MTTH 13: First Kiss

33 1 0
                                    

MTTH 13: First Kiss

(Kayesha Hope Del Rosario)

Nandito ako ngayon sa isang room dito sa beach resort na kung saan magaganap ang kasal namin ni Joshua, sina Mommy at Tita ang may gusto nito kaya di kami makakatanggi.

Kadarating lang namin actually kakapasok pa nga lang ng gamit ko dito sa room na tuluyan ko, buti nalang at mag isa ako. Humiga ako sa bed at matutulog na sana nang biglang pumasok si Mommy dito sa room ko.

"Magpalit ka muna, bago ka matulog" sabi niya sakin at sinunod ko naman siya. Agad akong pumasok ng CR.

Naligo ako for 45 minutes ata, mapapalit na Sana ako ng damit ng mapagtanto kong wala pala akong dalang pamalit, buti nalang at may bath robe dito, sinuot ko muna yon saka lumabas ng CR.

Paglabas ko ay pumunta ako sa luggage ko at naghalungkat doon. Habang naghahalungkat ako sa mga gamit ko ay naramdaman kong pang may nakatingin sakin at nang tignan ko siya ay laking gulat ko dahil si Joshua ang nakita ko, automatic na tinakpan ko ng mga kamay ko ang katawan ko. Ano ba yan? Akala ko di ko siya makikita before the wedding.

"Hoy ano ginagawa mo dito? Umalis ka nga. Alis, alis, shoo, shoo" sigaw ko habang nakatakip parin ang mga kamay ko sa katawan ko.

"Ano bang tinatakpan mo dyan? Pansin namang wala akong mapapala dyan" sabi niya.

Tinignan ko siya ng matalim, napansin kong tinignan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Pero pwede narin" sabi niya, napatayo ako bigla at sinigawan Siya

"Lumayas ka dito. Pervert" sigaw ko sakanya at sinara ang pinto ng marahan. I heard him chuckle. "Umalis kana" sigaw ko ulit

"Okay easy, see you tomorrow Ms.--- I mean future Mrs. Miranda. Bye. Take care" sabi niya, narinig ko namang naglakad na siya paalis. Hayss, kahit kailan talaga bwesit, talaga yang lalaking yan.

Bumalik ako sa luggage ko at naghalungkat. Nang makakuha ako ng pang palit ko ay bumalik ako sa CR at nagpalit na.

Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa kama ko at ready na akong matulog, but di na ako inaantok, so nagblower na muna ako ng buhok ko, pagkatapos ko ay naisipan ko nalang kumain. Buti nalang ay bumili ako kahapon ng mga pagkain kahapon.

Nilabas ko sa bag ko yong mga pagkain. At nag umpisa na akong kumain habang manunuod ng video sa YouTube. Suddenly bigla nalang akong inaantok kaya, humiga na ako at agad nakatulog.

~~~

Nagising ako dahil sa pagkatok sa kwarto ko, ay oo nga pala nilock ko na yong pinto ng room ko para wala ng basta bastang kakapasok dito sa room. Tumayo ako sa pagkakahiga ko saka ko binuksan yong pinto, at si Mommy ang niluwa nito.

"Oh anong nangyari sayo Hope?" Mom

"Mom, kakagising ko lang po kasi"

"Ahh, ganon ba? Ang mabuti pa mag ayos kana magdinner tayo together with Miranda family."

"Nandoon na si Joshua?" tanong ko

"Aba malamang, pamilya niya diba? Dalian mo na nga lang" Mom, pumasok na ako sa CR at nag ayos ng sarili.

By 7:30 pm ay dinaanan muna ako ni Mommy dito sa room ko. At dumiretso kami sa dinning hall ng resort nato. Pagdating namin dun ay kami nalang pala ang hinihintay.

"Sorry po" sabi ko.

"Ayos lang, umupo kana ng makakain na tayo" umupo na nga ako at kumain.

Nasakalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Tita.

My two timer husband (SinHope Fanfic)Where stories live. Discover now