MPRM:Chapter 52:Last Chapter/Epilogue

2.3K 55 6
                                    

MIKE'S POV

Tatlong taon nanaman ang lumipas. Tatlong taon ang nagdaan. At eto kami magsasabi ng huling paalam.

Sa loob ng tatlong taon, mas lalong ginawang komplikado ang buhay namin. Mas madaming gulo ang dumating pero lahat ng yun, nalampasan namin. Nalampasan ng barkada namin.

Ngayon, masasabi kong masaya na kaming lahat, pati siya..

Nananatili pa ring buo ang barkada kahit wala na siya..

Pero masasabi kong nanalo ako sa ginawang "Deal" namin ni Selena. Nanalo ako..

FLASHBACK..

"Sige Mike, una na ko.." Paalam ni Selena na kanina pa nandito sa condo ko. Isa ako sa may alam ng plano niya. Plano niyang pag-alis, pag-iwan kay Clyde, at plano niyang pagpapanggap na hindi na niya mahal si Clyde. Pero pumalya siya dahil hindi niya napanindigan..

"Sandali lang." Agad kong sigaw sa kanya pagka-labas niya. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya kahit na naka boxer lang ako.

"Baket?"

"Papayag ako sa plano but let's have a deal."

"What kind of deal?"

"Deal na hindi mo mapapanindigan lahat ng sinasabi mo at sigurado akong babalik ka dito.." Sabi ko sa kanya at isang nakakalokong ngiti ang pumorma sa mga labi ko.

"Wag kang paka-sigurado Mike--"

"Let's have a wager then. Pag sinundan ka ni Clyde sa Cali. uuwi ka dito at makikipagbalikan ka sa kanya. Pero pag hindi ka niya sinundan, fine. Ako na mismo ang maglalayo kay Clyde sayo.."

"Walang kwenta---"

"A go or a no?"

"Fine. Deal." Sabi niya at lumakad na palayo. Pumasok na rin ako. Kahit papaano, magiging interesting at thrilling ang buhay ko ngayon..

END OF FLASHBACK..

Alam kong nanalo ako pero sinira ni Selena ang lahat. Sinundan nga siya ni Clyde kaya sigurado akong nanalo ako kaya isa lang ang ibig sabihin nun, kailangan niyang umuwi dito sa pinas.. Pero nasira lahat dahil umuwi nga siya pero may isang nangyareng mali..




Sila na ni Saturn..

Alam kong hindi pa ko talo kahit naging sila. Dahil yun sa nangyare tatlong linggo makalipas ang pagdating nila dito..




Nawala siya kaya naman, panalo talaga ako.

PARKER'S POV

"Kriella, lumayas ka nga dito. Aish!"

"Eh yung nakakabwisit ka na ah! Date na kasi tayo!"

"Busy ako. 'di mo ba nakikita?" Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo sakin. Tatlong taon nanaman ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Clingy pa rin. -.-

"Kriella, pwede ba? Lumayas ka na dito."

"Shuttup. 3 years had passed pero gnyan ka pa rin? What's with you? Ugh! Bahala ka sa buhay mo. Letche!" Dire-diretso niyang sabi at umalis na. Wala naman akong balak sundan siya.. Tss.

Wala pa ring nagbabago. Pwera na lang yung wala na siya.. Lahat kami nanglumo, umiyak, nasaktan nung nawala siya pero wala naman kaming magagawa. Yun ang nakatadhana. Sabi ko nga dati..





May mawawala..

TRIXIE'S POV

"Kelan daw ba? Ngayon  na daw ba talaga? Shet naman yung mag-asawa na yun!" Asar na singhal ni Sabrina. May magagawa ba kami eh bipolar ata yung mag-asawa. Kaasar.

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon