Chapter 18
NANLALATA na idinilat ko ang mga mata ko. Narito na muli ako sa kwarto ng resthouse.. Marahan akong naupo at napahawak sa noo ko. Inalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. At naalala ko na buntis ako, pati ang nangyaring kidnapan, kung sino ang salarin, at ang proposal ni Edward.
Napatingin ako sa daliri ko at napatingin ako sa singsing na nakasuot dito. Simple pero napapalibutan ng diamonds ang singsing. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko masundan. Masaya ako na hanggang ngayon ay mahal parin ako ni Edward, pero natatakot ako na makulong sa kanya. Pero mahal ko parin naman siya at kung ito ang makakabuti kay James at pinagbubuntis ko ay siguro tama lang ang lahat ng ito.
Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pagbukas ng isang pinto. Nakita ko si Edward na galing sa banyo dahil nakatapis lamang siya ng towel at halata na kakaligo lang. Mas nag-matured na ang katawan niya at kita na ang mga muscles at abs niya. Hindi tulad noon na totoy pa.
Napailing ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Ayos ka na, Babe?"
Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Oo.."
Humilig siya at niyakap ang bewang ko bago hinaplos ang tiyan ko na kinalunok ko.
"Mabuti naman.. Kung hindi ka pa hinimatay ay hindi ko malalaman na dinadala mo ang anak ko."
"Ano ba, Ed!"
Hinalikan niya kasi ako sa leeg at sa kinikilos niya ay parang nais pa niyang may mangyari. Hinawakan ko siya sa mukha para itulak pero napatikom ang bibig ko ng sakupin niya ang labi ko. Napahiga ako ng alalayan niya akong mahiga habang hindi pinuputol ang halik niya. Napapikit ako dahil sa ginagawa niyang halik ay alam niyang hindi ako makakatanggi.
Kung bakit ba't nagawa ko pang mag-dress at hindi pa ako nagpapalit. Kaya madali niyang nahaplos ang hita ko na nakapagitan sa katawan niya.
Napahinga ako ng malalim at mapasabunot sa buhok niya ng bumaba ang labi niya. Napalunok ako at napatingin sa kanya ng marahang binaba ang strap ng dress ko. Tumingin siya sa akin bago sambahin ng bibig niya ang dibdib ko. Bawat parte ng balat ko ay kanyang hinahalikan.
Bumaba ang halik niya matapos siyang magsawa sa dibdib ko at hinatak paalis sa katawan ko ang dress at sinabay na ang panty ko. Napahinga ako ng malalim at napaliyad ang katawan ko bago napasabunot sa buhok niya sa binibigay niyang kaligayahan sa akin habang nasa pagitan siya ng mga hita ko.
Unti-unti nang natupok ni Edward ang kiliti ng katawan ko. Nag-iinit ang katawan ko habang hindi na mapakali sa kinahihigaan ko. Tumigil si Edward kaya napadilat ako at napatingin sa kanya na gumapang para mapagpantay niya ang mukha namin.
"Just wait the climax, Babe."
Inalis niya ang towel na tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya. Muli niya akong hinalikan kaya napahawak ako sa leeg niya at ulo bago ako napatugon sa halik niya.
"Mama! Mama!"
Bigla akong napabitaw ng halik at napadilat ng marinig ang pagtawag ni James. Mahinang tinulak ko si Edward para umalis sa ibabaw ko dahil baka biglang pumasok si James at makita kaming parehong walang saplot.
"Alis, si James."
Tinulak ko pa siya pero napasinghap ako ng hapitin niya ako para bumangon. Napaupo ako sa kandungan niya at napahawak sa leeg niya.
"James, mamaya muna tawagin ang mama mo! May ginagawa pa kami!"
Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon habang nakatingin sa akin. Hinampas ko siya at aalis sana pagkakayapos niya ng hindi niya akong bitawan. Bagkus ay inayos niya lang ang pwesto namin bago niya ako muling ihiga paharap sa dulo ng kama. Muli niya akong hinalikan at hindi ko na narinig ang pagtawag ni James bago mag-isa ang aming katawan ni Edward.
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
Ficción GeneralSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...