MPRM: Chapter 17:I'm Not A Masochist

1.8K 45 1
                                    

SELENA'S POV

May pasok nanaman ngayon pero sabay na kami ni perv. 8am ang klase ko tas 10am pa yung kanya. Tatambay na lang daw siya dun. Masyado niya kong mahal kaya ganyan. La kayong pake.

"Anong oras uwi mo?" tanong niya naman.

"2pm lang pero mag mamall kami ni Sabrina."

"Sige. Itext mo ko pag-uuwi ka na. may practice pa kasi kami. Next week na yung game namin."

"A'right. Sino kalaban niyo?"




"Di ko alam. Wala akong pake. Oh. Tara na." Lumabas na ko at nag diretso kami sa room ko. ihahatid daw niya ko. Take note, HOLDING HANDS. Para daw walang makiki-ligaw sakin. Bwisit! Habang naglalakad kami sa hallway, may babaeng nakatingin samin. I don't know who is she but, she's looking at us.. Uh.. at me? Na parang galit na galit siya. Humigpit naman yung hawak sakin ni Clyde. Nakatingin lang din siya kay IDK. Ba't parang nasaktan ako sa way ng pagtingin ni clyde sa kanya? Alam niyo yung parang may something sa kanila. Ugh. I hate this feeling!

Lalakad na sana kami paalis ni clyde pero biglang tumumba yung babae. I don't know pero parang nag kunyare lang siyang natumba..The next thing I know, wala na si Clyde sa tabi ko. buhat-buhat na kasi niya yung babae. Ba't parang ang sakit sakit ata?

"Clyde.." Hindi ko alam kung ba't ko siya tinawag. Ang alam ko gusto kong iwanan niya yung babae at bumalik ulit sakin. Ugh! Nagiging madrama na ko. hindi ako ganito. Hindi ako 'to. Pero ang alam ko lang, AKIN SI CLYDE.

"Selena, mauna ka na. dadalin ko lang sa clinic si trixie." So Trixie pa lang ang pangalan niya. Sino ba siya at ganun na lang mag-alala si Clyde sa kanya?

"A-akala ko ihahatid mo ko? Clyde.." Ewan ko pero iba yung mga tingin ni Clyde sakin. Yung tipong naiinis, naasar siya sakin.

"Mauna ka na. hindi na kita maihahatid." I don't know pero ibang-iba siya sa Clyde na kilala ko.

"P-pero Cly-"

"For Pete's sake, Selena, will you do as you're told for once in your life and go!" He snarls at me. Para naman akong binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko. Nagising ako sa realidad na hindi ako yung dating Selena. Kaya tumalikod na ko sa kanila. Hindi ako iiyak dahil ako si Selena. Maganda at Mayaman.

Imbis na dumiretso ako sa room sa CR ako pumunta. Tinitigan ko lang yung sarili ko. ibang-iba na ko sa dating Selena. Yung Selena na masama. Pero ngayon, unti-unti na kong nagbabago. Pero hindi ko mapigilang isipin yung Trixie na yun. Sino ba siya para mag-alala si Clyde sa kanya ng ganun-ganun na lang? Baket nagawa niyang ipagpalit ako sa babae na yun. Alam kong mababaw pero napaisip lang ako kung totoo ba lahat ng sinabi ni Clyde sakin. Yung mga pinakikita niya, Yung pangliligaw niya. Naisip ko lang, totoo kaya lahat ng yon? I gathered all my scattered thoughts. Enough, Selena. You've had enough. Lumabas na rin ako sa CR. Late na rin ako sa klase ko kaya hindi na ko tumuloy dun. Pumunta lang ako sa field. Naupo lang ako sa bench.


"Alam mo bang nakaka-panget ang pagiging malungkot?"




Napatingin naman ako kay Saturn. Oo. Si Saturn nga. Ewan ko pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. parang ang gaan lang ng paligid pag nasa tabi ko si Saturn.

"Tss. Kahit malungkot ako, maganda pa rin ako. So, shut up." Tinawanan lang niya ko tas tumabi sakin. FC talaga 'tong planeta na'to.

"Asus. Wag mo ng dagdagan ang lakas ng hangin, Pae." Tinawag nanaman niya kong "PAE" ewan ko pero prang basta.

"Ba't mo ko tinatawag na Pae?" curious nga kasi ko. La kayong pake.

"Wala lang. yun ang gusto ko eh."

"Kfine."

"Ang taray talaga. Ano ba problema mo? Kwento lang."

"Ang FC mo. Wala akong problema."

"Wala kaya nga nakasimangot ka dyan eh. =_="

"Shaddap! Umalis ka na nga dito."

"Ayoko. Hindi naman sayo 'to. Isa pa, alam kong kailangan mo ko ngayon. Kaya wag ka ng mahiya. Alam kong gwapo ako pero di ka na dapat mahiya." Ang kapal talaga neto. Pero uh. Naeewan talaga ako sa bayolet niyang buhok. =_______=

"Baket muna bayolet buhok mo?" Natatawa talaga ako. Hahahahaha! Ang kyut.

"Walang epalan! Dali na. kwento!"

"Tss. Hmm. Kilala mo ba si Trixie?"

"Trixie? Madaming trixie, Pae. =_="

"What I mean is yung kakilala ni Clyde. Hindi ko alam apelyido."

"Ah si Trixie Montez. Clyde's first girlfriend." Kaya pala gnun siya mag-alala dun.

"Pwede mo ba kong kwentuhan tungkol sa kanila?"

"Hmm. I barely know things about them. Di naman kami ganun ka-close ni Clyde. But all I know was first girlfriend siya ni Clyde. Unang babaeng sineryoso niya. Playboy si clyde dati pero napatino ni Trixie. Hanggang sa naging sila. Pero natapos yun nung umalis si Trixie bigla-bigla. At dun din nag-umpisang mabago si Clyde. Naging tahimik na siya. Tahimik pero kahit sinong babae na magustuhan niya, girlfriend niya na kinabukasan. Basta ang alam ko, masyadong galit si Clyde dun pero alam ko rin na, mahal niya pa yun. Ewan ko lang ngayon." Napatahimik ako sa sinabi ni Saturn. Ano nga naman ba ang laban ko kay Trixie? Kung tutuusin, mukha namang mahal pa rin siya ni Clyde.

"Kaya pala.."

"Kaya pala ano?"

"W-wala. Uh sige, Saturn. Una na ko. Thank you." Di ko na siya hinintay sumagot. Umalis na ko. Kung akala niyo iiyak ako sa mga nalaman ko, ASA. At kung iniisip niyo rin na magagalit ako at iiwanan na si perv, LALONG ASA KAYO. Hindi ako masokista sa storya na'to. At lalong hindi dapat ako ang magmukhang kawawa dito. AKO ANG BIDA SA STORY NA'TO. Kaya dapat lang na akin lang ang LALAKENG BIDA SA STORYA NA'TO!

Iniwanan niya si Clyde, tas ngayon mag dradrama siya? Anong akala niya ibibigay ko sa kanya si Clyde? Masyado ng mainstream yun. Masyado rin akong maganda para isipin yun. AKIN SI CLYDE. Matunaw man ang mundong feynk, AKIN SIYA. Hindi ako masokista, Hindi ako antagonista, AKO ang PROTAGONISTA. At siya ang nararapat na maging KONTRABIDA.



I'm not masochist, i'm a protagonist.

----------------

My Pervert Room Mate (MPRM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon