CLYDE'S POV
Umuwi na rin ako sa apartment namin ni Se. Alam ko naging g*go ako. Eto nga oh. Babawi na.
*Calling Mike..*
[Oh pre, napatawag ka? Miss mo ko?] Sarap pektusan ng ganyan.
"Wag kang bakla. Pumunta ka dito sa apartment ko. Dalian mo." Wala naman si Selena dito. Isa pa, di niya naman malalaman na magkasama kami sa iisang apartment dahil hindi ko naman sasabihin. Syempre nirerespeto ko yung "privacy" ni Selena.
[Asus pre. Deny pa. Ikaw ah.. Gagawin natin dyan sa apartment mo? Ahihihi.] At ang g*go rumagasa nanaman ang pagiging bakla.
"Tigilan mo ko. Pumunta ka na lang."
[Ang atat naman ni babe. Hihi. I'm on my way. Laters, baby. Hihi.] Na-imagine niyo ba kung gaano kadiri kausap ang isang Mike Manyak? Pakiramdam ko tumayo lahat ng pwedeng tumayo sakin. UTAK pakiusap. Hulsam ang nag P-POV kaya wag kayo.
Nanuod lang muna ko ng TV. Wala namang magandang palabas. Nasan na kaya si Selena? Tss. Napaka-brutal pa naman nun baka kung ano na nagyare kay Trixie. Hindi sa nag-aalala ako kay Trix. Iniisip ko lang naman kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Selena. Afterall, may pinagsamahan rin kami kahit papano ni Trixie. Hindi naman ako masama, gwapo lang. Actually, gwapong-gwapo ata?
"Babeeee~ Yuhoo~ I'm hereeee~" Rinig kong sabi ni Mike. Kadiri talaga.
"Umayos ka nga. Tumatayo ang ba-"
"What?! Oy tol! Walang ganyanan. Joke joke lang naman. Hindi ako bakla at hindi kita pinagnanasaan para tumayo yang an-"
"G*go! Tinulad mo nanaman ako sayo. Yung balahibo ko kako ang tumatayo."
"Mabuti na yung defensive. Haha. Oh anong kalokohan 'to? May papatayin ba tayo? Pre, di ako killer pero dahil mahal kita, handa akong pumatay para sayo. Game!" sabi niya na parang bakla. Tengene. Ngayon talaga nagtataka na ko kung lalake 'to o hindi.
"Ikaw magpakamatay. Buhay mo talaga patapon na. Tss. Lumayas ka na nga! Di na pala kita kailangan. -_-"
"Eto naman di na mabiro oh. I'm always here for you, babe. Hihi."
"Lul! Mang-diri ka nga. Tengene mo!"
"Aw. You're so sweet. Hihi." Napasabunot na lang ako sa buhok niya. Baket? Kala niyo buhok ko? Not my hair, sweeties. Guluhin na lahat wag lang ang gwapo kong buhok na nagmana sakin.
"Pre, pwede ba? Tumigil ka na. Simulan na lang natin 'to para matapos na. Diring-diri na ko sayo." Sabay iwan ko sa kanya. Nag punta na ko sa kusina. Baket? Kasi gwapo ko. De. Seryososo, ipagluluto ko kasi yung baby ko. La kayong pake. Sweet na gwapo ko.
"Oh anong gagawin ko dito?"
"Try mong magpakamatay dito sa kusina, Mike. Utak nga. Kahit ngayon lang. Mabulok yan gamitin mo ngayon."
"Tss. G*go ka talaga. Magluluto ba? Oh wag kang pilosopo. Lumayas ka nga! Ako magluluto. Teka, pano ba buksan 'tong kalan?" Dafaq. Baket ba si Mike ang naisip kong tawagan? Tanginis eh.
"Wala kang naitutulong na maganda. Umuwi ka na nga."
"Aba hoy! Pasalamat ka at pumunta ko dito. Alam mo bang naglalaro kami ng bago kong bebot? Napurnada tuloy. Kaya wag kang kupal dyan."
"Pake ko? Oh eto piso. Uwi!" sabay tulak ko sa kanya paalis. Baka dumating na si Selena. Tengeneng Mike Manyak 'to.
"Tss. Uuwi na talaga ako. Maglalaro na lang kami mas masaya yon. Gawin niyo ni Selena pre. Matutuwa yon." Binalibag ko naman siya ng kaldero at sandok. Joke. Di ko na siya pinansin. Wala siyang naidudulot na maganda sa kagwapuhan ko.
*Calling Parker..*
[Oh?] Paka-bastos talaga neto kausap. Wala man lang Hi, Hello.
