Chapter 25
MAGKAHARAPAN kami ngayon ni Edward, matapos niyang makatulog. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang explanation niya.
"Kaya ako nakikipag-usap sa mag-inang iyon para malaman ang nangyaring sunog sa bahay niyo dati."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"At ano naman ang kinalaman ng mag-inang iyon?"
Tumingin sa akin ng maigi si Edward kaya kinabahan ako sa sasabihin niya.
"Ang kabit at ang ama mo ang may pakana kaya nasunog ang bahay niyo kung nasaan ang Nanay mo."
Bigla akong natigilan at hindi makahanap ng salita. Bigla akong pinangatugan dahil sa biglang bigat ng nararamdaman.
"Sabihin mo hindi totoo iyon.." pumatak na ang luha ko habang napapakuyom ang mga kamay ko, "Sabihin mong hindi nila ginawa iyon!"
"Shh, Babe, relax. Totoo ang lahat. Mula sa information na nalakap ko kay Daddy, natuklasan naming mismong ama mo ang nagpasunog ng bahay ng Nanay mo. At base sa interview ko sa kabit ng Nanay mo ay inggit ang nagtulak sa ama mo para sunugin ang bahay ng Nanay mo. Hindi daw nito matanggap na kayang makahanap ng bahay ang Nanay mo kahit na pinalayas niya ito."
Para akong narindi sa sinabi ni Edward.
"Napakasama nila! Napakasama niya! Hindi pa ba sapat na pinalayas niya kami noon! Hindi pa ba sapat ang sakit na dinulot niya kay Nanay para gawin ang gano'n!" binayo ko ang dibdib ni Edward dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibuhos kay Edward lahat, "Bakit? Bakit niya ginawa kay Nanay iyon? Wala namang ginagawang masama si Nanay."
Hinila ako payakap ni Edward kaya napahagulgol ako na sumandal sa balikat niya. Pumikit ako dahil para akong nahihirapang huminga.
"Awts!"
Napahawak ako sa tiyan ko dahil nakaramdam ako ng sakit. Agad na bumitaw ng yakap si Edward at may pag-aalalang tinignan ako.
"Anong masakit?"
Napahawak ako sa tiyan ko kaya napatingin siya doon. Pareho kaming napatingin sa hita ko at halos magmura si Edward ng makitang dinudugo ako.
"Damn! Dadalhin kita sa hospital."
Mas lalo akong napaiyak habang nakatingin sa hita ko. Inalalayan akong tumayo ni Edward at pinangko.
"James Anak! James!"
Napakapit ako sa leeg ni Edward habang natatakot. B-Baka dahil sa akin ay mawala na naman ang bata. Natatakot akong mangyari iyon. Hindi ko na ata kakayanin.
"Bakit po, Papa?"
"Tara, Anak. Dadalhin natin sa hospital ang Mama mo."
Hindi ko na napapakinggan ang nangyayari at pinag-uusapan ng dalawa. Dahil kirot at takot ang nararamdaman ko para matuliro. Nalaman ko nalang na tinatakbo na ako ni Edward. May mga tao akong naririnig sa paligid.
"Relax, babe. Huwag kang nenerbyusin."
Sinakay ako ni Edward sa kotse at tumabi sa akin ang anak ko sa backseat.
"James, ikaw muna bahala sa Mama mo. Bibilisan ko na ito."
Napahawak ako kay James ng hawakan nito ang tiyan ko.
"Mama, huwag niyo po akong iiwan."
Napangiti ako kahit paano at tumango kay James para senyasan siya na hindi ko siya iiwan. Tiniis ko ang sakit at nanalangin ako na sana ay walang masamang mangyari sa amin ng baby na nasa sinapupunan ko. Hindi ko kaya na meron muling mawawala.
![](https://img.wattpad.com/cover/190561795-288-k52369.jpg)
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...