MPRM:Chapter 46:Wrong Move

1.3K 25 1
                                        

CLYDE'S POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis nanaman si Selena. Ganyan ba talaga ang mga babae? Mang-iiwan na lang ng basta-basta?

Nandito lang ako sa condo. nagpapaka-lasing sa alak. Hindi ko naman pwedeng sundan si Selena ng agad-agad dun. T*ngina talaga buhay. Lagi na lang.



"Naglalasing ka nanaman pre!" Agad akong napatingin kay Mike na kakapasok lang ng apartment. Pota.


"Pake mo?"


"Iniwan ka lang ni Selena. Hindi ka namatayan. Umayos ka."


"Hindi kasi ikaw ang iniwan."


"Alam ko. Pero naranasan ko na rin ang maiwan. Kaya pwede ba pre? Umayos ka nga. Hindi bagay sayo ang mag drama."


"Hindi ako nag dra-drama."


"Nagpapaka-emo lang? Tss. Pre, sundan mo na lang kasi!"


"Sa tingin mo ba ganun ganun lang yon?" tanong ko sa kanya at tinungga ang isang beer. Putcha. Ilang beses na ba kong iniwan nun?!

"Pre, pano pag iniwan ka ni Selena dahil buntis siya?" Agad akong napatigil sa sinabi niya. Potek. Buntis nga ba si Selena?! Pero wala naman siyang sinasabi sakin.

"Hindi siya buntis."

"Alam ko. Malay mo may magandang rason naman siya."

"Walang magandang rason para sakin. Iniwan niya ko pero mahal na mahal ko pa rin siya! Pota."



"Sundan mo. Mahirap pero kung mahal mo, kakayanin mo. Ge, alis na ko." Sabi niya at lumabas na. Naiwan lang akong nakatanga. Malapit na ang next sem kaya paano pa ko aalis?! Isa pa, kailangan ako ni papa ngayon dahil tuturuan na niya ko sa mga bagay tungkol sa kompanya.


Kailangan nanaman bang mamili?

Kailangan bang may piliin nanaman ako? T*ngna!


*..Kiss me slowly..♪♪*


"Hello?"

[Hi babe.. puntahan mo ko dito sa condo ko.]

"Trixie, wala akong oras para sayo."

[Come On, wag ka ng pakipot. Alam ko namang mahal mo ko. At ngayong wala na si Selena, pwede na ulit tayo.]





"Kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo." Sabi ko at agad na inend ang call. Higiti sa lahat ayoko sa mga babaeng sobrang clingy na akala mo, sawa. Tss.


TRIXIE'S POV

Ugh! I hate you, Selena! Puro na lang ikaw! Ikaw! Ikaw! Kung baket kasi hindi ka pa nawala?! Umalis ka nga pero lahat ng atensyon sayo pa rin! Ugh! Clyde is being cold and horrendous at me at the same time. This is all Selena's fault! She should burn seven circles of hell! Ugh!

I know i'm being ravenous and such, pero mahal ko lang talaga si Keiden..

I just love him to the extinct..

Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi nagiging kami ulit ni Keiden. Tama lang naman na kunin ko kung ano ang akin diba? Hah. Kaya, humanda ka Selena. Madami kang pagbabayaran at madami akong kukunin sayo..

Selena, if you don't have the capacity to give, you shouldn't have the audacity to take! Stick that on your pipe, and smoke it.

I'm ravenous. I want you to myself, Keiden. And i can't help it.

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon