part 14 Shopping.

21 1 0
                                    

"  Mariel come on samahan mo akong magshopping!!" Nagulat ako dahil nasa harap ko si  mrs. Chua alas 9:30 ng umaga halos kakapasok palang namin sa opisina.

Napatingin sa akin sila Brandy nagtatanong ang mga mata.

" ah eh mam my trabaho po kasi ako" sagot ko.

"akong bahala hindi magagalit ang anak ko saka ako naman ang sasamahan mo eh..and i told you call me tita ok!?" ani Mrs.Chua.

Lalo nag mulagat ang mata ng apat kong kaibigan sa sinabi ni Mrs.Chua

"Hihintayin kita sa labas ok mag ayos ka na" sabi pa nya bago umalis.

"Magpaliwanag ka  bilis malandi kang babae ka anong ngyayaring hindi namin alam?" si brandy na lumapit na sa akin pati ang mga girls.Kinuha ko ang sing sing na nakatago sa lamesa.

"i think i owe you guys an explanation mamaya nalang pagbalik ko okay?" sukbit ko sa balikat ko ng bag at nagpaalam na sa kanila.

Nakita ko si Mrs Chua sa harap ng building.Pinagbuksan ako ng driver ng pinto sa likod ako sumakay kasama sya.

" mam i mean tita pano nyo po nalaman na dito ako nagtatrabaho?" tanong ko sa kanya.

" tinawagan ko si Jace kagabi at sinabi nya na empleyado ka nya, dont worry Mariel hindi ako matapobre" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

" ha ahm salamat po kung ganon" sagot ko.

" Emil jan sa Green hills mo kami dalhin ha" sabi ni mam sa driver.

"opo mam "sagot nito.

Bumaba kami sa mall at nagpunta muna kami sa salon.

Pinarebond nya ako at sya naman nag pa spa ng buhok habang nakasalang ang buhok namin nag manicure at pedicure kami.firstym kong nag paganun dahil ako lang naman ang gumagawa sa kuko ko.

ala una y medya ng hapon ng matapos kami.Kumain kami sa isang japanese restaurant.

" look Mariel tumatawag ang fiance mo hihihi!"sabi nya sabay pakita ng cp nya.

" Jace anak hiniram ko si Mariel" sabi nya sa kausap.

{mom, may trabaho si Mariel sana nagpaalam kayo sakin}

"Hijo wag mong sabihin namimiss mo na sya ilang oras palang kayong hindi nagkakasama?, how sweet of you my son" sabi nya sabay parang kinikilig.

Namula naman ako sa usapan ng mag ina.

{yess mom i miss Mariel kaya ibalik mo na sa akin ok?"}

" of course hijo ibabalik ko sya sayo pagkatapos naming mamili, bye son i love you" at binaba na nya ang tawag.

" halika na mamimili pa tayo " yaya nya sa akin.

ibinili nya ako ng 5 above the knee dress 3 sandals 3  shoes at make up dapat daw lagi akong presentable sa harap ni Jace twing nagdadate kami .

" tita nakakahiya naman po akala ko po ba sasamahan ko kayo bakit po parang ako yong pinag shopping nyo." sabi ko ng pabalik na kami sa opisina.

" look Mariel pasensya ka na na miss ko lang bumili ng pang babaeng damit kasi if you didnt know before i have my daughter but she is gone." naiiyak nyang sabi.

" ay sorry po tita" sabay hagod ko sa likod nya.

" ahm maraming salamat po pala sa pinamili nyo sa akin tita" sabi ko papasok na kami sa building.

" wala yon basta ikaw." sagot nya.

Dretso kami ni mam sa opisina ni sir Jace

Nakatingin lang si Jace sa akin.

" hijo look Mariel oh diba lalo syang gumanda" sabi ni mam

" mom you dont need to do that to Mariel she is always beautiful for me" sabay lapit ni Sir sa akin at halik sa noo ko.

Nagulat ako sa ginawa nya parang may kung anong paro parong lumipad sa tyan ko na hindi ko maintindihan.

" yah i know that pero lalo syang gumanda hindi ba?" si tita.

" sige na mom you have to go home now" paalam ni sir sa momy nya.

" ok hija invite kita sa bday party ng tito mo nextweek ok isuot mo yung binili ko sayo." sabi pa nya saka tuluyang nagpaalam.

" Sir si mam po kasi pinilit po akong ibili ng damit kung gusto nyo po idagdag nyo nalang sa utang ko." sabi ko ng mapagsolo kami.

" no si mom naman ang may gusto nyan you may go" pagtataboy nya  sa akin.

Pumunta na ako sa pwesto ko at dahil alas 4 na din naman hindi na ako nagtrabaho. Bago umuwi nag aya si brandy magkape pumasok kami sa coffee shop.

" Whaaatt reaaly? o my gosh hindi kaya kasama yan sa ganti nya sayo?" tanong ni brandy matapos kong ikuwento sa kanilang apat ang lahat.

" anu ka ba sa teleserye lang yun noh" sabad ni eilene habang iniinom ang kape nya.

" ok lang sa akin basta mawala na yung lintik kong utang" sagot ko.

" and look naging muka kang mayaman sa buhok mo oh db kaya pumayag ka  na nga lang" si aisa.

" kung ako ang my prince charming na ganyan pipikutin ko na yan" si shena na kinikilig kilig pa.

" ay nako tigilan nyo na nga ako basta wag makakarating sa iba sa inyo ko lang sinabi ha" sabi ko.

" approve bakla hindi makakalabas promise basta mag iingat ka baka mainlove ka at masaktan sa bandang huli." si brandy.

Bigla naman ako napaisip sa sinabi nya. Pero imposible hindi sya papatol sa katulad ko.

i came to youWhere stories live. Discover now