part 27 naguguluhan.

25 2 0
                                    

"Tita gusto ko po sanang magpaalam sa inyo uuwi na po sana kami ni Marjace sa Laguna".pagpapaalam ko sa mommy ni Jace.

Lumapit sa akin si tita at hinawakan ako sa mga kamay.Nasa sala sya at nag babasa ng magazine.

"Alam ko dadating ang time na ito na magpapaalam kayo sa amin, gusto ko lang malaman mo kung ano man ang desisyon mo nakasuporta kami sayo."paliwanag ni tita sa akin.

"Tita hindi ko po ilalayo si Marjace,pwede nyo naman po syang dalawin sa laguna"sabi ko.

"i know hija,kailan ba kayo balak umalis?"tanong pa nya.

"gusto ko po sana sa isang araw na"sagot ko.

Iginayak na namin ang mga gamit namin ni Marjace. Binigyan kami ni tito at tita ng pang pahunan sa negosyo,iyak ng iyak si Nika pero naunawaan naman nya ang pang yayari.

"Nika papakabait ka ha minsan dadalaw kami dito ni Marjace"yakap ko kay Nika.

"Ate uuwi ako sa laguna twing bakasyon ha"si Nika.

"of course Nika "yakap ko sa kanya.

Sumakay na kami ng kotse habang kalong ko si Marjace.

Nakita ko si Jace na dumating, agad syang bumaba ng sasakyan nya at patakbong lumapit sa amin.

"Ako na maghahatid sa inyo sa laguna"sabi nya at sumakay na sa driver seat.Pinaupo nya ako sa unahan at si marjace ay inilagay ko carseat 4 na buwan na din naman sya at nakaka upo na.

Kumaway kami kila Nika bago tuluyang umalis.

Mahabang katahimikan ang dumaan sa amin myat mya ko din nililingon si marjace.

"Ahm Jace kamusta na kayo ni Missy?"tanong ko na kahit alam kong masasaktan ako sa tanong ko ginawa ko pa din.

"Ok lang were getting married maybe nextyear"sagot nya na hindi ako nililingon.

"ah ganun ba siguro Jace dapat na din akong maghanap ng makakatuwang ko hindi habang buhay ganito na lang ako"sabi ko.

"No M-Mariel paano kung hindi tanggapin ng magiging asawa mo si Marjace"sabi nya na parang nalilito.

"Paano naman ako kailangan ko din mag asawa paano ako sino makakasama ko pagtanda ko?"tanong ko.

"Hindi pa ba sapat si Marjace para makasama mo pagtanda?,anjan si Nika o baka naman sex lang ang gusto mo sa lalaki?"sabi pa nito.

"Jace hindi mo ako naiintindihan"sagot ko.

"No Mariel pag nag asawa ka kukunin ko ang anak ko."sabi pa nya na nagbabanta.

"Bakit ba hindi mo ako naiintindihan Jace bakit?"tanong ko pa.

Bigla nyang inikot ang sasakyan pabalik.

"Saan mo kami dadalhin bakit mo ibinalik?"tanong ko na napapakapit dahil bumilis na ang takbo ng sasakyan.

Ipinarada nya sa harap ng building ng kompanya ang sasakyan kinuha nya si marjace at hinila ako palabas ng kotse.

"Ano ba Jace baka masaktan ang bata!"sabi ko na nakatingin sa anak ko.

Hinila nya ko sa elevator paakyat sa penthouse.Binitiwn nya ako at kinuha ang susi.

"Dito kayo ni marjace"sabi lang nya ng makapasok kami at lumabas.

Bumalik sya at ipinasok ang mga gamit naming mag ina.

"What is it Jace nababaliw ka naba?,bakit isinama mo dito yang mag ina mo?!!!"si Missy na nakasunod pala kay Jace.

"Umiyak si marjace dahil sa  lakas ng boses ni Missy.

"Will you please shut up!!,Mariel ipasok mo ang bata sa guestroom doon ang kwarto nyong dalawa."sabi ni Jace at tumalima naman ako dahil iyak pa din ng iyak ang anak ko.

"nababaliw ka naba hindi pwede to hindi natin pwedeng kasama sila akala ko ba iuuwi mo na sila sa laguna?",punyeta naman Jace ikakasal na tayo tapos ganito pa ang gagawin mo?"si Missy rinig ko padin ang sigaw nya mula sa sala.

"Missy please calmdown ok i have to do this for the sake of the child!!"sigaw din ni.Jace.

"Oh sige paalisin mo ang babae mo at iwan nya ang anak mo"sabi ni Missy na lalo kong ikinayakap kay marjace.

Narinig kong sumara ng malakas ang pinto.

Napaluha ako sa mga narinig ko,hindi ko kayang mawala ang anak ko sa akin at ang bruhang si Missy ang mag aalaga baka saktan nya lang si Marjace.

Inayos ko si Marjace sa kama ng pinadede ko at makatulog hinarangan ko ng unan sa magkabilang tabi dahil nasa labas pa ang crib nya. Tumayo ako at lumabas para kunin ang ibang gamit namin.

"Buti lumabas ka na kumain na tayo"si Jace na ikinagulat ko nasa kusina at naka apron na naghahain sa lamesa.

Umupo ako sa upuan sa lamesa.

"ahm Jace rinig ko ang pinag usapan nyo"sabi ko.

"Hindi ko kayang malayo sa anak ko huhuhu.."sabi ko na napahagulhol.

"No Mariel hindi mapapahiwalay si Marjace sayo,kumain  na tayo"sabi nalang nya.

i came to youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang