part 22 Letting go.

22 1 0
                                    

Lumipas ang isang buwan ko sa kulungan tanging si Nanay at Jane lang ang dunadalaw sa akin paminsan minsan dinadalaw ako ni manang dinadalhan ako ng mga pagkain.

" Girl bakit kasi hindi mo sinabi sa amin na napulot mo lang si Nika di sana meron kang ebidensya na hindi mo talaga sya kinidnap." si brandy kasama sila aisa eilene at shane ng minsang dumalaw sil sa akin.

" ok na yun wala na tayo magagawa" sabi ko nalang.

" ayaw mo bang pag hati hatian naming lina ang pang pyansa mo?" si eilene.

" oo nga Mariel para makalabas ka na dito" sang ayon ni shane.

" hindi salamat nalang parang inamin ko na din na may kasalanan ako hayaan nyo lalabas din ang totoo" sagot ko.

"Mariel si sir Jace nga pala, nagkabalikan na sila ni Missy umuwi si Missy ng malaman ang nangyari"si aisa

" hayaan nyo na tanggap ko nanaman ang mangyayari malabo na kaming magkabalikan ni Jace dahil sa ngyari at isa pa pinlano niya lahat ito, lahat pagkukunwari lang."sagot ko kay aisa.

" mag pakatatag ka lang kaya mo yan lalabas din ang totoo" si brandy.

Lumipas nanaman ang  isang linggo ko sa kulungan. Tuwing umaga nakakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura at pagduduwal. Ng minsang dumalaw si Jane nagpabili ako ng preganancy test.

" anong gagawin mo ngayon Mariel buntis ka pa hindi pwedeng andito ka makakasama sa bata." sabi nya ng makita namin ang resulta sa pt.

" wala tayo magagawa kapalaran ko na siguro ito Jane wag kang mag alala hindi ko ipapalaglag ang bata." sagot ko.

"hindi mo ba sasabihin kay Jace yan?" tanong pa nya.

" hindi ko alam natatakot ako na malaman nya baka kunin nya ang anak ko." sagot ko.sa kanya.

Patuloy ang buhay ko sa loob ng kulungan tumutulong nalang ako sa pagluluto para sa mga pulis at sa gabi ibinabalik nila ako sa kulungan.

Mababait ang mga pulis na nasa loob ng presinto hindi nila ako dinadala sa malaking kulungan nalaman na din nilang buntis ako dahil umuumbok  na ang tyan ko.

Minsan pa nga nilang napagkatuwaang ipacheckup ako at nalaman ko na 2 at kalahating buwan na akong buntis.

Dalawang buwan pa ang lumipas inabot pa ako ng bday sa loob ng presinto.

Nakaka tatlong buwan na ako ng makarinig ako ng balita na nakakapagsalita na daw si Nika ayon sa abogado ko at hinahanap daw ako ng bata.Naiyak ako sa nalaman ko mahal pa din pala ako ni Nika.

*Jace pov*

Nakakapagsalita na si Tiffy pero umiiwas sya sa amin nila momy at daddy hindi nya kami kinakausap ang mga katulong lang ang palagi nyang kinakausap.

"Hijo paano natin mapapagsalita si Tiffy kung aloof sya sa atin,panay katulong lang ang kinakausap nya" sabi ni mom habang nakatingin kami ky Tiffany na nasa garden at kausap ang hardinero.

"mom mapapaamin din natin sya kung anong ngyari sa kanya nuon maghintay lang tayo" sagot ko.

" hijo buntis daw si Mariel, ikaw ba ang ama?"nagulat ako sa tanong ni momy.

" sino may sabi sayo mom?" tanong ko.

"ang warden sa presinto minsan kasi kinamusta ko si Mariel naaawa din naman ako sa kalagayan nya" sabi ni mom.

" wag kayo maawa baka mamaya isang pulis lang ang nakabuntis don" sabi ko nalang

" anak malaki na daw ang tyan at saka pinapacheckup daw nila yun.ngayon daw Apat na buwan na daw ang pinagbubuntis ni Mariel" sabi pa nya.

hindi nalang ako umimik at umalis kung totoong akin yun dapat makaalis na sya sa kulungan at bumalik nalang pagkapanganak nya.

i came to youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora