Lumipas ang isang taon namin sa laguna ng tahimik. Noong birthday ni Marjace dumating sila Nika pero walang Jace na kasama.
Maayos naman ang maliit na business namin ng nanay isang medyo hindi naman kalakihan at kaliitang groceries at school supplies. Nag lagay din kami ng loading business.
Ang ate Cita naman ayon, nagpakasal na sila ng kuya Norman at kasulukuyang buntis sa kanilang unang anak.
"Mariel may bumibili asikasuhin mo muna at hindi ko pa tapos pakainin si Mj."
utos ng nanay sa akin.
"nanay talaga parang tomboy naman ang Mj eh". simangot kong sabi.
"cute nga eh db Mj?"sabay pisil sa pisngi ni Marjace tatawa tawa naman ang cute kong anak.
Lumakad ako papunta sa tindahan na kanugnog ng bahay namin idinikit na ang tindahan para hindi na kami aalis pa ng bahay at para maalagaan namin pareho si Marjace.
Meron namang bukod na pinto ang tindahan na nasa loob din ng bahay kaya hindi nakakaabala halimbawa magkabisita kami.
"Ano po ang b-bil."napanganga ako sa nakita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon. Pero nangingibabaw ang inis at galit sa akin.
Nakasuot sya ng puting v neck shirt na hapit sa katawan at faded maong jeans at white shoes. Amoy na amoy ko din ang bango nya. erase! erase! letse bakit ang gwapo nya?.
"ahm pwede po bang bilhin ka miss"si Jace,bwisit anong ginagawa nya dito?.
"sorry sir hindi pwede umalis kana"sagot ko.
"Mariel naman hindi mo man lang ba ako papapasukin ang layo pa ng biniyahe ko"aniya. abat sinong may sabing bumiyahe sya ng malayo?!.
"anak sino ba yang--"oh Jace iho ikaw pala pasok ka,anu ka ba naman Mariela hindi mo man lang pinapasok yang tao".ang nanay talaga hindi naman yan tao!
"salamat po nay!ngisi ng walangya.
"maupo ka ano bang kailangan mo iho?"tanong ng nanay ng makapasok na ang adonis este ang walangya, kinuha ko si Marjace at binuhat.
"ahm" sabay kamot sa ulo."eh nay gusto ko po sanang magbakasyon dito sa inyo."sabi ni Jace abat balak pang gawing resthouse itong bahay namin.
"excuse me pero madaming resort dito ihahatid kita kung gusto mo"sabat ko.
"anu ka ba naman Mariel tatatlo naman tayo dito nalang si Jace, bakante naman yung kwarto ng ate mo sa itaas" ang nanay. Isusumbong kita sa ate ginawa mong bahay panuluyan ang kwarto nya!.
"ah eh nay isa pa po pala gusto ko po sanang ligawan si Mariel"sabay tingin sa akin. ano kamo?!
Napanganga ako pero mabilis akong nakabawi. " hindi ako nagpapaligaw!" sigaw ko. nag init bigla ang pisngi ko sa narinig.
"kahit ayaw mo gagawin ko!"sigaw din niya.
"tumigil na nga kayong dalawa.Mariel ayaw mo bang bigyan ng buong pamilya si Mj?"tanong ng nanay
"hmmp bahala kayo sa buhay nyo basta ako ayoko!"sabay akyat ko sa taas habang karga si Marjace.
Pabalibag kong isinara ang pinto ibinaba ko si Marjace sa kama.
"kainis bakit ang bilis bilis ni nanay bumigay sa taong yun!"
"Mariel buksan mo tong pinto"katok ng nanay.Binuksan ko ang pinto at pinapasok si nanay.
"Anak bigyan mo sya ng pagkakataon mahal ka nya,alam mo ba tumawag muna yan sa akin bago nagpunta dito at pinaliwanag ang side nya."ani ng nanay.
"Anak hindi na ako bata gusto ko my makakasama ka sa buhay bago ako umalis"naiiyak na sabi ng nanay, napaawa naman ako. bakit saan ba sya pupunta kainis naman ang layas ng nanay ko talaga!.
" Nanay talaga wag nga kayong ganyan, bata pa kayo. oo na nay pero hindi ganun kadali yun. Paghirapan nya muna ako!". sagot ko sa nanay.
"anak ikaw bahala kung ano gusto mo gawin sa kanya basta gusto ko sya ang makatuluyan mo dahil ayokong iba ang kilalaning ama ng apo ko maliwanag ba?" ano ako kung kani kanino bumubukaka? nanay talaga!
"opo nay kayo talaga" at niyakap ko ang nanay pati na din ang anak ko.
"ah eh Mariel my nabili kasi hindi ko alam paano"singit ni Jace sa pinto mya mya.
"pagbilhan mo itanong mo sa kanya kung magkano yung binibili nya alam nya yun!"sigaw ko.
"ah oo sige". napakamot ng ulo na bumaba si Jace sa hagdan.
Bumaba ako at Naabutan ko syang hindi magkamayaw sa mga bumibili. Teka bakit puro babaeng kiri itong mga ito.
"Oh sige na alis na kayo nakabili na ata kayo!"taboy ko sa mga malalandi.
"Ate Mariel pakilala mo naman kami sa kanya"sabi ng kapitbahay naming si Benja.
"Kayo ba ay lalayas o tatamaan kayo sa akin?!" banta ko sa kanila.
"tsupii na!!" sigaw ko.
"taray mo naman!, bye kuya "sabi pa ng isang kasama nila.
"oh ikaw manliligaw ka diba?pwes lahat ng ipagagawa ko sayo gagawin mo ok!"harap ko kay Jace.
hinawakan nya ang dalawang pisngi ko.
"opo mahal ko, kahit ano basta makasama ko lang ulit kayong mag ina ko gagawin ko. pagkabasa ko ng sulat mo noon sa akin sabi ko palilipasin ko lang ang isang buwan at pupuntahan ko kayo pero natakot ako, natakot ako na sariwa pa ang sugat sa puso mo kaya sabi ko isang taon pa."sabi pa nya at nakita kong may tumakas na luha sa mata nya.
"o-ohh sige na sige na iakyat mo ang gamit mo sa kwarto ng ate sa kaliwa yun" bawi ko sa kabang nararamdaman ko sa ginawa nya.
"bumaba ka pagkatapos at magluto ka ng hapunan sarapan mo ha madaming lulutuin sa ref"habol ko pa sa kanya.
"opo masusunod". sagot nya sabay kindat sa akin.
"J-jace" tawag ko sa kanya na ikinalingon nya.
"Masakit pa pero sana magawa mong alisin ang sakit na nararamdaman ko."sabi ko.
"gagawin ko gagawin ko" at malungkot syang tumalikod.
Umakyat sya at pagbaba nya karga nya si Marjace may hawak na laruan na siguro bigay nya. Mukang mamahalin, iniabot nya sa akin ang bata at pumunta na sya ng kusina para magluto.
Narinig ko syang pasipol sipol pa.
"Anak masaya ata ang kumag ano? , hindi nya alam ang panganib sa mga kamay mo hahaha". sabi ng nanay na natatawa.
"oo nga nay bayaan nyo sya magsaya sya ngayon at nalalapit na ang katapusan nya bwahahaha!"halakhak ko.
"anak nababaliw ka na!" sabi ng nanay.
"nanay talaga ikaw una jan eh" at nagtawanan lang kami habang nakatingin sa walang kamalay malay na si Jace.
***
nakakatuwa sinipag tuloy akong mag UD nadagdagan ang views eh hehehe..*** yung nasa pic nung namasyal kami sa amusement park here in japan!!
YOU ARE READING
i came to you
Romance500 thousand pesos. yan ang utang ko sa kanya.. Ngunit paano ko sya babayaran kung wala akong trabaho?? Kaya ko bang ibayad ang sarili ko sa kanya?? Paano kung nabayaran ko na sya at sabihin nyang GET LOST! Kaya ko bang iwan sya kung mahal ko na sy...