MPRM:Chapter 24:The Perv's Proposition

1.6K 40 0
                                    

SELENA'S POV

"S-saturn.. may itatanong ako sayo."

"Ano yon?"

"M-may nakwento kasi si Sabrina sakin before. It was about you way back then. I-ikaw ba yung..

..bata sa park na umiiyak?" Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko. Takot, kaba, at tuwa. Hindi ko alam pero baket parang umaasa ako na sana siya nga yung bata yon..


"Ako nga..


..Lenlen.."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.. yung pangalan na yon.. Isang tao lang ang tumatawag sakin ng gnun.. Siya lang..

"Blaize?"

"Ako nga. Finally. Nakita na kita. Tama nga yung kutob ko nung una pa lang."

Lenlen at Blaize. Yan 'yung tawagan naming dalawa noon. Nakuha niya yung LENLEN sa SeLENa. Hindi ko inakala na siya yung batang kakilala ko noon. Hindi ko alam na may SATURN pala siya sa pangalan. Dahil ang alam ko nuon, siya si BLAIZE GUZMAN.

*FLASHBACK*

"Bata, anong pangalan mo?" Tanong sakin nung batang lalake na umiiyak.

"Pae.." Sagot ko naman sa kanya.

"Eh yung buong pangalan mo?"

 

"Selena Pae Samaniego.."

"Ah. Simula ngayon, ikaw na si Lenlen. Ako naman si Blaize." Sabi niya habang pinupunasan niya yung luha niya. Simula nun, naging magkalaro na kami. Araw-araw kaming nagkikita sa park kasama si Sabby. Kambal sila kaya tuwang-tuwa ako nun. Wala na kasi yung kuya ko. at lagi akong pumupunta sa park tuwing pinapagalitan ako ng mommy ko.. Tuwing ipinapa-mukha niya sakin na ako yung pumatay sa sarili kong kapatid.. Tuwing itatatak niya sa isipan ko na, ako. Ako, ang dahilan kung baket nawalan siya ng isang anak. Kaya simula nun, tinuring ko ng kapatid si Blaize at Sabby.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, lugar, at oras, kailangan kong umalis. Pupunta daw kami ng ibang bansa ng parents ko.. Nung una tuwang-tuwa ako.. pero nung nagkita ulit kami ni Blaize sa may park, nalungkot at umiyak ako nun..

Tinatanong niya kung baket ako umiiyak pero ang sabi ko lang, masakit kasi yung ngipin ko. pero ang totoo nun, ayoko lang siyang malungkot din..

Kinabukasan ang flight namin. Hindi ako nagpa-alam kay Blaize at Sabby nun dahil ayaw na kong payagan ni mommy na lumabas. Wala rin akong nagawa nun kaya tiniis ko na lang.

At nung araw na nakarating kami sa Cali, lagi akong umiiyak dahil pakiramdam ko, wala akong kakampi. NAWALAN ako ng karamay.

*End of flashback*

"Pae, ang tagal kitang hinintay.." sabi ni Saturn sakin habang yakap-yakap niya ko. Alam kong umiiyak siya. Hindi maitago sa boses niya.

"Pero Saturn, iba na ngayon. Hindi na ako yung Lenlen na kilala mo.."

"Alam ko, Pae, alam ko. Pero kahit anong mangyare, hindi na kita bibitawan."

"Pero Saturn, ibang-iba na ko. Hindi na ko si Lenlen o si Pae na nakilala mo eons ago. Ako na ngayon si SELENA. Babaeng binago ng panahon at ng mundo."

"Wala akong paki-alam pae. Ang alam ko lang, nandito ka na ulit." Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin. Kitang-kita sa mga mata niya yung tuwa at saya.

Pero ako? Parang walang nagbago. Siya pa rin si Saturn na parang ngayon ko lang nakilala. Wala akong nararamdaman na kakaiba sa kanya o ano man. Ang alam ko lang, siya si SATURN.

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon