SELENA'S POV
After seeing that slutty-whore and that arse together, bigla akong napa-isip. Is Clyde really serious about courting me? Akala ko ba wala siyang pasok? Pero baket nandito siya? And worst, magkasama pa sila nung Zella na yon. Ah! Scratch that. MAGKAYAP pala sila. Oh diba? Ang galing.
Lakad lang ako ng lakad dahil maganda AKO. Hindi ko namalayan na may naka-bunggo na pala ko.
"Hey." Napatingin naman ako sa kanya.
"Baket?"
"You're crying. It's okay, Pae."
Napahawak naman ako sa mukha ko. Sht. Baket may luha? Baket ako umiiyak? I shouldn't be. Hindi dapat ako pa-apekto. Ako si SELENA. No one dares to get in my way. Walang luha ang dapat masayang dahil lang sa walang kwentang bagay. Pero, baket ako umiiyak worst, nakikita pa ni Saturn! Ugh!
"I'm not, Saturn. Bahala ka dy--"
"Walang masamang umiyak." Sabi niya ng malumanay. As if he's talking to a kid.
"Hindi nga ako umiiyak." Tinalikuran ko na siya. Wala akong oras para sa kanya. Pero bigla na lang niya kong hinila kaya naman napa-yakap ako sa kanya. Ang bango. Hindi ko alam kung baket hindi ko magawang umalis. Instead, I end up crying into his chest.
"Ssssh. Sige lang. Cry it all out. It'll lessen the pain." He said while stroking my back. Somehow, I felt at ease.
"Nakakainis kasi! Hindi dapat ako umiiyak dahil ako si Selena eh. Pero pesteng mga luha 'to! Ang kapal mga magsilabas ngayong hindi ko naman sila kailangan. Nakakainis talaga!" Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin at nakayakap sa kanya. I feel like a ranting kid.
"Alam mo Pae, hindi dahil kilala ka ng lahat sa pagiging matapang at maldita mo, hindi ka na pwedeng umiyak. Tao ka pa rin. May karapatan kang umiyak at ipakita sa lahat kung ano mang emosyon ang gusto mong ilabas." Ayokong makinig sa kanya. Ayoko. Pero hindi ko alam kung baket tinatanggap ng utak at tenga ko yung mga sinasabi niya.
"Saturn..
..Ang sakit." And that's it. I burst out crying like a kid. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko. Galit, sakit, inis. Pero hindi mawala yung tanong sa isip ko. MAHAL KAYA AKO NI CLYDE? O mahal niya ko dahil siya pa rin yung dating Clyde. Si Clyde na Cassanova, playboy, mangloloko, at higit sa lahat, WALANG SINESERYOSO.
"I know. Sssh. Let it go. Mas masakit yan kung hindi mo ilalabas. Hayaan mo ako lang ang nakakakita in that state of yours. Haha."
"Bwisit! Ngayon lang 'to noh. Asa ka pang maulit. Chumachansing ka lang eh." Sabi ko sa kanya at kumalas na sa pagkaka-yakap niya. Chansing na. Di pwede. Masyado akong maganda at oo, PALAGI.
"Tss. Bahala ka na nga dyan. Ako na nga 'tong nagmamagandang loo--" Hindi ko na siya pinatapos dahil niyakap ko na siya agad-agad. Baket? I saw Clyde looking at us. Lemme play fair and square. And yeah, We're just QUITS.
CLYDE'S POV
Pagkababa ni Selena sa sasakyan ko, hindi ako umalis agad dahil tinawag ako ni Jeff. Hinahanap daw ako ni coach. Kaya naman bumababa ako at pumunta sa GYM. Pagtapos kong makausap si Coach uuwi na dapat ako pero nakasalubong ko si Zella.
May pinagsamahan din kami kahit papaano. Mabait naman siya. Pero alam ko yung motibo niya. I won't fall to her bait. Alam ko kung ano ang laro niya.
Nakita ko siyang umiiyak kaya naman nilapitan ko siya.
"Zella, baket ka umiiyak?"
BINABASA MO ANG
My Pervert Room Mate (MPRM)
FanfictionA girl that came from another country and went back home to Philippines as her punishment. Meeting a guy and then suddenly her life messed up. @AizenKuso (MARCH 07, 2019) @all Rights Reserve