Nagising ako sa marahas na paghila ni Jace sa braso ko.
"Jace nasasaktan ako!"sambit ko habang pumipiglas sa hawak nya.
Dinala nya ako sa kwarto nya at inihagis sa kama.Amoy ko ang alak sa bibig nya.
Inupuan nya ako sa tyan ko at ang magkabilang tuhod ay nsa tagaliran ko.
"GANITO BA?! GANITO BA ANG GINAWA MO KAY MISSY HA!?" Galit nyang sabi sa akin sabay sampal ng malakas sa akin.
"Jace sya ang una hindi ako." sabi ko sa kanya habang halos mabingi sa pagkakasampal nya sa akin.
"WALA KANG KARAPATANG SAKTAN SYA MARIEL KAHIT ISANG DALIRI NYA WAG NA WAG MONG SASAKTAN"Sigaw pa nya.
"Oo Jace hindi ko na sya sasaktan"sigaw ko sakanya.
Halos mabingi ako sa ginagawa nyang pagsampal na iyon. wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak paulit ulit nya ako sinampal hanggng namanhid na ang muka ko sa ginagawa nya.
Naramdaman kong tumulo ang luha nya sa muka ko.Umalis sya sa pagkakadagan sakin at hinila nya ako patayo.
"Get lost Mariel Get lost" halos pabulong nyang sabi.
Itinulak nya ako palabas ng kwarto at isinara nya iyon.
Naupo ako sa may pinto dahil sa panghihinang naramdaman ko.
"Hindi ko na kayang manatili pa dito.nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya kanina.umiyak sya dahil nasaktan ko si Missy. Mahal kita Jace at ayoko nakikita kang nasasaktan ka dahil sa akin."sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at pumasok sa kwarto namin ng anak ko.Buti nalang at tulog pa ito.
Kinuha ko ang cellphone ko at idinayal ang number ng ate Cita.
"Ate!"hagulhol kong sabi pagkarinig sa boses nya.
"Ate kaunin nyo kami ng kuya Norman dito sa penthouse bukas ibibigay ko sayo ang address magdala ka na din ng jip may mga gamit kasi kami" sabi ko sa ate at pinatay na ang tawag ng sumang ayon sya.
Kinabukasan maaga palang wala na si Jace.Mabuti na din yon para hindi nya makita ang pag alis namin ni Marjace.
Alas 10 ng umaga dumating ang ate kasama ang kuya norman.
Ipinabitbit ko ang mga gamit namin pati ang crib at stroller pati walker at mga gatas na binili ni Jace para sa bata.
Nag iwan na din ako ng sulat sa kanya.
Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon mabuti na lang at linggo walang empleyado.
Niyakap ako ng nanay ng makarating kami sa laguna.
"anak matatapos din ito Walang binigay na problema ang Dyos na hindi natin kayang lutasin." sabi ng nanay na lalong kong ikinaiyak.
"Mariel kahit anong mangyari pamilya ka namin andito kami ng kuya Norman mo para sayo"sabi ng ate Cita.
Niyakap ko nalang sila.
Walang ng mas sasarap pa sa piling ng pamilya.
YOU ARE READING
i came to you
Romance500 thousand pesos. yan ang utang ko sa kanya.. Ngunit paano ko sya babayaran kung wala akong trabaho?? Kaya ko bang ibayad ang sarili ko sa kanya?? Paano kung nabayaran ko na sya at sabihin nyang GET LOST! Kaya ko bang iwan sya kung mahal ko na sy...