part 2 my self

23 1 0
                                    

Ako nga pala si Mariela Aquino oh diba parang presidente lang kung sana anak nalang ako ng presidente di sana hindi ganito kahirap ang buhay ko. i'm 26 turning 27 nbsb ako (no boyfriend since birth) tubong laguna isa akong office girl sa makati i mean office girl na taga xerox taga bili taga fax taga takbo ng kailangan taga deliver ng papeles sa ibang kumpanya in short messenger.

hindi ako nakatapos ng college hanggang 2nd year lang ako computer science dahil nagkasakit ng nanay ko. Maaga akong naulila sa ama at para mabuhay kming tatlo ng nanay at ate Cita ko naglabada si nanay para makapag aral kami yun nga lang si ate lang ang nakatapos isa na syang techer at ako naman nag hanap ng trabaho dito sa mynila.

May sakit ang ina namin na diabetes. Paano ba naman kasi pagkatapos nyang maglabada sumasideline sya ng pagbabalot ng kendi sa balutan eh syempre libre kain dun pag hindi nakikita ng my ari. Minsan nga may uwi pa syang pinagtabasan ng mga yon.

Pero awa ng Dyos nakaraos kami subalit pagtuntong ko sa 2ndyear sa kolehiyo nalaman namin na may sakit ang nanay.

Sapat lang ang kinikita ng ate para sa pagkain at bayarin namin sa laguna kaya eto napadpad ako dito sa maynila. Bago ako naging office girl madami ako napasukang trabaho hindi kasi basta basta ang mga gamot ng nanay.

Kahit pagtulungan namin ng ate ang gastusin kulang padin.

Isa pa ang mahal ng upa sa bahay dito sa maynila nakikihati lang ako sa kaibigan ko na nakilala ko sa unang fastfood na pinasukan ko dati.

Kaso tingnan mo nga naman ang kapalaran ko kung kailan naman maligaya na ako sa trabaho ko, saka naman nagkaganito.

flashback

"sir bitawan nyo po ako" pilit kong kinakalas ang pagkakayakap ny sa akin.

"sumama kana sa akin ibibigay ko ang lahat basta sumama ka lang sa akin" sabay sapo sa pwetan ko.

"wag po ayoko, tulungan nyo ko!! tulungan nyo ko!! sabay takbo matapos ko syang maitulak. Gabi na at alam kong walang makakarinig sa akin. kung bakit ba naman kasi nag o.t pa ako ng gabing yun.

Hindi lang ilang beses nya akong hinipuan at sa pagkakataon na yun hindi lang hipo ang gusto nyang mangyari.

Nakalabas ako ng building ng hindi ko na sya nakikitang humahabol sa akin pumara ako ng jip at umuwi.

Hindi na ako bumalik sa trabaho sa takot sa boss ko alam ko kasi babaligtarin nya ako. Un kasi ang mga nababasa ko sa pocket book at napapanuod sa teleserye.

end of flashback

Nagpunta ako kinabukasan sa paborito kong park malayo sa karamihan, malayo sa polusyon, malayo sa problema.

At sa pangalawang pagkakataon minalas nanaman ako makasagupa ng isang nilalang na ubod ng gwapo ahh este ubod ng sama ng ugali. Oo inaamin ko gwapo pero nungka ako magkagusto da tulad nya mas gwapo pa din ang crush ko na su james reid noh!

Kung bakit ba naman kasi binato ko pa ung lintik na kotse nyang yun.!

Di sana wala akong problema ngayon.

Puro problema na ako idagdag pa ang hayop na ito.!!

i came to youWhere stories live. Discover now