part 6 Nika

30 1 0
                                    

*this is dedicated to my friend lui*

"pssstt" napalingon ako sa sa sumitsit sa akin, kumakain ako sa fastfood hindi kalayuan sa Tiffany Corp.

"pahingi po kahit konti lang"sabi ng bata sa akin.

sumenyas ako ng teka lang..tinapos ko ang kain ko ibinalot ko sa plastic na dala ko ang pagkaing natira.lumabas ako ng fastfood at lumapit sa bata

"oh sayo nalang to saan ka ba nakatira". sabay abot sa kanya ng pagkain.

"dyan lang po sa building na walang nakatira" binuksan nya ang pagkain at sinimulang kainin

"salamat po dito ha" sabi nya ng namumualan pa.

"wala yon pag nasweldo na ako at nakita mo ako dito bibigyan ulit kita ok ba?apir naman jan!!sabi ko at umapir sa kanya.

" ano po pangalan mo?tanong nya.

"ate mariel nalang tawag mo sa akin."sabi ko

"ako po si nika kasama ko po yung mga bata tumakas po kami sa van noong nakatulog po yung bantay namin."sabi nya

"ha?nasan ang mga kasama mo?bakit hindi kayo umuwi sa inyo saan ba ang bahay mo?"sunod sunod na tanong ko.

"galing po kami sa ampunan akala po namin aampunin kami yon po pala dadalhin kami sa mga bayan bayan para mamalimos." sabi nya

bigla kong naalala yung lugar namin sa laguna tuwing linggo may dumadating na isang trak na puro badjao at namamalimos sa palengke.

" halika sumama ka sa akin, teka baka mamaya budol budol gang ka ha" mulagat kong sabi sa kanya.

" ano po yun ate?wag po kayo mag alala hindi po ako masamang tao" sagot nya

" gusto mo bang sumama sa akin?mag isa nalang ako sa bahay wala pa naman yung kahati ko sa kwarto matagal pa yun dadating.may mga gamit ka ba?" tanong ko

"opo kukunin ko po ate antay lang po ha." sabi nya sabay takbo inantay ko sya para kunin ang gamit nya.

" oh anong ginagawa mo dito?" napapitlag ako ng magsalita si walangya.

" ah eh sir chuwa wi may inaantay lang po ako,bukas pa naman po yung start ko sa work diba?"sabi ko.

Akmang babatukan ako ni walangya.

"i told you its chua not chuwa wa or chuwa wi!!!". sigaw nya.

" sorry naman sir ok hindi na po".sabi ko napatayo ako ng mamataan ko si nika.

kinuha ko ang bag nya at envelop.

"ano to?turo ko sa envelop.

" papel ko yan ate diba sabi ko sayo aampunin sana kami nung mga yun kaya lang iba ang pinagawa samin".

"ah uo nga pala hehe sige halika na."akbay ko kay nika.

"paano sir Chuwa wi bukas nalang po ha, babush!! NIKA TAKBOOO!!!!".

takbo kami dahil napamulagat nanaman si walangya.

Nakauwi na kami ni Nika sa apartment.Inilapag nya ang gamit nya sa sahig.

"ahhm ate maraming salamat po sa pagkupkop nyo sa akin wag kayo mag alala hindi po ako magiging pabigat sa inyo." sabi ni Nika

" oh sya ayusin mo na yung gamit mo sa cabinet may space pa jan tapos maligo ka dahil ambaho mo haha saan kaba nagsususuot na bata ka?"sabi ko ky Nika.

" haha ate talaga saan mo ba kami gusto matulog sa kama?, syempre pulubi kami diba hahha"tawang sabi ni Nika.

" uo nga naman ikaw talaga. bukas magtatrabaho ang ate ok?ikaw dito ka lang ilang taon ka na nga pala?"tanong ko

"10 na ako ate mag 11 sa nextmonth."sagot nya.

"ok tutulungan mo na lang ako sa gawaing bahay dont worry magsisipag ako pagtatrabaho para makapag aral ka sa next year" pangako ko

" talaga po ate? wow ang bait mo naman, ate grade 5 na sana ako ngayon kung hindi kami kinuha."malungkot nyang sabi.

niyakap ko sya " wag ka mag alala kahit mahirap lang tayo kakayanin natin to,pero maligo ka muna ok" sabay palo sa pwet nya.

tatawa tawang tumakbo si nika sa banyo.

Nagpahinga ako saglit at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa tunog ng pag click ng kalan.

" ate nagsaing na po ako alas sais na po kasi" sabi ni nika.

" salamat nakatulog pala ako halika samahan mo ako bumili ng ulam mamaya pa naman kukulo yan" yaya ko sa kanya.

"manang isang order ng ulam po ung gulay at dalawang galunggong na prito."sabi ko kay manang

" aba may kasama ka pala" tanong ni manang.

"po ah eh pinsan ko po.dito po muna sa akin hirap po kasi sila sa probinsya kaya kinuha ko po muna" pag sisinungaling ko kay manang mahirap na baka mamaya pag tsismisan pa ako dito.

" aba ay kung ganon baka gusto nyang mag sideline dito habang andito sya. tutulong tulong lang sya dito sa akin magbabantay oh kaya sasamahan ako sa palengke.." sabi ni manang..

" mag aaral po kasi sya manang sa pasukan" sabi ko.

" walang problema matagal pa naman ang pasukan makakaipon pa sya." sabi ni manang

" ano ok ba yun sayo?" siko ko kay nika.

" oo ate ok na ok" gusto ko makaipon para makapag aral at para hindi ako maging pabigat sayo dito" sambit ni nika.

"ok sige tutal kalapit bahay lang naman at wala naman ako sa araw dito sige mag sideline ka kay manang, sasamahan mo lang naman sya dito."sabi ko

tumango sya at parang umaliwalas ang muka,lalo syang gumanda sa paningin ko.

"bukas po.magsisimula na sya manang salamat po"paalam namin ni nika sa kanya.

" nika hindi mo pwde sabihin sa kanya na takas ka lang sa mga dumukot sa inyo baka mamaya ibalik ka sa ampunan pero kung gusto mo ibalik ka pwede natin sabihin ky manang ang totoo." sabi ko sakanya ng makapasok kami ng bahay.

" hindi ate ayoko ng bumalik don baka bumalik yung masasamang tao sa ampunan" iling ni nika.

"saan ba kayo nakatakas ng mga kasama mo? " tanong ko. binuklat ko ang takip ng kaldero dahil nakulo na

" hindi ko alam ate yung lugar pero malayo sumakay kami ng jip sumabit kami hanggang nakarating kami dito. matagal na yun siguro mga february yun." sagot nya.

"february tpos october ngayon ibig sabihin walong buwan ka ng pagala gala?" tanong ko.

"opo ate mariel isa pa sa bataan ang bahay ampunan namin kaya malayo talaga, ate sasabihin ko nalang kay manang pag nagtanong pamangkin mo ako"sabi ni nika.

" wag ang alam nya kasi na wala pa ako pamangkin, sabihin mo pinsan kita patay na ang nanay at tatay mo kaya nakatira ka sa tiya natin tapos kinuha kita bahala ka ng magsabi kung ano kinamatay nila" sabi ko sakanya.

Tumango tango naman si Nica.

Makatapos namin kumain hinanda ko ang gagamitin ko pang pasok sa opisina.

Naligo ako at nahiga na kami ni Nika.

Bukas panibagong araw at panibagong kasama.

i came to youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora