part 4 new life

26 1 0
                                    

teka po bago ko po ibigay ang chapter 4 vote naman po ninyo ako bago lang po ako dito follow nyo na din po ako para mas ok!! salamatz ..

Umuwi ako sa bahay na latang lata. Mag isa lang ako dahil ang kaibigan kong si jane ay nag abroad na pinapadalhan nya ako ng perang pang hati sa upa dahil andito pa ang mga gamit nya.

Minsan pinapasobrahan nya dahil alam nyan gipit na gipit ako.

Magkano lang ba ang sahod ko sa trabaho? swerte ng umabot sa kinse mil isang buwan pinapadala ko pa sa nanay ko ang iba para sa gamot nya.

Tumayo ako dahil kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. lumabas ako at pamunta sa karinderya kalapit lang ng apartment.

" manang pabili nga po kalahating kanin kalahating ulam po" sabi ko at pinatong ko ang pera sa ibabaw ng takip ng kaldero.

" aba diet ka yata ngayon mariel?" tanong ni manang.

" opo diet dapat seksi lagi hehe" ngiti kong sagot

pumasok ako at sinimulang lantakan ang pagkain. Ng matapos hinugasan ko ang ginamit ko. nagpunta ako sa banyo at maliligo ako dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko.

"shocksss!!!ako ba ito? kayang naman pala diring diri si walangya sa akin muka akobg baliw na sadako sa itsura ko"sabi ko ng napapangiwi ng mapansin ko ang itsura ko sa salamin. binuklat ko pa isa isa ang buhok ka dahil dikit dikit na sa lagkit humalo na ang ulan.

Makatapos kong mag shower nahiga ako dahil sobrang pagod na pagod ang katawan ko.

"Sana maging maayos na bukas" bulong ko bago tuluyang makatulog.

Nagising ako sa ingay sa paligid "alas syete na pala kailanan ko ng mag hanap ng bagong trabho."

Tinawagan ko ang ate cita ko para ipaalam ang sitawasyon ko ngayon naintindihan naman nya ako.

Makatapos kong maligo nagbihis ako ng komportable kong above the knee skirt at 3/4 sleeves na white polo.tinernuhan ko din ng 2 inches black shoes. Lahat yan ay galing divisoria ano namang ibibili ko ng mamahalin.

" sana matanggap agad ako kailangan kailangan kong bayaran ang pagkakautang ko". sinangot nyang sabi ng maalala ang ngyari kahapon.

Nagpunta ako sa lungsod ng makati at nagpasa ng resume. Nagpunta din ako sa Ortigas at nagpasa ng resume.May alam naman ako sa computer kahit paano dahil naging trabaho ko yun nuong nagpartime ako sa isang lawfirm bilang encoder.

Sa huling building na pinuntahan bandang alas 11 ng tanghali eksakting on going ang interview.

"miss pasok ka sa 5thfloor hanapin mo si mam analee" ani ng guard

" salamat po" sagot ko.

"wow bongga to ang laki ng company ang ganda ng buliding labas at loob." bulalas kong sabi.

"Tiffany Corp". wow mukang maganda talaga dito ah" sabi ko ng mapadako ang tingin ko sa reception area.

Pinindot ko ang 5thflr button ng makapasok ako sa elevator.

Nakita ko ang isang babae sa desk sa di kalayuan.

" ahm mam hibahanap ko po si mam Analee mag aaply po ako"tanong ko sa babae.

" ok im analee ibigay mo sa akin ang resume mo tapos maupo ka dun sa loob ng kwarto tatawagin nalang kita ok?"sabi ni analee.

"opo salamat po" sabi ko sabay pasok sa itinuro nyang kwarto.

Madaming tao sa loob mga magaganda ang bihis mga naka makeup mga naglalabasan ang cleavage.

Tiningnan ko ang akin maliit lang.

"eh anu naman hindi naman ito palakihan ng hinaharap"bulong ko sa isip.

Tinawag na kami isa isa dahil huli ako mamaya pa ako tatawagin kinain ko ang baon kong biscuit at tubig dahil ala una na at dadalawa nalang kaming natitira.

Pumasok ako ng cr at pinasadahan ang sarili. Paglabas ko natawag na yung isang aplikante.

Makalipas ang halos kalahating oras tinawag na ako.

"miss Aquino pasok sa room 502"sabi ni miss analee.

Pumasok ako at tuwid na tumayo ng makita kong apat na tao ang andun.

"good afternoon po sa inyo" sabi ko ng makapasok.

"good afternoon din sayo miss Aquino upo ka.sabay turo sa upuan sa harap.

Pakiramdam ko giisahin ako dito. lumibot ang paningin ko sa kanilang apat.

At napanganga ako ng makita ko ang nasa dulong bahagi ng upuan nilang apat

" SIR CHUWA WA!!!"

i came to youHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin