MPRM:Chapter 41:She Died

1.3K 27 1
                                    

SELENA'S POV

Ang sakit mawalan.. mawalan ng taong mahal at parte ng buhay mo.


"Time of death: 7:31 PM."

Lahat malinaw pa sa isip ko. Lahat malinaw pa sa alaala ko. Tipong damang-dama ko pa hanggang ngayon yung sakit, yung hirap ng pagtanggap.


"Sorry, but the patient doesn't survive any longer.."

Kailangan ba ganito kasakit? Kailangan ba ganito ka-aga? Kailangan bang pamilya ko pa sa dinami-rami ng tao sa  mundo? Baket ba ang komplikado ng lahat?

Karma?

Eto na ba ang karma ko sa pagiging masama ko? Ganun ba ko kasama na lahat ng mahal ko ipagkakait sakin ng mundo? Baket parang sobrang daya naman?

Ang dami kong tanong. Tanong na hindi ko alam kung ano ba ang sagot. Pero sa dami ng tanong ko isa lang ang gusto kong marinig ang sagot...





Kaya ko pa ba?

"Time of death: 7:31 PM."

"Time of death: 7:31 PM."

"Time of death: 7:31 PM."

"Time of death: 7:31 PM."


"Selena, kumain ka na." Isang linggo na ang nakalipas simula nung nawala siya. Nawala si mommy. Hindi ko alam kung paano ko pa nakaya. Ni hindi ko nga alam kung kakayanin ko pa ba.. Isang linggo na din akong nakakulong dito sa kwarto. Isang linggo na iyak lang ako ng iyak.

"Anak, I know this is hard for you. Mahirap din sakin. Pero sa tingin mo ba ikatutuwa ng mommy mo yang ginagawa mo ngayon? Isang linggo ka ng naka-kulong dito sa kwarto mo." Isang buong linggo nila kong di maka-usap. Wala rin akong gustong kausapin. Ni si Cloud natakot na sakin dahil nasigawan ko siya. Ang sakit lang kasi...

"Baby, your life must go on. Pagsubok lang 'to satin. Sana bukas maayos ka na. I love you, baby. Take a rest." Lumabas na agad si daddy. Hindi ko kasi kayang kausapin sila ngayon. Masyado pang masakit sakin lahat. Alam kong triple ang nararamdaman ni dad pero hindi niya pinakikita sakin, samin. Pinikit ko lang ang mga mata ko at nagsimula nanaman ang pagbagsak ng mga luha ko..


"Time of death: 7:31 PM."

"Time of death: 7:31 PM."

"Time of death: 7:31 PM."

Halos bawat pagpikit ko parang sirang plaka  na nag papaulit-ulit sa isip ko yung araw ng pagkawala ni mommy..



Yung araw na kinuha siya sakin, samin...

CRAYON'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Selena. Nagbabakasakali na makakausap ko na siya. Buong isang linggo namin siyang hindi maka-usap at isang linggo na din akong pabalik-balik dito sa bahay nila.

"Tito, hindi pa rin po ba lumalabas ng kwarto si Selena?" Tanong ko sa daddy niya. Hanga din ako kay Tito kasi ang tibay niya. Kahit na halata naman na nasasaktan at nahihirapan siya, ayaw niyang ipakita kay Selena at Cloud...

"Ayaw pa din. C-can you talk to her?" Sabi niya sabay inom ng alak na hawak-hawak niya.

"Sige po tito. Magpahinga na din po kayo. Ako na po bahala."

"Salamat." Sabi niya sabay diretso na sa kwarto niya. Agad naman akong umkyat papunta sa kwarto ni Selena. Hindi naka-lock yung kwarto niya kaya nakapasok ako agad.

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon