SELENA'S POV
Monday ngayon. Balik klase nanaman. Nakakatamad. Nandito lang kami ni Sabrina sa room since wala ang prof. namin. Attendance lang. Mag mamall sana kami, but naisip kong, nakakatamad pala. So, wag na lang.
"HOMGG!! IS THAT TRUE? IS THAT TRUE?! PAPUNTA DAW DITO YUNG ANIM?! OMGG! *0*"
"KYAAAAAAH~ TEKA! AYOS BA YUNG MUKHA KO? ANO?! OMGGGGGG! *___*"
"MUKA PA DING MUKHA TEH! KYAAAAAAH~ ANG GGWAPO NILA~"
Ang ingay ng mga ka-blockmate ko. Dinaig pa nila yung mga highschoolers eh. Ang sasakit sa tenga!
"Ano bang meron?"
"Hay nako Se! for sure, papunta dito sa department natin yung anim."
"Anim? You mean yung kambal mo and his friends?"
"Exactly!"
"Sus. Akala ko naman kung sino. Yung mga popols friends lang pala. Tss." Ugh. Wait! Meaning kasama dun si Clyde?! Na-conscious naman ako bigla. Sheeeet. Ang awkward ata?
"Yo!" sabay kaming napatingin ni Sabrina sa pinto. And hell. Nandun nga yung anim. Asus. At talaga namang dito pa sa department namin naisip mga mag expose. Tss.
"Hay nako Jeff! Tigilan mo kami sa pa "yo!" "yo!" mo na yan. Di mo bagay."
"Asus naman si sweetiepiehoneybunchmylovessosweet oh! Ako nanaman ang napansin."
"Ang panget mo kasi letche!" Srsly? Ang gwapo kaya ni Jeff.
"Naniniwala ako sa kasabihang, ang babaeng pakipot, konting kalabit lang, bibigay din." Tengene. Meron bang ganung kasabihan? Baket ang SPG ata pakinggan? Err..
"Ice tol! San mo napulot yang kasabihan mo? Magaling ah!" Sabi naman ni Mike habang may kinindatan na ka-blockmate ko. Flirt-ass.
"Magtigil nga kayo. Ano bang ginagawa niyo dito?"
"Wala lang. Walang prof kaya patambay." Sagot ni Yael.
"Mag practice na lang kayo!"
"Ayaw mo ba kami dito mahal kong kambal? Sungit ah." Sabi ni Saturn. Ako? Eto magkatabi kami ni Clyde. Pero hindi siya nagsasalita. Nakahawak lang yung kamay niya sa kamay ko pero nasa ilalim ng desk ko. Tengene. Ano 'to? Secret relationship? Gad. Ewan ko nga kung ba't hindi ko maalis-alis yung kamay ko. Malamang Selena, gusto mo yan.
"Hay nako Saturn, magtigil ka. Hindi ka umuwi kagabi san ka galing?"
"Oh wag kang epal dyan. Dun ako sa condo ko natulog."
"Patago? Mabuti yan Selena at Clyde." Nagulat naman ako sa sinabi ni Parker. Sheet. Nakita ba niya? Nakita ba niyang magkahawak kami ng kamay ni Clyde ngayon?! Pinipilit kong tanggalin yung kamay ni perv pero ayaw niya. Naka poker peys lang. Muntanga talaga.
"Ayan ka nnaman Parker. Anong patago?" tanong ni Jeff
"Wala. Wala. Ge. Alis muna ko." sabay tayo at labas niya ng room namin. Drug addict ba yun? Seriously, he's too creepy.
"Hoy Pae! Bukas na yung photoshoot. Bale, bukas lang naman yun eh." Sabi ni Saturn. No choice na ko. Napa-oo ako ng wala sa oras e.
"Bawal siya. Ako may sabi." Straight face na sabi ni Clyde.
"Oy pre! Wag kang epal. Project ko yun. Tska, ikaw ba si Pae? Epal!" pang-asar na sabi ni Saturn.
"Kahit na. Bawal nga."
"At baket?"
"Basta. Wala ka na dun. Epal. Wag mo siyang tawaging Pae."
"Wala ka na din dun kung gusto ko siyang tawaging Pae. Inggit ka lang e." sagot naman ni Saturn. Nakakatuwa talaga 'tong dalawa na'to. You can't say if nag-aaway ba sila or what.
BINABASA MO ANG
My Pervert Room Mate (MPRM)
Fiksi PenggemarA girl that came from another country and went back home to Philippines as her punishment. Meeting a guy and then suddenly her life messed up. @AizenKuso (MARCH 07, 2019) @all Rights Reserve
