Part 3 please

28 1 0
                                    

"chief wala po akong kasalanan sasagasaan nya po ako kaya binato ko po yung sasakyan nya".naiiyak kong sabi sa pulis sa presinto.

Muka na akong baliw dahil basa ang damit ko at magulo pa ang buhok ko.

"whaaat wala kang kasalanan?, eh anong tawag mo dun sa sira ng kotse ko alanganamang sirain ko yun mag isa at saka hindi kita sasagasaan dahil wala naman ako mapupurat sayo." sabi ni pogi este ni walangya.

"ikaw naman ang may kasalanan ah bubungguin mo ako" sabay singhot sa sipon ko.

"ano? bubungguin kita? bakit? kaaway ba kita at saka teka lang ano bang pakialam mo kung ayaw kitang pasakayin sa kotse ko ha??".mulagat na mulagat na sabi nya sa akin

lumapit ang mamang pulis sa amin may ibinigay na papel" miss Aquino pakipirmahan mo nalang ito ganun din ikaw mr. Chu." napatingin ako sa papel "ano po ba ito?"tanong ko pa.

Umupo ang pulis sa katapat na upuan.

" miss yan ang kasunduan nyo na babayaran, para hindi kana kumuha ng abogado dito nalng po natin gagawin".

" ano? bakit magkano ba ang babayaran ko?" sabay basa sa nakasulat sa papel.

"250k? nababaliw na ba kayo? ilaw lang yon at salamin bakit ganito kalaking halaga ang babayaran ko?" ibinato ko ang papel sa muka ni walangya.

Nag igting ang mga ngipib nya at nakakuyom ang kamao sa ginawa ko.

" miss alam mo ba kung anong halaga ng sinira mo ha, alam mo ba kung magkano ang sasakyan ko?" tanong nya.

" eh bakit hndi naman buong sasakyan ang sinira ko ah". sagot ko sa kanya.

" miss makikialam na po ako ha" sabi ng pulis

"ferrari po ang kinalaban nyo milyon po ang halaga ng ferrari hindi po biro ang halaga nun hindi po biro ang salamin ang ilaw ng sasakyan at isa pa po sa ibang bansa pa po inoorder ang pyesa nun" mahabang sabi ng pulis sa akin

" eh paano kung wala akong ibabayad? natanggal po ako sa trabaho kahapon lang panu ko babayaran yan". sabi ko sa pulis

" aba miss eh d makukulong ka at kahit makulong ka babayaran mo pa din ang damage na ginawa mo" sabi pa ulit ng pulis.

"miss wala akong panahong makipag biruan sayo" sagot ni walangya.

" bakit tingin mo ba nakikipag biruan ako sayo ha? tingin mo sa akin mayaman? , singahal ko sa kanya

" ikaw mayaman ka di ikaw magpaayos ng sasakyan mo." sabi ko pa.

"sige chief ikulong nyo na yan". sabi ni walangya na nakatingin ng matalimmsa akin sabay labas ng presinto.

Hinabol ko agad sya at hinawakan sa braso ng maabutan ko.

" sir chiwa wa parang awa mo na wag nyo po ako ipakulong please may sakit po ang nanay ko sa probinsya, nawalan po ako ng trabaho dahil sa boss kong gusto akobg pagsamantalahan". sabi kong humahagulhol

"sir chiwa wa kung gusto nyo babayaran ko kayo pauti uti pag may trabaho na ako promis ko po sir ibibigay ko po ang address ko sa inyo pangalan pati address sa laguna lahat lahat ng impormasyon tungkol sa akin wag nyo lang ako ipakulong." huhuhu " sabi ko kay walangya na hindi ko alam kung bakit nakatingin sa akin at animoy diring diri.

" miss una sa lahat chua ang apelyido ko at hindi chua wa, ginawa mo pa kong aso!" sigaw nya

"pangalawa bitawan mo ako dahil nasusuka ako sa amoy mo". dagdag pa nya.

"bigay mo sa akin ang number mo at address pati adress mo sa laguna pati pangalan ng nanay at tatay mo siguraduhin mo lang na totoo yan kung hindi ipapakulong kita ng tuluyan, naintindihan mo?!!" sabi pa nya.

"opo sir chua w_". pigil nya sa bibig..at kumuha ng papel at bolpen sa bag nya.

"akina ang id mo" sabi ni walangya

"po?id? tanong ko

"oo id bingi ka ba?, voters o kaya kahit ano na may picture ka, para pag tinakasan mo ako ibabalandra ko ang pagmumuka mo at gagawin kong wanted!! sabi pa nya.

"opo eto po voters ko yan" sabay abot ng id ko at papel na may lamang address.

" tatawagan nalang kita kung paano ang gagawin mong pagbabayad sa akin" sabi nya.

" sige po sir basta wag lang po katawan" sabi ko sakanya na parang nahihiya.

napatawa sya ng malakas sa sinabi ko.

" nagpapatawa ka ba miss? tingnan mo nga yang sarili mo".

" hmmpp yabang mo" sabi ko.

" jan ka na baka nag iintay na yung date ko pag hindi ko naabutan yun humanda ka sa akin gagawin kong doble ang utang mo" sabi nya sabay pindot sa remote ng sasakyan. sumakay sya at pinaharurot ito.

" hmmpp mabangga ka sana!!!! baliw!! sigaw ko kahit alam kong hindi nya ako naririnig.

Ngunit huminto ito sa di kalayuan na ikinabigla ko at kumaripas ako ng takbo palayo sa lugar na yon.

i came to youWhere stories live. Discover now