Punong puno ng laruan at damit ng beybi ang kwarto ko.
Lalaki ang magiging anak namin ni Jace.
Tuwang tuwa ang mag asawa dahil gusto pala nila talaga ay lalaking apo dahil para daw magpatuloy pa ng lahi nila.
"ate pwede po ba akong sumama pag manganganak kana?" tanong ni Nika nasa garden kami at nakaupo kami sa bakal na upuan duon habang nagmemeryenda.
" uo naman pero hanggang labas kalang ha baka makita mo yung sa akin eh hindi mo na gustuhing umanak pa hehe" sabi ko.
"ay sayang gusto ko pa mandin ikaw picturan" sagot nya
" ay nako Nika wag mong gagawin yan ha bad ka talaga haha baka kung anong mapicturan mo pa" tawa kong sabi.
" hindi ate ah promise paglabas lang ni beybi ang pipicturan ko o kaya ipapautos ko sa nurse tsk." sabay kindat sa akin.
" ay Nika yari ka sa akin pag ginawa mo yun"takbo si Nika dahil hahabulin ko sana sya kung hindi lang malaki ang tyan ko.
" hahaha ate para kang my bola sa tyan ang laki laki mo!" tawa ni Nika.
"hmmmpp hindi kita papahawakin kay beybi pag labas" sabi ko sabay irap.
" ui ate joke lang sige ka sasabihin ko kay kuya Jace na tinatago mo yung picture nya sa unan mo!" mahinang sabi ni Nika.
"sshh ang ingay mo anu ka ba marinig ka ng kuya mo" saway ko sa kanya.
"oo na sige na papaalaga ko na si beybi sayo" sabi ko pa.
"ehem" sabay kaming napalingon ni Nika sa boses na yun. Bigla akong namula dahil sigurado ako narinig nya ang pinag uusapan namin.
"ah eh kanina ka pa ba jan?"tanong ko kay Jace.
"ah hindi ngayon lang pero narinig ko yung picture."sagot nya.
Biglang nagtatakbo si Nika ako naman ay binilisan ang lakad
"Nika humanda ka sa akin!!" sabi ko habang paliyad liyad na pumasok sa mansyon. Si Jace naman ay napapangiti nalang.
Pumasok ako sa bahay at nahihiya na akong lumabas pa.Bakit naman kasi nauwi pa dito mansyon si Jace eh my penthouse naman sya. Sabagay ano bang pakialam ko eh kanila naman ito.
"Hija Mariel?"katok sa akin.
"po kayo po pala tito bakit po?"tanong ko sa dad ni Nika.
"Makijoin ka sa amin nila Tiffy nasa entertainment room kami mag vivideoke tayo." yaya nya sa akin.
Na miss ko na din naman ang videoke ang tagal na panahon ko ng hindi nakakakanta kaya sumunod agad ako.
Pagdating ko andon silang lahat kasama si Jace.May pagkain at inumin gatas ang inaabot sa akin ni Jace wag daw akong iinum ng Juice bka daw lalo lumaki ang bata.
Kinikilig naman ako sa mga ginagawa nya.
nagsimula na kaming manganta ang galing ng daddy ni Jace pati si Jace at Nika kumanta din.
Kumanta na din ako.
Napapalakpak silang lahat sa akin ang galing ko daw.Nakatitig lang si Jace sa akin tuwing kumakanta ako.
Masayang masaya kami buo ang pamilya namin ng araw na yon.
Kinagabihan maaga akong nahiga dahil sumasakit ang balakang ko.siguro nabigla sa kakanta ko baka nagalit ang anak ko kasi naingayan sya.
Pabiling biling ako sa higaan.Parang nangangawit na ewan yung balakang ko.sumasakit mya mya nawawala hanggang sa lumibot na sa tyan ko ang sakit.
Paika ika akong lumabas ng kwarto at nangatok ng pinto.
"Jace jace manganganak na ata ako!!"" sabi ko habang kinakatok ang pinto.
"Mariel anong sinabi mo?" bungad nya pagbukas nya ng pinto.
"jan ka lang gigisingin ko sila mommy" sabi nya. tango na lang ang nagawa ko dahil sumasakit nanaman ang tyan ko.
"hija ok ka lang nasan ang naka ready mong gamit?" tulirong sabi ni tita sa akin.Nginuso ko lang ang kwarto ko hindi na ako makaimik.
Mya mya my click akong narinig pag tingin ko si Nika kinukunan ako ng Picture
"N-nika no!!" yun lang ang nasabi ko binuhat na ako ni Jace pababa sa hagdan. hindi ko na pinansin pa si Nika na panay ang kuha ng picture sa akin.
Sumakay na kami ng sasakyan kasama silang lahat sa tabi ko si tito at tita si Jace na ang nagdrive at si Nika katabi nya sa unahan.
YOU ARE READING
i came to you
Romance500 thousand pesos. yan ang utang ko sa kanya.. Ngunit paano ko sya babayaran kung wala akong trabaho?? Kaya ko bang ibayad ang sarili ko sa kanya?? Paano kung nabayaran ko na sya at sabihin nyang GET LOST! Kaya ko bang iwan sya kung mahal ko na sy...