Chapter 14: Is it a Date?
Kinakabahan ako. Gusto kong umatras nalang. Tutuloy o hindi. Pero kailangan kong magsimba. Pwede naman akong magsimba sa iba at wag nang sumipot kay Khael. Ilang oras nalang mag-si-6pm na.
Ang tagal ko nang nakatingala sa kisame ng kwarto ko. Ayaw kumilos ng katawan ko para maghanda sa pag-alis mamaya.
I-keep mo yung taong aayain ka magsimba dahil sila ang tunay na masarap magmahal.
Yan ang paulit-ulit nagsisink-in sa utak ko. Ano ba dapat ang isipin ko tungkol dun. Nag-aaya lang naman siya magsimba. Yun lang. Ayokong mag-isip kaagad ng kung anu-ano. Ayokong magtake-advantage sa pag-aaya niya sakin. Wala naman masama kung sisiputin ko siya.
Dubdub!
Dubdub!
Dubdub!
Dubdub!
Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Naglalakad na ako papunta sa simbahan. Tanaw na tanaw ko si Khael mula sa kinatatayuan ko. Simple lang ang suot niya. Naka plain white polo shirt ang pang-itaas niya. Medyo fitted kaya bakat ang maumbok nitong dibdib at maong na pantalon pang-ibaba.
Dubdub!
Dubdub!
Dubdub!
"Akala ko hindi kana darating eh." narinig kong sabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Umurong na ata ang dila ko sa sobrang kaba. Isa lang ang napansin ko, ang ganda pala ng boses niya. Hindi ko agad ito napansin nung birthday ni Bryan.
"Akala mo lang yun." tugon ko sabay ngiti sa kanya. Hindi ko talaga alam sasabihin ko. Nauna na siyang naglakad papasok ng simbahan.
"Bilisan mo. Naghihintay si mama sa loob." narinig kong sabi niya papasok ng simbahan.
Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Mama niya nasa loob? Akala ko ba wala siyang kasama magsimba.
"Huh? Kasama mo mama mo?" sabi ko. Nagkunwari akong nagulat sa sinabi niya. Hindi na siya ulit nagsalita. Nakita ko siyang umupo sa tabi ng isang babae. Nasa edad 30's something. Infairness maganda at maputi ito. Siya siguro ang mama ni Khael. Kinawayan ako ni Khael nang makaupo na siya sa tabi ng babaeng katabi niya. Naglakad ako papalit sa kanila.
Dubdub!
Dubdub!
Dubdub!
Lalo akong kinabahan nang makalapit ako sa kinauupuan nila. Pinagmasdan ako ng mommy ni Khael mula ulo hanggang paa. Ghad. Nakakatakot ang aura ng mommy niya. Unti-unting namuo ang pawis sa noo ko.
"Hi hijo! Ikaw naba si Kenn?" nawala yung kaba ko nang marinig kong magsalita ang mommy ni Khael. Yung inakala kong mukhang masungit pero mala-anghel pala ang boses. Ngumiti ako sa kanya bago magsalita.
"Ahmm, O--opo." mautal-utal kong sabi.
"Ahm, tita mano po?" ngumiti sa akin ang mommy niya at inabot ko ang kamay para magmano.
"Kenn, maupo kana malapit na magsimula ang misa." sabi ni Khael. Sungit naman nito. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatayo sa harap niya.

BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...