part 16 Christmas

23 1 0
                                    

Umuwi kami ni Nika sa Laguna. Tuwang tuwa ang ate Cita at nanay ky Nika.

" gusto mo Nika dito ka nalang sa laguna dito ka mag aaral ipapasok kita sa pinag tururuan kong school" kausap ni ate Cita kay Nika.

" talaga po ate Cita?" gulat na tanong ni Nika sa ate.

"Oo libre naman ang aral dahil public naman iyon."ani ate Cita.

"oo nga naman Nika para may kasama naman ako dito hindi na ako maiinip" sabat ng nanay.

" gusto ko po kaya lang paano po si ate Mariel?" sabay lingon ni Nika sa akin.

" ok lang Nika basta mahalaga makapag aral ka ok?" sabi ko sabay gulo ng buhok ni Nika.

  Naghanda na kami para sa Noche buena namin. Kinabukasan nagsimba kaming lahat parang isang napakasayang pamilya namin dahil nadagdagan kami ng isa. tuwang tuwa si Nika sa mga batang namamasko sa lugar namin. Binibigyan nya ng barya ang mga batang tumatapat sa bahay namin.

Ipinakilala na din ni ate Cita ang nobyo nya teacher din sa school na pinapasukan ng ate.Napakabait nya at maalaga sa nanay close na close sila gusto daw nilang magpakasal nextyear magiipon daw muna sila.

Ang nanay naman bumuti buti na ang nararamdaman basta imemaintain nya ang gamot nya.

Dito na din kami nag bagong taon ni Nika sa laguna. Masayang masaya sya dahil may pamilya na syang masasabi.

"ate ang saya saya ko sana habambuhay kapiling nyo ako ayoko mawala kayo sa akin ate" si Nika habang nakayakap sa akin nakaupo kami sa labas ng bahay pinapanuod namin ang fireworks malapit na kasing mag newyear.

" Nika hindi ka namin iiwan ok?" kaya wag mo din kaming iiwan wag kana ulit lalayas ha" sabi ko saknya

"ate pag nawala ako hanapin mo ako ha kunin mo ako sa kukuha sa akin kahit sino pa sila ate.natatakot ako humiwalay sa inyo." sabi pa nya.

" Nika lasing ka ba bakit kung ano ano sinasabi mo jan" biro ko sa kanya.

" ate naman seryoso po ako" simangot ni Nika.

" smile ka na Nika, ofcourse kukunin kita kahit anong mangyari ipaglalaban kita." sagot ko.

Napangiti naman sya.

Mya mya lalong dumami ang putukan at fireworks sa kalangitan.

HAPPY NEWYEAR!! Bati ko ky Nanay at ate Cita pati kay Nika.

i came to youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang