MPRM:Chapter 38:Need to Make a Choice

1.3K 37 1
                                    

SELENA'S POV

Pagkarating namin sa bahay agad ko lang binuhat si Cloud at sinama papunta sa kwarto ko. Shit, shit, shit. Baket kasi umepal pa ng ganun si Cloud at Crayon. Ugh. Ba't ba puro sila letter "C"?!

Agad ko namang i-dinial yung number ni clyde..

[Hello?] Shit. Sabi na galit siya.

"Are you mad at me?"

[Selena, tinatanong lang naman kita kanina kung sino yon, pero binabaan mo agad ako ng telepono.]

"I'm sorry okay? Nasa mall kasi ako. Kauuwi ko lang."

[Explain. Go.]

"Ugh. The thing you've heard, hindi totoo yun. Pinag tritripan lang ako ng kaibigan ko dito. Don't be mad at me, please.."

[Hindi ako galit.] Tss. This is going nowhere. Stubborn talkin to another stubborn.

"You are."

[I'm not. Sige baka busy ka. Bye.] Then he hang up. Great.

Agad naman akong napatingin kay Cloud na seryosong nakatingin sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero hindi man lang natinag. Lalo pa siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry mommy." Sabi niya habang nakayuko. Hindi ko alam kung ba't siya nag sosorry. Isang 2 years old na bata? Tss. Anong alam niya sa sorry?

"At baket ka nag sosorry?" Hindi naman siya sumagot at yinakap lang ako. Siguro na-feel niya na badtrip at hindi ako okay. Tss. Biruin mo sweet pala 'tong ulap na'to. Niyakap ko naman siya pabalik at kinarga na.

"Matulog ka muna dito a'right?" Sabi ko sa kanya habang inaayos ko siya sa kama ko. agad naman siyang pumikit kaya lumabas na din ako.



♪♪..Don't bid me goodbye..♪♪


Dali-dali ko namang sinagot yung cellphone dahil akala ko si clyde na pero unregistered number naman ang nakita ko. tss.

"Hello? Who's this?"

[Have you forgotten me already, eh? Hah. Hi Selena, this is Trixie.] Oh the slut.

"Sorry to inform you dear, hindi lang talaga ako nagbibigay ng oras para maalala ang isang BASURANG PATAPON NA." Tss. Who would've thought na hanggang dito pinepeste pa rin niya ko? tsk.

[Chill. Hindi ko pa kasi nakakalimutan yung ginawa mo sakin. At dahil malayo ka, madami akong pwedeng gawin, madami akong pwedeng agawin..]

"Really? Hah. As if naman maaagaw mo nga. Don't push your luck, Trixie. Umpisa palang kasi, talo ka na. Pumapapel ka na lang masyado. Accept it, weakling ka."

[I hate you!] Tss. How lame.

"I never gave you a reason to hate me, Trixie. You're just creating your own little lame drama of pure insecurity."

[How d-dare you say that to me!]

"Sulitin na natin, bitch!"

[I'm sorry?!?] galit na tanong naman niya. Ow jeez. She's still the same. LAME TRIXIE.

"Apology accepted. Bye." I said then hung up. Sayang oras sa kanya. Pangdagdag BV ang baliw! Agad naman akong bumaba na at nadatnan ko si dad na kadadating lang.

"Hey baby, what's with the frowning?"

"Eh kasi naman dad! tumawag yung ex ni clyde sakin. Ayun inimbyerna yung ganda ko. Ugh! Lumabas nanaman tuloy yung pagka-"

"Pagka-bitch mo? Nako Selena. Tigilan mo na yan. 18 years old ka na. But you look really pissed."

"Yes! I'm pissed off and many people irritate me these past few days! Ugh.  If people weren't ignorant, self-absorbed, and downright stupid, I wouldn't be so bitchy all the time! Ugh! Baket ganito ang buhay ko?! ang daming pang-asar!" Dire-diretso kong sabi out of frustration. Kasi naman! Tinawanan lang ako ni dad. Tss.

"Life's a bitch, sweety." Sabi lang niya sabay tapik sa balikat ko at umalis na. Ugh. Na-sstress tlga ako dito. Lumabas na ko ng bahay at nagpahatid sa driver namin kung nasan si mom. Oh well, kesa naman mabored ako dito? Tska isa pa, kaya nga ako nandito sa cali, to be with my mom.

After ilang minutes nakarating na din ako. Agad naman akong dumiretso sa private room niya and I was surprised to see her awake. She looks very pale.

"Hi mom." Nginitian lang niya ko at umakto na lumapit daw ako sa kanya.

"Where's your dad? and Cloud?"

"House. They'll be here later in the evening." Umupo naman ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.

"At baket ka nandito?"

"Why, ayaw mo? Mom naman! Wag mo kong tarayan may sakit ka na nga't lahat-lahat dyan eh! isa pa, ang dami kong problema. Nakakainis. Na-sstress yung ganda ko." diretso kong sabi sa kanya. Tinatawanan lang niya ko.

"Why are you laughing?"

"Nah. Natutuwa lang ako na sinasabi mo sakin lahat ng yan."

"Of course! You're my mom. Duh. Ah wait. May tanong ako sayo pala, mommy."

"What?"

"Ahmm.. are y-you still mad at clyde? You know.."

"I'm not, dear. Nabigla lang tlga ako nung una. Who wouldn't, by the way? Babae ka and lalake siya and you both are living in just one roof. Kahit na nasa tamang age ka na, panget pa din yon."

"I know. Sorry."

"It's okay. Anyway, hows your study?"

"Fine. requirements na lang naman ang kailangan and pina-ayos ko na kay Sabrina yung akin. I don't have plans na umulit noh."

"Good to hear that."

"Mom, you'll fight right?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko kasi tanggap na susuko na lang siya. ayaw niya kasing magpa-therapy.

"Selena, dear, I'm tired. Alam kong hindi ko na kakayanin ang therapy. Just accept this, please.."

"Mom naman.."

"Accept it, Selena. Let's face the reality. Hindi ko na kakayanin. Mas masaya akong mawawala dahil alam kong tanggap niyo." Ang hirap kasing tanggapin..

"Selena, stop holding on. Let it go. Accept it and live with it. Nahihirapan din ako sa pagtanggap. Natatakot din ako, anak. Pero dumating na sa punto na the pain of holding on becomes greater than my fear of letting go. Anak, please, accept this.."

"Pero mom hindi ko kasi matanggap. Sa tingin mo ba kakayanin ni dad 'to? Na kakayanin niyang tumingin sa nakaraan na hindi ka man lang lumaban para mas makasama ka pa namin sa mga darating pang araw? Mom, nahihirapan din kami.. Pero mahal ka namin that's why we're holding on too much.."

"Selena, you're not supposed to look back, you're supposed to keep going.."

"Mommy.." Hindi ko alam kung anong tamang salita ang sasabihin ko.. wala akong alam kundi ang umiyak..

"Selena, may gusto lang akong hilingin sayo.."

"What is it, mom?"

"P-promise me na dito ka magtatapos ng college. And after that, ikaw ang mag mamanage ng maiiwan kong company..  Can you do that for me? Just this one, Selena.." Hindi ko alam kung anong isasagot ko. pag um-oo ako, isang bagay lang ang alam kong mangyayare..





May isang tao akong hindi mababalikan..

But i need to make a choice.

xxxx

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon