"bog bog bog" kalampag ko sa pinto ng kwarto ni Jace.
"aba anong oras na nakahilata ka pa jan wala pa kaming kakainin ng anak mo!" sigaw ko sa kanya sa labas ng pinto. Ayoko ngang pumasok mamaya nakabuyangyang yung kanya eh eeww..
"wait a sec magbibihis lang ako" sagot niya sa luob.
"sec mo yang muka mo hmmp! bilisan mo ha, mamimili pa tayo!"sigaw ko pa.
Mya mya bumaba na sya suot ang white na tokong at gray na v neck shirt.
"ang hilig mag v neck ang pogi tuloy" bulong ko.
" may sinasabi ka ba misis?" tanong nya.
"wala sabi ko gutom na kami lagot ka sa nanay ang tagal mo gumising alas 7 na oh! saka wag mo nga akong mamisis misis jan hindi kita asawa!" simangot kong sabi.
Tawa lang sya na parang walang pakialam sa sinabi ko.
Pagkatapos namin kumain inihabilin namin si Marjace sa nanay, tinawag ko ang pinsan kong si Unica para makasama pagbabantay ng tindahan.
"Nay mamimili na po kami. sa city po kami mamimili para makamura my tagabitbit naman po ako" paalam ko sa nanay.
"bye beybi pakabait ka kay lola ha" halik ko sa anak ko.Humalik din si Jace sa bata.
" get in dalhin natin ang kotse para hindi tayo mahirapan" sabi nya ng makalabas kami.
" ayoko mag jijip tayo!" final kong sabi.
Tatawa tawa ako dahil pagsakay namin ng jip nauntog pa xa sa ilaw sa bubong.
Halos nakayuko na sya dahil matangkad ang loko. Bibiyahe kami ng halos kalahating oras para makarating sa city ng sanpablo laguna.
Umisod ako sakanya ng may sasakay. Naramdaman ko ang kamay nya na kumabig sa akin palapit sakanya.
"tumigil ka Jace" siko ko sakanya.
"ouch! masakit!..may tatabi kasing lalaki sayo eh ganito ba talaga sa jip hindi ba pwedeng umisod nalang sila pauna?" bulong nya sa akin na alam kong rinig naman ng katapat namin dahil napapangiti pa ito.
" oo ganyan talaga kaya umayos ka wag kang mananching jan" gigil kong sabi sa kanya.
Naramdaman ko nanamang inihihilig nya ako sa balikat nya ng inantok ako hawak nya ang pisngi ko. Sweet lang huh..hindi na ako nagprotesta dahil papikit na talaga ako.
"Wake up beybi nagbababaan na ang mga tao" tapik nya sa pisngi ko. Tumingin ako sa paligid at niyaya ko na syang bumaba.
"haay ang saya saya ko!" bigla nyang sabi.
"at bakit na naman?". lingon ko sa kanya
"wala lang secret!" sagot nya.
Inirapan ko na lang sya. Sumakay kami ng trickle at nagpahatid sa Puregold.
Namili kami ng paninda namin ng nanay. Sunod lang sya ng sunod sa akin. Naka 4 na kahon din kami at dalawang plastic na malaki.
Makatapos ko magbayad, oo ako talaga ang nagbayad dahil ipinipilit nya na sya ang magbabayad pero ayoko dahil hindi naman tama yon, inilagay namin sa package counter ang mga binili namin dahil gutom na daw sya.
"Wala bang fine dining dito?" tanong nya.ng lumapit kami sa food court ng Puregold.
"wala wag kang maarte ok!" sagot ko lumabas kami at sa may chowking sa tagiliran kami pumasok.
Sya na ang pumila sa order namin sya na daw ang babayad.
Pinagtitinginan sya ng mga tao sa counter kung bakit ba naman kasi ang gwapo ng kasama ko. Tumingin sya sa akin at kumindat napatingin tuloy ang mga tao sakin , oh ano kayo ngayon inggit kayo!
Lumapit sya sa akin na dala ang number tumabi sya sa akin.
"dun ka sa tapat ko" taboy ko sa kanya.
"ayoko gusto ko dito sa tabi mo". bulong nya sa akin akala ng mga tao siguro mag asawa kami dahil sa ina asta nya.
Hinayaan ko na lang sya hanggang sa dumating ang pagkain namin.
Ng matapos kami kumain niyaya nya ako sa bilihan ng sofa. Ibibili daw nya ang nanay ng bagong sofa kahoy lang kasi ang sofa namin hinayaan ko nalang sya dahil si nanay naman ang ibibili nya hindi ako.
Ang kumag at bumayad pa ng extra dahil ipapasabay nya sa pagdeliver yung mga pinamili namin mautak talaga!.
Sinabi ko ang address sa bahay. Makatapos niyaya ako ni Jace sa SM isang sakay mula sa Puregold.
Niyaya nya akong manuod ng sine. Tinawagan ko ang nanay at sinabi na idedeliver ang pinamili namin kasama ang sofa parang tuwang tuwa naman ang nanay ko ng sinabi ko na nagyaya lang manuod ng sine si Jace. Adik talaga!
"mahal na mahal kita" bulong sa akin ng kumag ng nasa loob na kami ng sinehan.
"pakasal tayo" sabi pa.
" hoy! tumigil ka nga hindi pa kita sinasagot jan ha!" asik ko sa kanya.
" sasagutin mo din naman ako eh" parang nagtatampo nyang sabi.
" isang araw ka pa lang nanliligaw mister!" sabi ko sa kanya.
"isang araw pa lang ba akala ko isang taon na hehehe" Tatawang tawang sabi nya.
Pagkatapos ng palabas napansin kong hindi nya binibitawan ang kamay ko simula sinehan hanggang makalabas kami don. Dinala nya ako sa bilihan ng mga laruan ibinili nya ang anak namin ng ilang laruan.
Nagpunta din kami sa bilihan ng damit ibinili nya ang nanay at si Marjace. tapos bumili naman sya ng family tshirt para sa amin tatlo. Ang cute dahil pare parehong kulay white na may nakalagay na mommy daddy at beybi na red ang sulat.
Umuwi kaming madami ding bit bit dahil ibinili na din nya si beybi ng ilang latang gatas at diaper pati na din laman ng ref sa bahay bumili din sya tuloy umarkila nalang kami ng trickle dahil hirap na kami pagbitbit ng mga pinamili namin.
"ang sarap pala mamili kasama ka" sabi nya ng nakatingin sa akin magkatabi kami sa luob ng trickle.
" hmmp umayos ka umisod ka nga nasisiksik ako ang laki laki mo." asik ko sa kanya. hindi ko ipinahalata na medyo kinikilig ako sa sinabi nya. Medyo lang! umayos kayo ha!.
*** ayan sinundan ko agad ha pag sinisipag ako tatapusin ko na ito 23 days nalang at pauwi na ako.yahooo!! .. welcome Philippines na ang peg ko hihihi!*** yung nasa picture yan yung bulaklak na lumalabas lang tuwing malapit na mag winter dito sa japan ganda noh!!
YOU ARE READING
i came to you
Romance500 thousand pesos. yan ang utang ko sa kanya.. Ngunit paano ko sya babayaran kung wala akong trabaho?? Kaya ko bang ibayad ang sarili ko sa kanya?? Paano kung nabayaran ko na sya at sabihin nyang GET LOST! Kaya ko bang iwan sya kung mahal ko na sy...