Chapter 20: Confess
JANUZ's POV
Ngayon ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Nandito kami ngayon sa library ng Educ para maghanap ng pwedeng idagdag sa presentation namin. Pagpasok palang namin ng library alam kong nandito sa loob si Khael. Napansin ko yun kay Kenn bago kami pumasok sa loob.
Hindi ko kinikibo nung una si Kenn. Nagbusy busyhan ako sa librong hawak ko. Kukuha muna ako ng lakas para magsalita. Sinimulan kong magsalita para magtanong ng kung anu-ano sa kanya. Sinasagot naman niya ang mga tanong ko.
Hanggang sa umabot ang usapan namin sa kamustahan. Ramdam ko sa mukha niya ang pagtataka sa mga sinasagot ko sa kanya. Habang lumalalim ang usapan namin mas lalong lumalakas ang loob ko para masabi ang nararamdaman ko.
Hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko para kay Kenn. Ang hirap magpanggap na hindi ka nasasaktan sa harap niya. Nasasaktan ako sa t'wing nakikita ko siya. Alam ko at nararamdaman ko na hindi ako gusto niyang makausap o makasama. Kitang-kita ko sa mukha niya na laging hinahanap ng mga mata niya ang pagkatao ni Khael.
"Naaalala mo pa ba 'to?" tanong ko sa kanya ng ilabas ko ang litratong hawak ko.
Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa nilabas kong picture."Ito yung time na pinipilit kitang magpakuha ng picture sa photo booth nung araw ng intrams natin. Ilang beses kitang pinilit pero hindi rin nagtagal pumayag ka sa gusto ko." naka-ngiting kwento ko sa kanya.
"Halos madapa ka pa nga nung hinihila kita palapit sa booth diba?" sabi ko. Natawa naman siya ng marinig niya ulit yun. Hindi pa rin siya kumikibo. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Naaalala mo pa rin ba nung araw na sinabi mo sa'kin na wag kitang iiwan at agad akong tumugon sayo na, hindi rin kita iiwan."
Habang sinasabi ko yun unti-unting umaagos ang mga luha ko sa pisngi ko na agad ko namang pinunasan gamit ang panyo ko. Napansin ko rin ang pangingilid ng luha niya.
"Eh yung mga pangarap natin naaalala mo pa ba? Yung sasakay tayo ng eroplano na magkasama."
Naramdaman ko na naman ang pagbagsak ng luha ko. Hindi pa rin siya kumikibo hanggang ngayon.
"Kaya nga tourism management ang kinuha natin diba? Kasi akala ko sabay tayong mangangarap."
"Sorry, Januz."
Narinig ko siyang nagsalita. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ngayon wala akong pakialam kung marinig o makita kami ng mga taong nandirito.
"Alam mo bang unti-unting akong nadudurog sa t'wing nararamdaman kong iniiwasan mo ko. Nagbago kana Kenn. Hindi na ikaw ang dating best friend ko noon. Kahit hindi mo sabihin sa'kin ang totoo, nararamdaman ko at nakikita ko sa mga kinikilos mo. Hindi naman ako nagbago sayo ah. Ako pa rin to, yung tao na laging nasa tabi mo. Yung sasamahan ka sa lahat ng oras. Pero ngayon, wala na. Wala na yung dating pagkakaibigan natin."
"Simula nung nakilala mo ang taong yun balewala nalang ako sayo. Alam mo bang lagi kitang napapansin na hindi ka mapakali, o di kaya kinakabahan bigla. Dahil lahat yun sa kanya, diba? Ngayon sana alam mo na. Nasasaktan ako ng palihim sa t'wing nakikita kitang nagkakaganyan dahil sa kanya. Nagseselos ako. Mahalaga kana sa'kin. Gusto kita Kenn, noon pa."
Lalong bumagsak ang mga luha ko sa mga salitang binitawan ko. Napansin kong tumulo na rin ang mga luha niya na kanina pa gustong bumagsak.
Hindi ko na talaga kinaya. Nasabi ko na ang lahat-lahat kay Kenn. Napansin kong nagulat siya sa mga sinabi ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. Iniwan ko sa library si Kenn. Hindi na ko nagpaalam sa kanya. Iiwasan ko muna siya hanggang kaya ko. Ayokong magmukhang kaawa-awa sa harap niya tulad nung mga panahon na kinaawaan niya ko dahil sa pamilya ko.
Hindi na muna ko papasok ngayon sa dalawang klase ko. Gusto ko munang magpalamig. Tatawagan ko si Nathan para may kasama ako sa pagddrama ko.
"Hello pre!" sabi ko ng sagutin niya agad ang tawag ko.
"Oh bakit pre ano'ng problema?" narinig kong tanong niy sa kabilang linya.
"May klase kaba? Samahan mo naman ako tumambay." sambit ko. Pinagdarasal ko na sana wala siyang klase.
"Oo pre, kakatapos lang ng klase namin. Kasama ko ngayon si Arvin." narinig kong sabi niya.
"Tamang-tama. Sige pre. Hintayin ko kayo sa 7/11. Bilisan niyo." sabi ko tsaka ko pinatay ang tawag.
Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko sina Laurine, at Coleen. Nagkagulatan pa kaming tatlo sa daan.
"Oh Januz, saan punta mo? May klase pa tayo ah." sabi ni Coleen.
"Magpapalamig lang muna ko." palusot ko.
"Malamig naman ang room natin mamaya ah." sabi naman ni Laurine.
"Nasan nga pala si Kenn?" hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Coleen. Napayuko nalang ako.
"Ah, ehh. Ano kasiiii- nasa library ng Educ nagssearch ng pwedeng idagdag sa presentation namin." mautal-utal kong sagot. Napansin kong kumunot ang noo ni Laurine.
"May nangyari ba Januz?" seryosong sabi ni Laurine. Patay. Mukhang nahalata niya ako.
"Wala, Laurine. Mauna na ko sa inyo ah. Nga pala, Coleen pakisabi nalang sa mga prof natin hindi ako makakapasok sa klase natin." litaniya ko sa dalawa.
Tumakbo agad ako palayo sa kanila. Nagmadali akong pumunta sa 7/11 baka sakaling nandun na ang dalawa. Hingal na hingal akong naupo sa bakanteng upuan sa loob. Hanggang ngayon bakas parin sa mga mata ko ang pagluhang bumuhos mula rito. Sana lang hindi napansin nina Laurine, at Coleen ang pamumula ng mata ko.
Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kanina. Alam kong nabigla si Kenn sa mga sinabi ko sa kanya maging ang sarili ko nabigla sa mga binitawan kong salita. Nasabi ko na ang lahat sa kanya. Nabawasan na ang mga kinikimkim ko sa loob ko.
Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko kay Kenn bahala na kung magbago ang tingin niya sa'kin. Alam kong hindi na niya ko papansinin matapos nang lahat ng sinabi ko sa kanya. Ako na muna ang iiwas. Mag iisip-isip muna ko. Magpapalipas muna ko kasama ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...