MPRM:Chapter 25:Worried Clyde

1.5K 57 2
                                    

SELENA'S POV

Nandito ako sa school ngyon. Sabay lang kaming pumasok ni Clyde pero nasa-klase na siya.

"Selena!" Tumingin ako sa likod only to see Sabrina running. Let me bet, alam na niya yung nangyari.

"What?"

"Sinabi na ni Saturn sakin.."

"And so what?"

"Se naman! You know how long he waited for you. You know how hard it is for him. Sana naman naging gentle ka kahit papano.." Gentle? Me?

"Sorry to say Sabrina but, Gentleness is not my expertise."

"Selena, don't be too harsh on him. He waited for so long. Alam mo naman yung pain na dinanas niya. He waited for you until now. He doesn't give up cause he loves you."

"And what do you expect me to do? Love him back?" I hiss. Ano bang gusto niya? Tss.

"I'm not asking you for that.. ang gusto ko lang, wag ka namang maging harsh masyado kay Saturn. Wag naman sana-"

"Sabrina, hindi ako PAASA. Hindi ko kailanman gagawin yun kay Saturn cause I love him as a friend. Gusto kong maging totoo at prangka sa kanya dahil ayoko siyang masaktan ng sobra."

"But he's hurting now, Se.. Masyado mo naman kasing-"

"What? I do that because I don't want to make it hard for him. Sabrina, this is getting nowhere. Friendship is the only thing I can offer to your brother."

"I know.. wala naman akong sinabing mahalin mo siya pabalik. Kausapin mo lang sana siya ng maayos. Make him understand. Please?" She plead.

"Fine. I'll talk to him. Pero wag ngayon let him be alone first." Sabi ko. kailangan din naman namin talaga mag-usap ni Saturn. Ayokong may maiba sa samahan namin. I want him back as my friend, before.

"Thank you, Se. Anyway, tara na baka ma-late tayo."

"Dang! Oo nga pala." Hinili ko naman na siya. Sht. Calculus yung subject namin. Sht.

Nakarating naman kami pero late na kami ng 15 minutes. Dang!

"Late nanaman kayong dalawa. Sit down, now!" sigaw ni maam na feeling maganda. Ew. Kita cleavage maganda? Maisumbong nga 'to kay Kriella ng makatikim. Ha!

Nag discuss naman siya ng nag discuss. Sympre yung mga ka-blockmate kong lalake na manyak, ligayang-ligaya ang mga kaluluwa. Na-alala ko naman daw si perv. Ugh. 2 weeks na din pala since, nangliligaw yon. Patagalin pa natin. Ha!

"Omg! Sila ba yung nasa labas?"

"Sila nga! Whuuuut is air?! Omggg. Ang gwapo ni Sarossa talaga! Eeeek~"

"Ang hot ni Mike. Eeeeeek~"

"No! si Sarossa talaga ang hoooot. Eeeeek~"

Napatingin naman ako sa mga tinitignan ng mga babaeng akala mong kinakatay. Puro, "Eeeek" peste! Kasuka.

Kaya naman pala. Nasa labas ng room namin sila Perv. Sus.

"Oy Se! ayan si labidabs mo oh. Sos. Ang mukha namumula."

"Mukha mo! Blush-on yan."

"Weh? Blush-on? Ikaw? Lip gloss lang ang kaya mo teh!" I just roll my eyes at her. Eh sa ayaw ko ng blush-on eh. MAY NATURAL NA GANDA KASI AKO. Oo AKO LANG. Mamatay kayo sa inggit!

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon