MPRM:Chapter 37:Mommy Selena & Daddy C---!??

1.4K 33 0
                                    

SELENA'S POV

Sunday. Pagkagising ko agad akong nag-ayos ng sarili ko at bumaba na. Nadatnan ko naman si dad na buhat-buhay si ulap habang kumakain sila.

"Goodmorning dad." Sabi ko sabay upo sa tabi nila.

"Mommy~" Hirit naman ni ulap. Nagulat pa ko dahil baka mamaya nandito na pala si mom sa bahay kaya naman agad akong tumingin sa likod ko pero wala naman akong nakita.

"Mommy?" tanong ko sabay tingin kay ulap.

"Mommy! Mommy~ Mommaa~" Sabi niya habang tinuturo ako. Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ako.

"I have to go. Kailangan na ko sa opisina." Sabi ni dad sabay tayo at halik kay ulap.

"Hindi tayo pupunta kay mom?"

"Nah. Mamayang gabi pa tayo pupunta dun. For now, take care of Cloud, aright?"

"What? Ano ako nanny niyan? Duuuh."

"Selena!"

"Fine. Bye, dad. Take care." I said. No choice. Ang ganda kong nanny. Pagkatapos kong kumain tumayo na ko.

"Paliguan mo na si ulap. Ako magbibihis sa kanya." Sabi ko dun sa tunay na julalay ni ulap.

"S-sige po maam." Agad naman akong umalis na at pumunta na sa kwarto ko. Nagbihis na rin ako. Dadalhin ko na lang sa mall si ulap tapos ililigaw ko. Then I'm free. Joke. Ipapasyal ko lang at tsaka, mag sshopping na din ako ng mga damit ko.

Ilang sandali lang tumatakbo pa si Cloud na pumasok sa kwarto ko. Hindi naman kami totoong magkapatid pero baket parehas kami ng mata at ilong? Pati may habit din siya na kagaya nung ginagawa ko lagi. Yung pag point point ng finger sa tip ng ilong. Madalas ko kasing ginagawa yun pag nabobored ako. At nakita kong ginagawa ni cloud yun ngayon habang nasa kama ko siya nakahiga. Tinabihan ko naman siya. nakahubad siya at bagong ligo.

"Mommyyy~ mommaaa~ mommyy~" sabi niya na pakanta-kanta pa. Naks. Walang talent 'to sa pagkanta. Halata e. Tss.

"Cloud wag ka ngang malikot! Binibihisan kita!" Ang likot likot kasi niya. Takbo ng takbo nakita namang binibihisan ko siya.

"Ugh! Cloud naman! Behave!"

"No mommyy~ noooo~" sabi niya sabay takbo pa. Na-sstress yung bangs ko sa kanya!

"Got you!" sabi ko pagkahabol ko sa kanya. Sinuotan ko na siya ng baby jeans at isang shirt na loongsleeves. Sosyal tlga 'tong bata na'to. Puro branded ang mga damit. Tss. Pasalamat siya at parents ko ang umampon sa kanya. Magiging isang mayaman na bata siya. Tsk.

"Pupunta tayo ng mall, ayt? So you better behave yourself."

"Yes mommy! Yeeees~" kahit ang sakit niya sa tenga, gora na lang. atleast hindi boring ang stay ko dito. Agad ko namang hinawakan siya sa kamay at bumaba na kami ng hagdan. TAKE NOTE: Hirap na hirap kaming bumaba dahil ayaw pa niyang magpabuhat. Gusto tlga niya siya mismo ang bababa sa hagdan. Kaya inabot kami ng siyam siyam.

Lumabas na rin agad kami at sumakay na sa isang kotse ni dad. Eh wala naman kaming driver dito dahil kasama ni dad. inayos ko lang si Cloud sa baby's seat. At nag drive na ko papunta sa isang mall.

After ilang minutes nakarating din kami. Agad akong bumaba at kinuha na si Cloud. Hawak hawak ko lang yung kamay niya dahil mahirap na baka mawala pa 'to.

"I'm cold, mommaa~" sabi niya sabay yakap pa sa sarili niya at nag pout pa. SHEEEEET.

Baket may kamukha siya habang ginagawa niya yon?!



My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon