Chapter 8 : Birthday
Mabilis na lumipas ang araw. Halos isang linggong busy sa school. Ang daming kailangang ipasa sa bawat subject. Ilang araw din akong puyat at kulang sa tulog. Sobrang nakakapagod. Naalala ko tuloy sina Laurine at Coleen na muntik nang mag-away dahil sa problema nila sa portfolio nila. By partner kasi. Silang dalawa ang magkagrupo. Kapartner ko si Januz sa portfolio wala naman kaming naging problema. Mabuti na nga lang at hindi tamad tong si Januz.
Sabado ngayon. Araw ng pahinga. Makakapagrelax ako kahit papaano. Makakapaghanda pa ko ng aking sarili para mamayang hapon sa birthday ni Bryan.
Maaga ang uwian namin kahapon kaya nagpasama ako kina Laurine at Coleen sa Dept store para tumingin ng ibibigay na regalo kay Bryan. Nakakahiya naman kung wala kang ibibigay sa may birthday kaya naisipan kong bumili. Isang plain t-shirt ang binili ko na kulay blue. Nabanggit din kasi ni Agatha na favorite color nya ang Blue.
Nakatulog ako kanina pagkatapos kong kumain ng tanghalian. Alas dos na ng hapon kaya naghanda narin ako para sa pagpunta kila Bryan. Ako lang mag-isa ang pupunta dun. Sabi ni Agatha duon nalang daw kami magkita sa bahay nila Bryan.
Ilan minuto nalang ay aalis na rin ako. Tapos na rin ako maligo at mag-ayos. White pants, and plain black shirt ang suot ko. Bigla kong naalala magsasapatos pa pala ko.
Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si kuya Kyle na aligaga sa ginagawa niya sa sala. Si Kit nanunuod na naman ng cartoons.
"Magpahatid ka kay kuya Peter para hindi kana magcommute." sabi ni kuya nang makita niya kong pababa ng hagdan.
"Hindi na kuya. Alam mo namang hindi ako sanay magpahatid. Mas gusto kong nagcocommute sa byahe." sabi ko habang nagsasapatos.
"Okay, ikaw bahala."
"Sayang dadalaw pa naman si ate Miles dito sa bahay." dagdag na sabi ni kuya habang nakatingin sa ginagawa ko. Napangiwi nalang ako.
"Tanda-tanda mo na Kenn hanggang ngayon hindi kapa rin marunong magsintas ng sapatos." sabi ni kuya habang papalapit sakin. Inayos ni kuya Kyle ang pagsisintas sa sapatos.
Kahit kailan hindi ako natutong magsintas ng sapatos. Kahit anong gawin ko mali parin nagkakabuhol-buhol lang pag ako nagsisintas
"Thank you kuya." banggit ko pagkatapos ayusin ni kuya ang sintas ng sapatos ko.
"Sige. Mag-iingat kana lang."
"Magtext o call kana lang kina mom and dad kung pauwi kana." dagdag pa nito.
Nakapagpaalam na rin ako kina mom and dad na may lakad ako ngayon at aabutin ako ng hating-gabi bago makauwi. Hindi naman sila gaanong strict pero pag hindi talaga pwede. Hindi talaga. Mamasahe ako papunta kila Bryan. Hindi na ko nagpahatid kay kuya Peter, yung family driver namin. Mas gusto ko kasing nagcocommute sa byahe. Okay na rin yun kasi kahit papaano makakapagpahinga si kuya Peter. Si Kit, at kuya Kyle ang maiiwan sa bahay pero maya-maya lang ay darating na rin si ate Miles para bumisita sa bahay.
Nag-aabang na ko ng jeep sa kanto. Isang sakay lang naman papunta kila Bryan. 4:15 PM nang tingnan ko ang oras sa phone ko. Hindi naman siguro ako late nito.
Pagbaba ko ng jeep. Sampong minuto matapos ang byahe ko
Bumungad agad sa akin ang malaking gate ng bahay nila Bryan. Hindi halata sa itsura niya na mayaman ito dahil simple lang ito manamit.Pagtapat ko sa gate ay bumukas naman agad ito. Automatic ang gate nila. Tanging ang mga guard lang ang nakakagawa nun dahil sila ang kumo-control dito.
Pagbukas ng gate napansin ko ang magarbong ayos sa birthday ni Bryan. Isang malaking tarpaulin ang pumukaw sa aking mata. Happy 21st Birthday Bryan Imperial. Debut ni Bryan ngayon.

BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomanceU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...