"Menopause ka nanaman ba? Punta ka dito sa apartment ko."
[Baket?]
"Ire-rape kita, pre. Tungunu. Basta. Dalian mo na lang."
[Ge.] Ganun ba talaga pag misteryoso? Dapat monosyllables kung magsalita?
Inayos ko na yung mga gagamitin ko. nagsimula na rin akong magluto. Asa pa ko kay PARKER. Iba ang ipapagawa ko sa alien na yon.
♪♪ "Face down on the dirt, she said, this doesn't hurt, she said..
I finally had enough.. face down on the dirt, she sa-" ♪♪
"Hi, baby." Walang maingay. Tumatawag ang minamahal ko. La kayong pake kung korni. Mahal ko rin naman kayo.
[Heh! Wag mo kong ma baby-baby dyan. Male-late ako ng uwi. Dyan ka lang sa apartment!]
"Napaka-sweet tlaga ng baby ko oh. Tsk. San ka pupunta?"
[Sa impyerno! Ge. Bye!]
*toot..toot..toot..toot*
Ahhh badtrip! Siya lang ang babaeng ginaganun ako. Di ba niya alam na halos ngumawa na sa harap ko yung ibang babae, makausap lang ako? Tapos siya, binabaan lang ako? Hayaan na. mahal ko naman yon. Oh, mahal ko rin kayo. Yaan niyo.
"Ayanggwapoko! Tengene. PARKER NAMAN! USO MAGSALITA PRE!" Nagulat ako dahil nasa likod ko lang siya. Kung hindi ko lang kaibigan 'to, baka napatay na ko nito sa gulat. Putcha.
"Tss. Problema?"
"Problema agad-agad? Tulungan mo ko. Tara sa kusina." Sumunod naman siya sakin. Hindi porque may storya na din siya eh, papalag na siya sakin. MAS gwapo ako sa kanya.
"Oh ano na? Nasasayang oras ko sayo."
"Wag kang bakla. Ayusin mo yung lamesa. Mag de-date kami dito ni Selena."
"Taghirap ka ba?"
"Lul! Mas sweet pag dito sa bahay. Mas ma-effort."
"Effort ba kamo? Ode, ikaw na mag-ayos ng lamesa. Geh. Uwi na ko." Akmang lalayo na siya pero hinawakan ko yung buhok niya. Pero, poker peys pa rin siya.
"Pre naman. Walang ganyanan. Tulungan mo na ko ng magka-silbi ka sa storya ko."
"Di na kailangan. Malaki ang parte ko sa storya mo. Pero ang tanong, storya mo nga ba? Geh pre, alis na ko. Goodluck." Natunganga lang ako sa sinabi niya. Malamang storya ko 'to. Akin 'tong storya na'to. Samin pala ni Selena baby.
At dahil walang kwenta ang mga hampaslupa kong kaibigan, ako na gumawa lahat. Effort 'to mga chong! Pers taym pa kamo. Aba! Babae ang lumalapit sakin hindi ako. Ngyon lang ako naging ganito. Tengene. Inayos ko na muna yung table na gagamitin namin. Pagtapos, nagluto na ko ng mga paborito ni Selena. Alam ko ata lahat. Pati nga yung bra niyang suot. Biro lang! pagtapos inayos ko na lahat ng niluto ko. Sanay ako. Gwapo kasi ko. Pagtapos, naligo na muna ko para mas lalong gwapo. Ang tagal ni Selena. San ba yun nag punta nanaman? Alas otso na rin ng gabi. Baket wala pa siya? Tsk.
Napatingin naman ako sa pumasok sa pinto. Sa wakas. Kahit na kunot ang noo niya at mukhang galit nanaman, maganda pa rin siya. Mas lalo ko pa siyang minamahal. La akong pake kahit korni.
Napatingin naman siya sa lamesa na nasa gitna. Biglang nawala yung galit niyang itsura. Lumapit ako at hinawakan siya.
"I'm Sorry, baby.."
---------------------------
A/N: If gusto niyong gawan ng FANART ang story na'to or whoever you want na mga character dito, YOU MAY DO SO. Send niyo lang sakin tapos i-popost ko sa isang chapter. Hihi. idede-dicate ko din sa inyo yung chapter na yon. Thank youuu. :)
BINABASA MO ANG
My Pervert Room Mate (MPRM)
FanfictionA girl that came from another country and went back home to Philippines as her punishment. Meeting a guy and then suddenly her life messed up. @AizenKuso (MARCH 07, 2019) @all Rights Reserve