MPRM:Chapter 36:Ate Selena

1.3K 34 1
                                    

SELENA'S POV

Pagkagising ko naabutan ko naman si dad na kumakain habang pinapakain naman si Cloud ng nanny niya.  Nginitian lang ako ni dad habang papalapit ako sa kanila. Agad naman akong lumapit kay cloud at ginulo yung buhok niya.

"Meanie is here. Meanie. Bad! Bad!" Sabi niya habang he's sticking his tongue out nanaman. Leshe tlga! Pasalamat siya at mabait na ko sa lagay na'to. Yumuko naman ako para magka-pantay na kami. Kinuha ko yung pinapakain ng nanny niya sa kanya.

"I told you I'm not bad. I'm pretty kaya!" Sabi ko sabay subo sa kanya ng kung ano man 'tong pagkain niya na'to.

"Meanie!" Ulit naman niya. Aba't walanghiya talaga 'tong bata na'to.

"Hindi nga ako meanie. Maganda ako. Irita ka ah." Sabi ko pero sinusubuan ko pa rin siya. Tinikman ko pa nga eh. Kadiri.

"Selena.." Sabi ni dad. Tumayo lang ako at binalik ko na sa nanny niya yung kinakain ni cloud.

"Goodmorning, dad."

"Are we okay?"

"Sure basta ba't ipatapon mo na si Cloud eh. Joke. Okay na. Tanggap ko na. It's not that bad after all. I guess I have to accept the fact that I have a younger brother, now."

"Thank you, baby." I just smiled at him at kumain na.

"Eat up. Pupunta na tayo sa mom mo." Kumain lang ako ng mabilis. Pagkatapos ko kinuha ko ka-agad si Cloud dun sa baby's chair niya. Nagtaka naman si dad.

"San mo dadalhin yan?"

"Itatapon ko na. Dejoke lang. Bibihisan ko. Isn't he coming with us?"

"He is. Sige na mag-ayos na kayo parehas." Umalis na rin ako habang buhat-buhat ko si Cloud. Pinaglalaruan lang niya yung buhok kong kulot sa dulo.

"Bad!" Sabi nanaman niya. Walanghiya talaga 'to. Eh kung bitawan ko kaya siya? Imbyerna. Kabata-bata kung magsalita eh dinaig pa si amalayer sa English.

"Ang kulit ng lahi mo ha! Maganda nga ako hindi bad." Sabi ko at nilapag siya sa kama ko. Nauna na kong magbihis. Pagkatapos ko sinuutan ko na siya ng damit niya.

"Pupunta na tayo kay mommy ko na mommy mo na rin. Behave ulap!" Ang kyot kaya ng ulap tagalog sa pangalan niya. Binuhat ko na ulit siya at bumaba na kami. Nasa labas na din si dad kaya sumunod lang kami. Nakita ko namang lalabas na yung nanny nitong si ulap kaya agad akong lumapit sa kanya habang karga-karga ko pa si ulap.

"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya kasi balot na balot ang babae. Takot mag yelo? Tss.

"Eh sasama po ako dahil ako po yung bantay ni cloud." Sabi niya sabay akmang kukuhanin sakin si ulap.

"Dyan ka nagkakamali. Dyan ka sa bahay magbantay ka. Ako na bahala dito kay ulap."

"Pero maam.. baka po anong gawin niyo kay cloud." Sabi pa niya.

"At baket? Itatapon ko lang naman 'tong bata na'to." Seryoso kong sabi sa kanya mukha naman siyang gulat na gulat. Shunga talaga.

"Oh puso mo. Joke lang. Ge. Bye." Sabi ko at tumalikod na. Lumapit na ko kay dad at sumakay na rin kami sa kotse. Naka-upo lang kami ni ulap dito sa back seat. Naka-upo lang siya sa lap ko habang nilalaro nanaman niya yung buhok ko.

"Oy ulap! Inggit ka sa buhok ko noh? Tsk."

"Meanie!" Wala ba siyang ibang alam sabihin kundi ang meanie, pop, at bad?

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon