part 7 Nika2

29 0 0
                                    

Maaga ako nagising alas sais palang bumangon na ako nakita ko si nika na naghahanda ng umagahan.

" nika hindi mo kailangang gawin to ang aga aga pa dapat natutulog ka pa" sabi ko

humarap sya sa akin at ngumiti.

"ate ok lang diba pupunta ako kay manang ngayon" sagot nya.

"sige maliligo lang ako tapos sabay na tayo kumain" sagot ko.

Mabilis akong naligo at nagsuot ng pang opisinang skirt na itim this time long sleeve na cream na hapit sa katawan ang sinuot ko. tinernuhan ko na din ng flat shoes. ayoko mag heels kasi malayo layo ang lalakarin ko mag mmrt pa ako akyat baba pa n

mg hagdan.

kumain kami ni Nika at binilinan sya sa mga gagawin nya.

"paano Nika silip silipin mo nalang itong bahay,ung susi wag mo kakalimutan bitbitin." sabi ko at kinuha ko na ang bag.

*Nika's Pov*

"Sabihin ko kaya kay ate Mariel na takas lang ako sa munti?"joke lang peace..sabihin ko kaya na hindi naman talaga ako laking ampunan."?

8y/o ako ng tumakas sa amin sa cebu dahil hindi naman ako mahal ng magulang ko. Palagi silang wala.

Pumunta ako sa sakayan ng barko may nakita akong isang pamilya at nakiusap na isama nila ako kapalit ng babayaran ko ang pamasahe nila.

Ng makarating ako ng maynila nag pagala gala na ako hanggng hulihin kami ng pulis kasama ng mga batang nakilala ko at ilagay sa ampunan sinabi ko na ulila na ako.

Merong gustong umampon sa akin pero nagtataka ako gusto nila madami kami.

Inampon kami ng mga kasama ko at dinala sa mga bayan bayan para mamalimos.

Tumakas kami ng mga kasama ko ng nasa Bataan kami.At bumalik ng maynila buti nalang meron kaming kasama na binata na si kuya Gelo. "Nasaan na kaya sya hindi na ako nakapag paalam sa kanya." naalala ko bigla si kuya gelo.

Tanda ko pa nuong maliit pa ako malaki ang bahay namin madami kaming kotse.

Yun nga lang mag isa lang ako naiiwan kasama ng mga katulong kaya minabuti ko nalang na lumayas.

*end of pov*

i came to youWhere stories live. Discover now