part 21 Jail

23 1 0
                                    

" HINDI KO PO KINIDNAP SI NIKA" Sigaw ko sa mga pulis dahil ipinipilit nilang ipagtapat ko daw kung sinong mastermind ng lahat.

" Mariel" napalingon ako nakita ko si Jane may dalang bag ng damit ko.

"Jane wala akong kasalanan hindi ko kinidnap si Nika"! hagulhol kong sabi.

" alam ko Mariel magbihis ka muna para makapag isip ka ng maayos."sabi nya at sinamahan ako sa kwarto na itinuro ng pulis.

" Jane alam ng Dyos hindi ko kinidnap si Nika" sabi ko habang nagbibihis naghilamos na din ako para matanggal ang make up ko at nagsuklay na din saka nag ipit ng buhok.

"Mariel naniniwala ako sayo at si Nika lang ang makakapag patunay nun" sagot nya habang ibinibilot ang gown ko.

" Ang nanay kamusta?"tanong ko.

" ok na sya Mariel nasa bahay na natin sya nagpapahinga nalang sya.Hindi daw sila uuwi ng ate Cita mo hanggat hindi natatapos ang problema mo." sagot nya.

Lumabas na kami ng kwarto.Dumating ang abogado nila Jace at nagpakilala.

"kailangan nyo pong kumuha ng abogado nyo Miss Aquino" sabi ng attorney.

" opo kukuha po kami" si Jane na ang sumagot dahil hinang hina na ako sa ngyayari sa buhay ko.

"for the meantime ikukulong po muna namin ikaw at pag anjan na ang abogado nyo saka kami mag uusap tungkol sa pyansa mo." lalo akong napaiyak sa sinabi ng attorney.

" wala po akong kasalanan attorney hindi ko kinidnap si Nika." sabi ko.

"Malalaman po natin yan miss Aquino" sabi nalang ng attorney.

"Mariel magpakatatag ka ok? akong bahala sa nanay mo wag ka ng mag isip ng kung  ano ano"si Jane.

Ikinulong nila ako nangako si Jane na babalik kinabukasan na may dala ng abogado.

Nahiga ako sa latag na ibinigay na pulis sa akin mag isa lang ako sa kulungan na iyon.

Halos hindi ako makatulog sa kakaiyak at pag iisip.

Dumating ang nanay at ate Cita kinabukasan kasama si Jane may kasama silang abogado.

Dumating din ang abogado nila Jace kasama si Jace at daddy nya.

" anak saan tayo kukuha ng pang pyansa mo 100k pesos anak "si nanay na muli nanamang umiiyak nasa upuan kami malayo sa nag uusap naming mga abogado.

" Nay hindi tayo magpapyansa wala akong kasalanan hindi ko kinidnap si Nika" sabi ko na inaalo si nanay.

" sabi nila hindi daw makausap si Nika tulala lang daw paano na yan sya nalang ang pag asa natin" ang ate.

Lalo akong nanlumo sa narinig ko.Ang pag asa kong si Nika hindi makausap.

Sinugod ko si Jace at pinagbabayo sa likod.

" walangya ka sinungaling ka manloloko ka hindi ko kinidnap si Nika huhuhu!!"sabi ko habang patuloy ko syang binabayo sa likod.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at pa darag na ibinaba.

" Dont you ever dare touch me again Mariel dahil sayo at sa ginawa mo hindi namin makausap si Nika anong ginawa nyo sa kanya bakit ganon sya ha!!!??"sigaw ni Jace.

"wala akong kasalanan hindi ko sya kinidnap" sigaw ko.

"anak tama na lalabas din ang totoo huminahon ka" naiiyak nanamang sabi ng nanay.

Ipinasok na naman nila ako sa kulungan. Hindi ako pumayag na magpyansa dahil wala akong kasalanan at isa pa saan kami kukuha ng ganong kalaking halaga.

" Nagmamatigas ka pa bakit kasi hindi ka pa umamin" si Jace sinundan ako sa loob.

Tiningnan ko sya ng masama." gusto mo pang makita akong naghihirap kaya ka sumunod dito?"tanong ko.

" oo gusto ko., gustong gusto ko.Salamat nga pala sa pagbibigay mo ng sarili mo sa akin" yun lang.at umalis na sya lalo akong napaiyak sa mga sinabi nya.

i came to youHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin