part 1 the meeting'

43 0 0
                                    

"nakakainis ano na mangyayari sakin nito ngaun"bulong ko sa sarili."bakit naman kasi napakamanyak ng kalbong yon, haizzt"daing ko.

Nagpalakad lakad ako sa damuhan hanggang makarating ako sa dulo ng park na yon. Umupo ako sa batong malaki at pumulot ng maliit na bato at ibinato sa damuhan..

"Saan ako kukuha ng pang gastos ko nito?".napabuntunghininga ako sa naisip."kung hahanap ako trabaho imposible namang matatanggap agad ako, sa higpit ng kompetisyon imposible matanggap agad ako". "wala paman din akong ipon dahil ipinapadala ko sa probinsya para sa gamot ng nanay".mahabang paglilitanya ko sa isip.

Naisip ko ang aking ina.

paano na ang nanay ko..haiizzzt...halos nakakasampung buntung hininga na ako sa kakaisip ng problema.

"kung sana pumayag na ako sa gusto ng kalbong yun pero kadiri hindi ko maatim na patulan yon kahit boss ko pa sya".

"kung sana pinatulan ko sya hindi sana ako pag iinitan nung hayop na yon, di sana may trabaho pa ako ngayon". ngiwi ako sa pagsayad ng alaala sa akin.

Tumayo ako at nagpatuloy sa lakad. "Walang ibang tutulong sa sarili ko kundi ako lang pakikiusapan ko nalang ang ate Cita na manghiram muna para sa gamot ng nanay kahit sa loob ng dalawang buwan, siguro naman may trabaho na ako sa panahon na yon."

"SHIT!!". napatakbo ako sa narinig ko nagkubli ako sa isang puno. Nakita ko ang isang lalaki na naka suot pang opisina nakatalikod sya sa akin nakaupo sa damuhan ang nakatungong hawak ang isang tuhod.

"SHIT TALAGA SHIT!!BAKIT BA AYAW NYANG MANIWALA SA AKIN"AAARRGGGHHH....!!sigaw ng lalaki.Napapitlag ako sa sigaw na yon,buti nalang kami lang ang tao sa parkeng yon at medyo madilim na dahil alas sais pasado na ng gabi.

Napatili ako sa biglang pag kulog at pagkidlat. Pakiramdam ko sa akin tumama ang mga iyon. Napatingin ako sa lalaki na kasalukuyang my kausap sa cp nya.

Lakad takbo na ang ginawa ko para makaalis sa parkeng iyon.

May nakita akong isang pulang pulang kotse "wow ferrari to ah".singhap kong sabi "sino kaya may ari nito baka naman pwede ako makisakay kahit hanngang bukana lang ng park". palinga linga ako pero wala ako makita sumilong ako sa punong nakita ko na madahon sa di kalayuan. "Aantayin ko ang may ari tutal malakas ang ulan panigurado ako na dadating din yun".

Nagpuputik na ang paa ko sa lakas ng ulan at dahil lupa ng tinatapakan ko nag kakalupa na ang sapatos ko sa talsik ng tubig.

Nakita kong humahangos ang lalaking nakita ko kanina sa park. Tumakbo ako at lumapit." ahh sir pwede po ba ako makisabay kahit hanggang labasan lang."pakiusap ko hindi ko na sya masyado maaninagan dahil sa patak ng ilan sa muka ko.

"What the hell"?who are you?" can't you see your self? tapos sasakay ka dito? masungit na sabi ng lalaki.

"makikisakay lang po kahit hanggang labasan lang po malayo pa po kasi at gabi na natatakot po ako dito."sabi kong nagulat dahil tinabig nya ako para pumasok sya sa kotse.

"alam mo miss wala akong pakialam kung anong mangyari sayo dito ok?"sabi nya sabay pasok sa kotse.

humarang ako sa harap ng kotse. " sige nanaman po kahit sa kanto lang". pagmamakaawa ko muka na akong sadako dahil gulo gulo na ang buhok ko na nakasabog sa muka ko.

Ini atras nya ang kotse at akmang haharurot ngunit mabilis ko naiharang ulit ang sarili ko. "putang ina hindi ka ba talaga aalis jan? nagmamadali ako!!"

sigaw nya n nakasilip sa bintana ng kotse. "sige na kahit sa labasan lang" pagmamakaawa ko ulit.

ini atras nya ulit ang sasakyan at nagulat ako ng bubunguin nya ako napaupo ako sa lupa at pumikit.

"hahaha ano ako tanga multuhin mo pa ako pag pinatay kita" sabay andar ng sasakyan.

nakapulot ako ng batong kasing laki ng kamao ko at ubod lakas na ibinato sa sasakyan nya tumama ito sa likod na salamin ng sasakyan. tumigil ito bigla at kumuha ulit ako ng isa pang bato ibinato ko ulit sa sasakyan this time sa ilaw na tumama at nawasak iyon."hayop ka papatayin mo pa ako ha yan ang bagay sayo gago!!! lamunin mo yang sasakyan mo madamot ka!!sigaw ko sa kanya.

Mabilis akong tumakbo palayo dahil nakita kong lumabas sya ng sasakyan. Tumakbo ako ng ubod bilis papasok sa parke d bale ng hindi makalabas basta wag lang abutan ng hayop na yon.

"where do you think youre going ha?". sabay hablot sa damit ko ng abutan nya ako. " hindi mo ba alam kung gano kamahal ang winasak mo?" gigil nyang sabi sa tenga ko.

"aray nasasaktan ako ano ba!". pinilit kong mkwala dahil hinwlan n nya ang leeg ko.

"masasaktan ka talagang babae ka". ipapapulis kita" sabi nya sabay hila skin na hawak nya ako sa likod ng damit ko.

"wag po parang awa mo na hindi ko sinasadya." nagalit lang ako dahil muntik mo na akong sagasaan." sabi ko sabay tulo ng luha.

i came to youHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin