Alas sais ng umaga ako nagising Naligo agad ako.
10:00 am ang kasal ko kaya dapat maaga alas 7 daw dadating ang mag aayos sa akin.
Nagsimula ng dumating ang magmamake up at mag pipicture sa akin.
Lahat ng galaw ko ay kinukunan ng video at picture.
" wow muka kang artista pala pag inayusan" sabi ng baklang nag aayos sa akin.
" naku hindi naman ang galing mo lang talagang mag make up" sabi ko sa kanya.
Inayusan na din sila ate Cita nanay at Nika pagkatapos ko.
" hello everyone" Nagulat ako sa nagsalita walang iba kundi si Jane.
" o my Gosh Jane nakarating ka kailan pa?" tanong ko sabay yakap sa kanya.
" fresh from airport to neng!!"si Jane.
" nakakaasar ka hindi mo ako ginawang abay" si Jane sabay simangot.
" anu ka ba hindi ko naman alam na dadating ka diba sabi mo nextyear ka pa uuwi?" sagot ko.
" hindi joke lang sinurprise talaga kita saka ok lang hindi ako abay kasi gagawin kitang ninang sa kasal ko nextyear" sabi pa nya.
" loka ka talaga ninang agad haha" sabi ko at nagtawanan kami.
Nag pa make up din sya at dahil kahit hindi daw sya abay basta maganda daw sya.Napapangiti nalang ako dahil nakikita ko nakikipag away pa sya sa make up artist.
Tumungo na kami sa simbahan madami dami ng tao.
Nauna kami nila nanay sa simbahan hindi na muna ako lumabas ng kotse habang inaantay si Jace, malamang napagod sya sa ginawa namin kagabi.Napangiti nalang ako sa naalala ko kagabi.
Nakita ko mula sa loob ng kotse ang mga kaibigan ni Jace.
Nakita ko din ang ibang kamag anak namin.
Madami akong nakitang mga tao na hindi ko kilala na wala noon sa bday ng daddy nya.Siguro mga kamag anak ni Jace yun.
Kalating oras ng late si Jace at ang mga magulang nya. Nag aalala na ako kung bakit hindi pa sila nadating.
" anak bakit wala pa si Jace"sinilip ako ni nanay sa kotse.
" hindi ko po alam nay baka po natraffic lang sya." sagot ko nalang pero kabado na din ako.
Hindi ko matawagan si Jace dahil nasa Bag ni Nika ang cp ko.
Mya mya may nakita akong pulis kasunod ang magulang ni Jace at lalo akong kinabahan.
Nakita kong kinuha nila si Nika at niyakap.
Napalabas ako sa kotse at lumapit sa mga pulis.Nagulat ako ng hawakan nila ang nanay at ate Cita at lagyan ng posas.Nagulat ang mga kamag anak namin sa ngyari.
"ano pong ngyayari!" tanong ko sa gulat.
" yan isa pa yan ikulong nyo yan!!" sabi ng daddy ni Jace.
" ha bakit po anong ginawa naming kasalanan?"ang nanay na umiiyak na.
" Wag ka ng magkunwari matagal mong itinago si Tiffany magbabayad ka sa ginawa mo" ang mommy ni Jace.
Napatingin ako kay Nika nagtataka ako.
At pumasok sa isip ko ang lahat Nika Tiffany Chua nga pala si Nika.
At may nawawalang anak sila Mrs.Chua.
" Pero tita hindi ko po kinuha si Nika" sabi ko.
" sa presinto na kayo magpaliwanag." sabi ng pulis.
" Ikulong nyo na ang mag anak na yan!!" narinig kong sigaw ni Jace.
" JACE?!!" sabi ko.
" Pagkukunwari lang ang lahat ng ito Mariel lahat ito peke para makuha namin si Tiffany na itinago nyo ng matagal".si Jace.
Napaiyak nalang ako sa narinig mula kay Jace.
Narinig ko sumigaw ang mga tao nahimatay ang nanay.
Nagpanic ako" ako ako nalang ikulong nyo wag nyo idamay ang pamilya ko." sabi ko habang umiiyak.
"ate wag mong pabayaan ang nanay matatapos din to!!" sigaw ko sa ate.
Dinala ang nanay sa ospital pinakawalan na nila si ate sa pakiusap ko.
Tumingin ako kay Nika na umiiyak.
"Ate!!wag nyo ikulong ang ate ko!!" nag wawala na si Nika.Nakatakbo si Nika sa akin ng malapit na ako sa Mobil ng pulis.
" Ate wag mo ako iwan wala kang kasalanan alam ko" si Nika habang umiiyak.
"Nika matatapos din ito alam kong alam natin pareho ang toto" sabi ko habang umiiyak hindi ako makayakap ky Nika dahil nakaposas ako.
" Ikulong nyo na yang babaeng yan " sabi ni Jace na lalo kong ikinaiyak.
YOU ARE READING
i came to you
Romance500 thousand pesos. yan ang utang ko sa kanya.. Ngunit paano ko sya babayaran kung wala akong trabaho?? Kaya ko bang ibayad ang sarili ko sa kanya?? Paano kung nabayaran ko na sya at sabihin nyang GET LOST! Kaya ko bang iwan sya kung mahal ko na sy...