MPRM:Chapter 42:Together Again

1.3K 34 0
                                    

SELENA'S POV

Magkasama lang kami ni Clyde ngayon dito sa apartment. Para kaming timang na 24/7 na atang magkadikit. Ewan ba pero ayoko lang humiwalay sa kanya. It feels like when he's not at my side, I don't feel safe I don't feel being loved.

"Perv, gusto mo bang gumala?"

"Where?"

"Ikaw. San mo gusto?" Hinila lang niya ko para mapa-upo ako sa lap niya. He just nuzzles me at my neck. Nakaramdam ako ng goosebumps. Tsk.

"Pwede bang dito na lang tayo sa bahay?" Hindi ko alam kung baket ganun yung boses niya. Yung parang may takot?

"B-baket?"

"Wala lang. Ayoko lang i-share ka sa mundo ngayon." Sabi niya habang humigpit yung yakap niya sakin. Pinilit kong iharap siya sakin pero ayaw niya. Nasa leeg ko lang yung mukha niya.

"M-may problema ka ba?" Nag-aalala din naman ako. Para kasing may mali. Baket Selena, wala nga bang mali? Ugh.

"Wala naman. Naglalambing lang sayo." Sabi niya at hinalikan niya lang yung noo ko. Nakaka-panibago lang kasi hindi naman siya ganyan. I mean, diba dapat nasa perv mode siya? Tss.

"Muka mo. Di bagay."

"Yaan mo na. At least, ikaw lang nakakakita ng pagka-korni ko. Haha."

"Wow. Anong haha? kelan pa sinabi ang tawa?" Alam niyo yung nakakainis? Si Clyde yun. Para kasing may mali talaga. (Why, hindi ka ba nakakainis Selena? Tss.)

"Masama ba?" Tanong niya. Naka-upo pa rin ako sa lap niya habang nilalaro niya lang yung daliri ko at binibilang pa.

"Kahit anong gawin mong bilang dyan, lima pa rin ang daliri ko."

"Tss. Nagugutom ka ba?"

"Hindi. Ikaw?"

"Hi-"


♪♪..Kiss me slowly..♪♪


Agad naman niyang kinuha yung cellphone niya sa bulsa niya at sinagot kung sinuman yung tumatawag.

"Oh?.. O-oo di ko nakakalimutan... Shit!" Nagulat ako sa pag sigaw niya kaya naman tatayo na dapat ako pero hinigpitan niya lang yung hawak niya sa bewang ko.

"O-oo...  J-just give me s-some time... One w-week... Yeah... Bye."

"S-sino yon?"

"Wala. Tara kain tayo." Agad naman niya kong inalalayan patayo at hinawakan yung kamay ko tipong ayaw na niyang bumitaw.

Na-upo lang ako sa isang bar stool habang kumukuha siya ng pagkain.


"Oh. Kain na." Sabi niya pagkalapag ng pagkain sa harap ko. Umupo din siya sa upuan sa harap ko.

"Clyde.."

"Hmm?"

"Ang pagkain kinakain hindi tinititigan." Nakatulala lang kasi siya. Sino ba kasi yung tumawag sa kanya? Nakaka-inis. (Nakakainis ka din Selena wag kang feeler. -_-)

"Sorry. Sige na, kain ka na." Sabi niya at kumain na din siya. Ba't ngayon ko lang na-realize na gutom pala ako? Ang dami ko talagang nakakalimutan pag kasama ko si Clyde. Sana lang...

"Ba't mo ko tinitignan?" Tanong ko sa kanya. Naka-ngiti lang kasi siya habang nakatitig sakin. Talkin' 'bout change of mood. Tss.


"Wala lang. Ang sarap mo titigan pag kumakain ka." Inirapan ko lang siya at kumain na ulit. Nagugutom talaga ako. Hindi ko alam kung baket. Tsk.



My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon