part 33 Sayang!

11 1 0
                                    

"ahhmm  Tita yayain ko po sana si Mariel may swimming lang po kami magbabarkada"sabi ni Remus si nanay ko. ang isa sa mga barkada ko simula highskul.

"hindi pwede!"sabat ni Jace.

"At bakit?sasama ako bantayan mo yang anak mo". sabi ko sa kay Jace.

"Mariel ayaw kang payagan ng asawa mo"bulong ni Remus.

"excuse me hindi ko sya asawa kaya!"sabi ko na ikinasama ng muka ni Jace kalong nya ang anak namin at nilalaro.

"Nay oh wag nyong payagan"sabi  pa nya naghanap pa talaga ng kakampi!.

"bakit ba!!? minsan lang naman saka maaga ako uuwi nay".singhal ko sa kanya sabay baling ko sa nanay ko.

"oh pano Mariel bukas ha sa Tala resort antayin ka namin ha.."si Remus at nagpaalam na. Tumango nalang ako sa kanya.

Lukot na lukot ang muka ni Jace na ibinigay ang bata sa nanay ko at lumabas ng bahay.

"Problema mo?"sabi ko ng sundan ko sya sa labas.

"Wala dun ka na sa barkada mo". sagot nya na hindi tumitingin sa akin habang nakasandal sa sasakyan nya.

"Eto ba yung sasakyan mo na pinag awayan natin dati?"pag iiba ko ng usapan.

"naayos mo na pala noh ngayon ko lang napansin". Sabi ko pa

"Pag sa barkada ang galing ngiting ngiti  pag sa akin ang sunget!". bulong nya na rinig ko naman.

Hindi ko ulit sya pinansin pero napapangiti ako sa asta nya.

"Halika na matulog na tayo gabi na." aya ko.

"Gusto ng matulog kasi gusto ng makapag swimming bukas tsss!".bulong pa din nya.

"Uupakan na kita jan!!,  bulong ka ng bulong ha di kita isasama jan bukas!!"sabay layas ko.

"Anong sabi mo?" sabay sunod sa akin sa luob ng bahay.

"Wala!!" irap ko.

"hehe rinig ko yun" .Sige na sleep na tayo para makapag swimming na tayo excited na ako yahooo!!!" adik talaga ito.

Kinabukasan sya pa ang excited na mag gayak ng dadalhin namin. Sya din ang nagluto ng isshare naming pagkain.

Ang sipag sipag nya ngayong araw na ito.

Ng nag alas singko na gayak na ang lahat tinawag ko muna ang pinsan ko para tulungan ang nanay sa tindahan at ky beybi Marjace.

"Halika na sakay na."sabi nya.

"Ok". sagot ko at sumakay na ako sa sasakyan nya.

"Ituro mo na lang ang daan beybi". abat naging sweet pa!.

Nakarating kami sa resort. Nagtitili ang mga barkada ko ng makita ako dahil dalawang taon ko din sila hindi nakita.

Laglag naman ang panga ng mga babae sa kasama kong guapo. Ipinakilala ko sila kay Jace at kilig na kilig naman sila.

"Omg! Mariel saan mo nakilala yan?" tanong ni Zara ang maliit sa amin.

"Hay naku mahabang kwento mamaya kukuwento ko pag may tama na  ako hehe" sabi ko.

"Ay nako hindi ka namin titigilan talaga!"si Luisa.

"oo na oo na"sagot ko nalang.

Nag rent kami ng isang cottage na malaki.

8 na lalaki at 7 na babae kami lahat.

Si Jace naman ang nagbayad ng room namin 3 room ang kinuha nya. Kami daw dalawa dun sa isa, hinayaan ko nalang dahil baka masira ang mood eh hindi pa nya bayaran ang room.

Nagsimula na kaming mag ihaw at mag gayak ng pagkain.

"Kamusta ka na?" tanong ni Orlando ang nag iisang tao na gusto ko nuon.

Nilapitan nya ako habang nag tutusok ng hotdog.

"Ok lang eto may anak na". sagot ko. hinanap ko ng mata ko si Jace nakita ko syang kausap ang mga girls na nag iihaw.

"Balita ko nga, at sya yung tatay diba?" tumango ako sa kanya.

"Bakit di mo ako inintay?" tanong pa nya.

"huh? ikaw talaga hindi na kita maantay ayaw mo nga sakin diba?"nabigla ako sa tanong nya

"Pwede ba happenings  to ng barkada wag kang ganyan" sabi ko pa.

"Pinuntahan kita sa dati mong work, pero wala ka na daw dun. Nabalitaan ko nalang may anak ka na nung puntahan ko ang nanay mo". sabi pa nya.

"Huh?bakit naman ginawa mo yun?" tanong ko pa.

"Manliligaw sana ako sayo nung umuwi.ako galing Taiwan, pero mukang huli na" Pinamulahan ako sa sinabi nya.

"Bakit?"tangi kong nasabi.

"Kasi gusto kita matagal na.

Lumapit sya sa akin at tumabi sa kinauupuan ko. "I'm sorry hindi ko magawa nuon torpe kasi ako isa pa kailangan ako ng parents ko diba? kailangan ko silang tulungan" malungkot nyang sabi.

"Anu kaba ok lang yun,wala na yun ibig sabihin lang hindi talaga tayo sa isat isa" Naiilang kong sabi.

"Sayang naman di bale alam ko naman mas maayos ang lagay mo sa kanya masaya na din ako". Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Napangiti na lang ako at iniwan na nya ako para pumunta sa mga boys.

Napatingin ako kay Jace nakita ko syang naglalakad papasok sa itaas ng hotel ng resort. Nagkibit balikat nalang ako.

*** omg ang lamig umuulan na ng nyebe take note nyebe po un daw tawag sa maliliit na yelo n pumapatak hindi snow ang pumapatak huhuhu!! gusto ko white ang paligid para picture picture..andamot mo yuki (snow).***

Dec 4 2014 11:12pm lapit na ko umuwi wohoo..19 days nalang!!!***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

i came to youWhere stories live. Discover now