Chapter 11: Mystery
KHAEL's POV
Agad akong tumayo at madaling lumabas ng cr. Biglang nawala yung lasing ko sa kahihiyang ginawa ko. Hindi ko sadyang halikan siya. Bumalik ako sa sala na parang walang nangyari. Napansin ko sina Jenn, at Jinjer sa isang sofa nakatulog ng nakaupo. Ang hina talaga uminom ng mga babae.
Speaking of, si Agatha at Rein hindi parin natatapos sa pinag-uusapan nila. Si Eunice medyo lasing na tahimik na sa isang sulok. Sina Bryan at Eduard parang hindi tinatamaan sa iniinom namin.
Hindi ko namalayan yung pagbalik ni Kenn galing comfort room. Nakaupo siya katabi ni Agatha at Rein. Nilagyan ko yung baso ng beer para ibigay kay Bryan agad naman niyang ininom at sunod na binigyan ko si Eduard. Sinulyapan ko si Kenn. Ang lalim ng iniisip. Paniguradong iba ang iisipin nun sa ginawa ko. Pinagpatuloy ko nalang yung paglagay ng beer sa baso.
"Agatha tagay mo na." sabi ko habang hawak yung baso para iabot sa kanya. Kinuha niya at agad na ininom.
Tiningnan kong muli si Kenn wala pa rin siyang imik. Siya na ang susunod na tatagay. Inabot ko kay Kenn yung baso paglagay ko ng beer. Kinuha niya yung baso na hindi tumitingin. Halata sa mukha niyang malalim ang iniisip niya.
"Oy Kenn, kaya mo pa ba?" narinig kong nagsalita si Agatha habang dumadampot ng pulutan sa lamesa.
"Ahh, oo bes. Medyo nahihilo lang ako." sagot ni Kenn. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina kaso inuunahan ako ng kaba.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Agatha kanina. Ingatan ko nga raw si Kenn dahil virgin pa raw ito. Natatawa ako. Ibig sabihin pala never pa siyang nagkajowa kung ganon. May itsura naman si Kenn kaso may ibang aura na bumabalot sa kanya. Yung tipong akala mo tunay na lalaki pero may iba pa palang tinatago. Ang judgemental mo Khael.
Mabilis na lumipas ang oras pasado alas-diyes na ng gabi. Tulog na ang mga magulang ni Bryan maging ang mga kasamahan ko. Si Agatha, Rein, at Kenn nalang ang buhay na buhay. Si Eduard at Jinjer akap-akap ang isat-isa may mga tama na rin sila pero kaya pa naman nilang umuwi.
"Guys, dalhin ko muna si Eunice sa kwarto ah lasing na rin kasi eh." sabi ni Bryan habang buhat-buhat si Eunice.
"Sige pre ako na bahala rito." tugon ko.
Sinubukan kong tingnan sina Agatha napansin kong tulog si Kenn habang nakasandal sa sofang inuupuan nila. Bumalik na agad si Bryan sa baba.
"Hatid ko na kayo." sabi nito nang makalapit sa amin.
"Hindi na kami sasabay Bryan may dala naman akong sasakyan. Ako na rin ang maghahatid kay Jenn sa bahay nila." narinig kong sabi ni Eduard.
"Okay. Sige. Sina Khael, Agatha, Rein, at Kenn nalang ang ihahatid ko."
Hindi na sumabay sa amin sina Eduard dahil may sasakyan daw silang dala. Nasa loob na kami ng kotse. Si Agatha ang nasa unahan sa tabi ni Bryan. Si Rein, ako, at Kenn ang nasa likod.
Limang minuto ang lumipas ay bumaba na si Agatha. Kaming tatlong nalang ang natira sa likod.
"Khael, ikaw na ang bahala kay Kenn ah." sabi nito ng makababa na siya ng kotse.
Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon ko. Tiningnan ko si Kenn ang himbing ng tulog. Nalasing sa ininom namin. Nang dahil sa amin natuto siyang uminom. Napakunot ang noo ko bigla ng may maalala ko. Hindi ko alam kung saan nakatira si Kenn kaya sinubukan kong tanungin si Bryan.
"Bryan, alam mo ba kung saan ang bahay nila Kenn?" tanong ko. May naramdaman ako sa gilid ko. Unti-unting sumasandal sa akin si Kenn sa sobrang antok. Hinayaan ko siyang makasandal sa braso ko.
"Oo pre medyo malapit-lapit narin." sagot ni habang tutok parin sa pag mamaneho.
