part 9 bleeehh

26 0 0
                                    

"baklaaa!! halika na break time na".aya ni brandy.

Uminat muna ako sa kinauupuan ko hirap din pala nitong trabaho ko. nasanay ako na taga fax at xerox lang ngayon lang ulit ako nakaranas tumutok sa computer na yun lang talaga ang gagawin.

"sige saan ba ang canteen dito? tanong ko.

" meron sa tagiliran ng building antayin na natin sila shane para sabay sabay na tayo" si brandy.

Nalaman ko na si aisa pala pinakabata sa amin. si brandy at eilene magkaedad 32 si shane 31 si aisa ay 25 palang.

Si Aisa at Shane pareho kong nbsb si Brandy may jowang pinapaaral at si Eilene ay may asawa at isang anak na.

Natutuwa ako dahil lahat sila ay naka close ko na agad kahit unang araw palang ng pasok ko.

Ng uwian na kanya kanya na kaming gora  siguro bukas nalang ako mag sasabi ng overtime para naman may matira pa sa amin ni Nika twing sweldo ko.

Ng makauwi ako dinaanan ko si Nika kila manang saktong nagliligpit na sila dahil maaga dw silang nakatapos.

"ate binigyan ako ni manang ng ulam" sabi ni Nika

"Hala nakakahiya naman"sagot ko.

"ok lang daw ate alam mo ba nakadalawang luto daw sya ng ibang putahe kasi naubos agad yung una swerte daw ako sa kanya 'te hehe" si nika.

" ganun ba sana swertehin din ako sayo hehe" ginulo ko ang buhok nya.

Kumain na kami at nag ako na ang nagprisintang maghugas dahil alam kuong pagod sya sa karinderya. Pinapaligo ko nalang sya at pinagpahinga.

Pumasok na din ako sa banyo pagkatapos nya at tinabihan si Nika.

"Nika" tawag ko sa kanya.

"po ate" sagot nya.

"anong tunay mong pangalan?tanong ko.

Kinuha ni Nika ang envelope nya at inilabas ang birth certificate nya.

"Nika Tiffany Bernardo Chua" wow mukang mayaman ah kapangalan mo pa ang kumpanya namin." sabi ko.

"Y..Yan daw po ang papel na nakuha sa akin nuong s…sanggol pa ako, sabi sa bahay ampunan" sagot nya na umiwas ang tingin sa akin.

"ah ganon ba di bale malay mo isang araw mahanap natin ang tunay mong kamag anak, sige na matulog na tayo may trabaho pa tayo bukas" hinimas himas ko sya sa likod.

Nagising ako sa alarm kinabukasan. 5:30 ako nag alarm, tulog pa si Nika.

Pinagmasdan ko si Nika ang ganda nya talaga matangos ang ilong at chinita hindi man masyado kaputian dahil siguro nung mga panahon na nasa kalsada pa sya.

Kung iisipin muka syang anak mayaman.

tumungo na ako sa kusina para magluto.

Nagprito ako ng itlog at nagsangag ng kanin. Pagkatapos saka ako naligo.Pag labas ko gising na si Nika.

"Goodmorning ate bakit gising ka na agad"??tanong nya.

"Hindi Nika tulog pa ko haha" sagot ko tatawa tawa ako punasok sa kwarto para magbihis.

"ate talaga oh hehehe" si Nika.

"Nika nakita ko yung nilabhan mo hindi mo na kailangang gawin yun bata ka pa hindi ka pa dapat gumagawa ng mga gnung bagay hayaan mo na ako gumawa nun twing walang pasok".sabi ko habang nagbibihis.

"ate ok lang sanay naman ako" sigaw nya mula sa kusina.

Lumabas ako at nag punas ng buhok." hindi kita dinala dito para gawin yung mga yun, sya kain na tayo para makapasok na ako." sagot ko.

"sige ate tuwing sabado o linggo tulong nalang tayo maglaba" sagot nya habang inaabot sa akin ang plato.

"verry good idea" sabi ko at kinindatan sya.

Gumayak na ako pagkatpos kong kumain.at mag toothbrush hindi ko na kailangan ng heavy make up dahil hindi din naman ako sanay. hindi naman ako masydo maputi maliit lng ang ilong ko na medyo may katangusan makipot lang ang labi ko at hindi naman kaliitan ang mata ko hindi katulad ng kay Nika na singkit. 5'3 lang ang height ko tamang tama lang hindi naman kaliitan. Yun nga lang medyo maliit lang ang hinaharap ko hehe..

Lumalakad lang ako ppapunta sa sakayan ng bus malapit lang kasi ang highway kung saan nadaan ang mga bus yun nga lang nakatayo na ako kalimitan. Pero ayos lang basta kay nanay at ngayon kay Nika gagawin ko ang lahat.

Bumaba ako ng bus at dumaan ulit sa likid ng megamall mas mabilis kasi dumaan dun papunta sa opisina.

7:30 palang napaaga pala ako. Pag kakita ko ky mamang guard pinakita ko ang i'd ko.

Pumunta ako sa elevator at inantay na mag bukas yon.

'ting'!!..tunog ng elevator.

" ikaw talaga nakikiliti ako anu ka ba" hihihi" yun ang sabi ng babae na animoy bulate na nakikiliti pag bukas ng elevator.

Napatingin sila sa akin at umayos ng tayo.

"Good morning po sir!!" sabi ko sa lalaking kakilitian nya.

Hindi niya ako pinansin. Umirap naman sakin si bulate.

" bleeehh " dila ko sabay pasok sa elevator. bago magsara ang elevator nakita kong lumingon sakin si walangya at nakakunot ang noo.

"peace" pag peace sign ko bago tuluyang sumara ang elevator.

i came to youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang