Chapter 16
NATULOY parin ang pag-alis namin at kasama doon si Edward. Napatingin ako kay Edward na kinuha sa akin si James dahil nakatulog ito sa byahe.
"Thanks."
Binuksan ko ang pinto gamit ang susi na pinabibigay ni Sir Jam. Hindi kami nag-ibang bansa. Nandito kami sa palawan kung saan may bahay ang mga Esteban.
Pinauna ko nang pinapasok si Edward na buhat si James. Parang lumalambot ang puso ko habang pinagmamasdan na buhat niya si James.
"Ipapasok ko na siya sa kwarto."
Tumango ako sa suggestion niya. Siguro ay nakarating na siya rito kaya ganun nalang ang sinabi niya na tila kabisado ang rest house na ito..
Malayo sa kabahayanan ang rest house na ito na nakatirik sa isang malawak na lupain. Napakasarap tignan ng paligid lalo't green ang makikita mo at hindi gusali. Napakasarap din ng simoy ng hangin lalo't probinsyang-probinsya ang lugar.
"Nahiga ko na siya."
Napalingon ako kay Edward mula sa pagtingin sa glass wall. Napahinga ako ng malalim at tinignan siya.
"Bakit sinabi mo kay James na gusto mo akong mag-stay? At bakit sumama ka rito? Wala bang ibang maghahanap sa'yo?"
Lumapit siya at huminto sa harap ko. Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung anong tingin ba ang binibigay niya.
"Sino naman ang maghahanap sa akin?"
Napailing ako, "Malay ko. Baka girlfriend mo, maybe.."
Nilagpasan ko siya at lumapit ako sa maleta namin ni James.
"I don't have one.. At sapat na bang sabihin ko sa'yo na hindi kita kayang kalimutan. Hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa'yo."
Napatigil ako sa pagkuha sa maleta ko dahil sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong biglang nabibingi sa lakas ng impact sa akin ng sinabi niya.
Marahan akong humarap sa kanya at napapisil ako sa kamay ko. Pinigil ko ang emosyon ko. Ayokong maniwala. Alam kong isang way niya ito para gantihan ako. Nang maisip ko iyon ay tumaray ang reaksyon ko at tinignan ko siya ng seryoso.
"Tingin mo maniniwala ako?", nakatingin lang siya sa akin kaya napailing ako at natawa, "Edward, tigilan na natin ito, dahil hindi ka na nakakatuwa." sumeryoso ako na tinignan siya bago ko kinuha ang maleta at hinatak ito ng humakbang na ako para pumunta sa room na pinagdalhan niya kay James.
"Akala mo ba natutuwa ako, ha? Hindi ba't ikaw naman ang nagkasala. Akala mo ba nakakatuwa iyon?"
Humarang siya sa daan ko kaya huminto ako at matapang na hinarap siya.
"Kung ganun pala na isusumbat mo, umalis ka na sa harap ko. Ano pa bang ginagawa mo rito? Bakit pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa akin?!"
Nabitawan ko ang maleta ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat at mariing hinawakan doon.
"Damn! It's obvious that I still love you! I'm fucking inlove with you!"
Siniil niya ako ng halik kaya napahawak ako sa katawan niya para itulak siya. Mariin niya akong hinawakan sa batok at mukha upang hindi ako makawala.
Napalapit pa ako sa kanya ng yakapin niya ako. Pumatak ang luha ko at nanghina sa pagpiglas. Bumagal ang halik niya sa akin kaya umiwas ako. Pareho kaming napahinga.
"Please ako nalang, ha? Kakalimutan ko na lahat.. Iisipin kong hindi ka nagtaksil. Hindi tayo nagkahiwalay.. Please forgive me for hurting your feelings because of my word. I want you. I miss you. I love you."
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
Aktuelle LiteraturSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...