Naramdaman ko ulit ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Kenn sa katawan ko. Medyo ang bigat niya. Halos nakadukdok na siya sa harapan ko. Ayokong mag-isip ng kung ano para bigyan ng malisya yung pagtulong ko sa kanya.
Napansin kong huminto ang sinasakyan namin mukhang nasa tapat na kami ng bahay nila Kenn.
"Kenn?" sabi ko sabay tapik sa likod niya. Hindi pa rin siya nagising.
"Kenn? Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo." sabi naman ni Bryan. Napansin kong may kausap siya sa labas. Hindi ko makita dahil medyo madilim. Si Rein tulog parin habang nakasandal sa likod.
"Mahirap gisingin yan kaya mabuti pang akayin nalang natin siya sa loob ng kwarto niya." narinig kong sabi ng lalaki sa labas. Nasa edad 20's din pero mas mukhang matanda sa amin.
"Khael, ikaw na mag-akay kay Kenn sa loob medyo nahihilo na kasi ko." sabi ni Bryan.
"Pagpasensyahan niyo na ang kapatid ko. Hindi kasi talaga yan umiinom kaso mukhang masasanay na dahil sa inyo." medyo natatawang sabi nung lalaki sa labas. Napagtanto kong kuya pala ni Kenn yung kausap ni Bryan sa labas.
Naiwan sina Rein at Bryan sa labas. Sinundan ko naman sa loob ang kuya nito habang akay-akay si Kenn. Ang bigat ni Kenn sa totoo lang. Feeling ko pati ako nahihilo narin. Sa second floor ko nakitang umakyat ang kuya ni Kenn. Halos muntik-muntikan na kaming magkandahulog sa hagdan dahil hindi ko mabalanse ang bigat ng katawan nito.
Pumasok kami sa isang kwarto para ihatid si Kenn. Malaki at malinis mukhang kwarto na ito ni Kenn. Halos kulay abo ang buong paligid. Dinala ko sa kama si Kenn at pinahiga halos pati ako ay napahiga na rin. Sa mga sandaling yun natitigan ko ang mga mukha ni Kenn. Ang cute niya pag tulog. Makapal na kilay at mapulang labi tulad ko. Khael umayos ka.
"Bro, sige mukhang okay naman na ang kapatid ko dyan." napabalikwas ako at agad na tumayo. Nakalimutan kong kasama pala namin ang kuya niya. Nahiya tuloy ako bigla.
Nagpaalam narin ako sa kuya ni Kenn at agad na lumabas. Naabutan ko si Bryan sa loob ng kotse habang nakasubsob sa manebelo ng kotse at gayundin si Rein mahimbing parin ang tulog sa likod.
Hinatid muna namin si Rein sa bahay nila bago ako umuwe. Si Bryan at ako nalang ang naiwan sa kotse. Ilang saglit lang ay nasa tapat na kami ng bahay.
"Bryan salamat sa paghatid. Happy birthday ulit." sabi ko pagbaba ng kotse.
"Mag-iingat ka sa pagddrive bro kawawa si Eunice pag nawala ka." pagbibiro ko. Bumusina nalang si Bryan at pinaandar ang kotse
Hindi ako makatulog. Ibat-ibang higa na ang ginawa ko sa kama ko ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Ilang minuto na rin akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Maya-maya pumasok na naman sa isip ko ang nakakahiyang ginawa ko kay Kenn. Naisipan kong kunin ang cellphone ko at nagbukas ng facebook. Sinearch ko yung pangalan niya.
Kenn Euclid Stanford.
May lumabas agad pagtap ko ng search. Naka formal attire ang suot niya. Yung tipong nagpphoto-shoot ang dating. Napansin kong bihira lang siya gumamit ng facebook dahil by week lang yung pagpopost niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ano'ng meron? Nakaramdam ako ng kaba. Mga dagang naghahabulan sa dibdib ko. Posible bang magkagusto ang isang lalaki sa kapwa nito lalaki.
Hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng girlfriend sa buhay ko. Tanging si mommy lang ang meron ako. Hindi naman ako torpeng lalaki. Hindi lang talaga ko handa sa ganong mga bagay. Mas gugustuhin ko munang maka-graduate bago pasukin ang buhay pag-ibig.
Sa paglakad ng oras hindi ko namalayan na unti-unti na palang bumibigay ang mga mata ko. Napahikab na lamang ako. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
***
A/N:
Hello readers! :)
Kamusta ang pagbabasa?
Mag-iwan nalang po kayo ng inyong komento sa ibaba. Asahan ko rin po ang inyong pagboto sa kwetong ito.Maraming salamat po! :)
@juandavidmoo <3
BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...