MPRM:Chapter 32:Goodbye

1.6K 32 0
                                    

SELENA'S POV

Nagising naman ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako kay Clyde na natutulog sa tabi ko. Nakayakap lang siya sakin as if mawawala ako.

Naisip ko nanaman yung ginawa namin kagabi. Hindi ako nagsisisi kasi alam ko namang nasa tamang edad na kami ni Clyde. Na parehas naman naming ginusto 'to.

"Goodmorning, beautiful." He said while he nuzzles me at my neck.

"Goodmorning, beautiful, yourself."

"Tss. Are you okay?"

"Nah. I'm sore." Masakit pa din yung ano ko. ramdam ko pa din pero hayaan na, worth it naman. Sheet. Hindi ko lubos maisip na naisuko ko na ang watawat ko. Haha!

"Come. Let me put you into the bath." Binuhat niya lang ako. Sheesh. NAKED. Ang gwapo talaga ng katawan ng pervert na'to. Napatingin ako sa higaan namin. Nandun pa din yung bakas na nawala na ang watawat ko. Ugh.

Pumasok lang kami sa cr at pina-upo muna niya ko sa gilid ng bathtub. Tinitignan ko lang siya sa bawat kilos niya. Sheet. Ang sexy ni pervert. Hindi ko tlga maisip na parang wala na lang saming dalawa yung ganito tipong parehas kaming naked. Oh well, ang ganda ko kasi. Natutuwa tlga ako at natikman ko na ang katawan ni clyde. Mainggit na ang dapat mainggit.

"Enjoying the view?" sabi niya sabay smirk sa harap ko. Tss.

"Dream on."

"Come." Binuhat niya ulit ako at dahang-dahang binaba sa bathtub. Medyo masakit sa una pero habang tumatagal nawawala yung sakit na nararamdaman ko. It lessens the soreness, actually.

"Good, eh?"

"Yup. Aren't you joining me here?"

"Se, pag sinamahan kita dyan, umasa ka sa magaganap na round 2 kaya mag sshower na lang ako." Natawa naman ako sa sinabi niya. Tss. Round 2? Why not? Joke.

Lumapit lang siya sakin sabay halik sa forehead ko.

 

Pumasok na siya sa shower room habang pinikit ko lang yung mata ko. Hindi ko talaga mapigilang ngumiti. Ngumiti kung hanggang saan na kami nakarating ni Clyde. Pero napa-isip din ako sa mangyayare mamaya. Alam kong ngayon ako aalis. Ngayon ko iiwan si clyde. I need to do this. Mas kailangan ko munang unahin si mommy.

**

Pagtapos naming maligo ni clyde, kumain lang kami at namasyal ng konte. Pagdating ng 1pm umalis na kami pabalik ng manila.

 

Mga bandang 5pm na kami naka-uwi at nandun si dad.

"Daddy.."

Lumapit lang siya sakin at tinapik si clyde sa balikat.

"Si mom?"

"Nauna na siyang umalis, Selena. Hindi siya pwedeng mag stay dito ng matagal dahil hindi na kinakaya ng katawan niya."

"Dad, kelan pa 'to? Baket n-ngayon niyo lang sinabi sakin?"

"You know how stubborn your mom is, Selena. She don't want you to worry. Anyway, it's late. We need to go already." Napatingin lang ako kay clyde ng biglang humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Alam ko, wala na kaming magagawa. Kailangan ko 'tong gawin. All we need to do is be strong and have trust to each other.

"Dad, can you give us a minute?"

"Sure. I'll go ahead sa kotse. Sumunod ka na lang. I love you, baby." Dad said then leave.

Niyakap ko ka-agad si Clyde. Susulitin ko lang. Susulitin ko lang..

"Behave here while I'm away, ayt? Subukan mo lang mang-babae perv!"

"Tss. Ako pa tlga? Ikaw ang umayos dun. Babalik ka ah! Se, babalik ka." Lalong humigpit yung yakap niya sakin. Alam ko naman nahihirapan siya. Siguro nga masyado na kaming na-attach sa isa't-isa kaya ang hirap lumayo sa kanya.

"I will. Babalikan kita. Hindi naman pwedeng hindi ako bumalik." Kumalas naman siya sa yakap at hinawakan yung dalawa kong kamay.

"Hihintayin kita. Sasagutin mo pa ata ako. Ang mata ha? Sakin lang ang tingin!" sabi niya sabay pitik sa ilong ko.

"Yung mata mo ang ayusin mo. Sige na. Byebye na. Take care, aright? I'll miss you." Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.

"I love you, Selena."

"I love you, too, Clyde. Bye." I said then kissed him. Tumalikod na ko at lumakad palayo. Ayoko ng patagalin. Mahirap. Masakit. Babalik naman ako eh hindi ko lang alam kung baket parang may maling mangyayari..

Pumasok na ko sa kotse at umupo sa tabi ni dad.

"Are you alright, baby?"

"Dad, magsisinungaling ako pag sinabi kong oo."

"I'm sorry."

"Dad, it's not your fault. Buhay ni mommy yung pinag-uusapan dito. Siya yung mahalaga dito."

"I know. Ang hirap din sakin nito Selena. Seeing your mom in a situation like that.." ngayon ko lang nakitang umiyak si dad. niyakap ko naman siya agad.

"Sssh. Everything's gonna be fine, dad. let's just pray and he will do the rest."

"You're right. Ayaw makita ng mom mo na nalulungkot tayo. Kahit kailan talaga yang nanay mo." Napatawa naman ako. Hindi kasi kami close ni mom. Ang lakas pa ng loob niya na sigaw-sigawan ako nung nagkita kami tapos ang weak weak naman pala niya. Tss.

"My stubborn mom."

"Very stubborn. Anyway, san ka ba dinala ni Clyde?"

"Palawan. Sa resthouse niya." Napa-ngiti naman agad ako. Naalala ko nanaman kasi yung nangyari samin. Namimiss ko na agad si perv. Tsk.

"I never saw you smile like that. Tell me, you did it." Halos lumuwa yung mata ko sa harap ni dad nung sinabi niya yung huling mga salita niya na yon.

"What do you mean dad?"

"Selena, I'm your dad. kitang-kita sa mata ni clyde kanina yung satisfaction. I knew it. The both of you did it."

"Dad!"

ANG AWKWARD! UGH!

"What? Wag mong isipin na magagalit or what ako dahil alam kong may nangyari sa inyong dalawa. Parehas naman na kayong nasa tamang edad na, kung sanang gusgusin ka pa, pero ang tanda mo na! Alam kong alam mo na yung ginawa niyo. Isa pa, I trust the both of you specially, Clyde." Napa-ngiti nanaman ako. Tipong ang swerte swerte ko. Siguro kung ibang magulang yan, nagalit na. Pero si dad, nah. Ang cool cool pa rin niya.

"Dad, thank you."

"Tss. Stop it, Selena. Aba! Gusto ko naman na magkaron na ko ng apo."

"Dad naman!"

"Nahiya pa. Tumigil ka nga. Basta dapat lang na panagutan ka ng clyde na yon kung sakaling magkaka-apo na ko."

"Wag mag assume dad. Haha."

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano. After an hour, nakarating na kami sa airport.


This is it. Maging okay lang si mom, babalik ako. Babalikan ko si Clyde.

xxxx

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon