inyo ng gagawin." sabi ni ma'am sa harapan. Tumigil na sa pakikipagdaldalan ang dalawa ng magsalita si ma'am.

"Ano po yung gagawin ma'am?" sigaw ni Erik sa likod.

"By partner ang mangyayari sa gagawin niyo ngayon. Gagawa lang kayo ng presentation for actual and oral communication." paliwanag ni ma'am. WHAAAAAT?? Kumunot ang noo ko sa sinabi ni ma'am. Ang dami na nga naming ginagawa dadagdag pa to.

"Kayo na bahala kung sino ang magiging partner niyo. Will be next week our presentation, okay." dagdag pa nito habang kinakalikot ang phone niya. Mukhang hinahanap na si ma'am sa faculty.

"You may stay here or leave inside the room kung gusto niyo. Bye class!" huli kong narinig sa sinabi ni ma'am.

Si Januz ang partner ko. As usual, si Laurine at Coleen ang magka-partner. Nag-stay muna kaming apat sa room at yung iba lumabas na. May iilan pa namang naiwan sa room.

Inopen ko yung data ko para mag-online. A few minutes nag pop up ang phone ko may lumabas na chat head. Si Khael. 3 messages from him. Naka-active pa rin siya.

Kenn. What time uwian mo? - sent 9:14am

Pwede bang sabay tayo umuwi? Kung hindi okay lang. -sent 9:17am

Hintayin ko reply mo. -sent 9:20am

Sasabay siya sa'kin pauwe? Seryoso ba siya.

U.T. I : Umibig Tapos IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon