part 11 party parteey

20 0 0
                                    

Tugs tugs tugs!! rinig ko ang malakas na tugtog na ng gagaling sa loob ng bar na yon.

Pumasok ako at hinanap sila Brandy.

Nakita ko agad sila pa headbang headbang pa si shane at aisa ng makita ko.

"Bakit ang tagal mo! " si aisa.

"Sorry umuwi muna kasi ako para magbihis" sagot ko.

Umuwi ako kanina pag kagaling ko  sa opisina dahil maaga pa naman inabutan ko pang gising si Nika kumain ako bago nagbihis at umalis na din panigurado kasing lasingan ang labanan. Nagbihis lang ako ng faded na skinny jeans na ipinaluob ko sa highcut chuck na black.

Hanging blouse na white lang ang tinerno ko.Pagkatapos itinali ko lang paitaas ang buhok ko.

" ang cute mo si shane" sabay pisil sa pisngi ko

" ikaw din naman oh nka mini dress ka susyal na susyal ang dating mo." sabi ko.

" ganun talaga para makabingwit na ako ng boys" sabi nyang sumasayaw sayaw pa.Nagtawanan nlang kaming tatlo nila aisa at shane.

Lumapit si brandy sa amin kasama ang batang batang jowa.

" happy birthday brandy!!" sabay beso ko saknya.

" tnx bakla..eto nga pala ang jowa ko si mikel, mikel si mariel " pakilala nya at nakipagkamay sa akin si mikel.

" oh enjoy the party ha may inaantay pa ako mga friends kong juding din hahaha! " sabi pa nya.

Naginuman na kami iba ibang klaseng inumin ang inorder nya sa amin at madaming pulutan.

Mya mya nagkayayaan na kami sa dance floor.

Muka na kaming mga baliw na nagsasaya sa gitna wala na kaming pakialam sa paligid dahil medyo natamaan na kami ng alak.

Pagbalik namin sa table may tatlong bakla ng andon mga kaibigan ni brandy mababait naman sila at talagang nakakatuwa sila sa mga kilos at pananalita.

" so andito pala kayo anong meron" sabi ng nagsalita sa likod ko.

Hindi ako lumingon dahil alam ko nh si walangya yon.

" ahh sir Jace bday po ni Brandy i mean Mario sir " si aisa na nakangiti pa dahil tinamaan na ng alak.

" ok Happy birthday Mario" sabay kamay kay brandy.

" isang round ang sakin sagot ko na" sabi pa ni walangya.

" talaga sir? wow thankyou po" si brandy.

" nanlilibre tapos kung makasingil sa akin.akala mo hindi babayaran"bulong ko habang hinahalo ko ng straw ang juice sa tapat ko.

" miss Aquino narinig kita" si walangya.

" ay nako wala po akong sinabi" sabay harap ko sa kanya.

" ang sabi ko po ang bait nyo ang cute nyo pa sir Jace" sabay pisil sa pisngi nya.

Hindi ko napansin na namula sya sa Sinabi ko.

" enjoy the night lalo ka na miss aquino" bulong ni Jace na nakatingin lang sa akin at ininum ang hawak na alak sa kopita.

" sure sir i will enjoy the nyyyttt!!" sigaw ko para mapagtakpan ang pag iinit ng pisngi ko at dahil lalong lumalakas ang tugtog.

Paminsan minsan napapansin ko si sir Jace na tumitingin sa akin.Lalo na pag sunasayaw ako sa gitna.

Bahala syang lumuwa ang mata sa akin.

Lumalim na  ang gabi ng hindi namin namamalayan ala una ng mapagpasyahan naming umuwi dahil may pasok pa kami kinabukasan.

i came to youWhere stories live. Discover now