Chapter 21
"I'm sorry, Misis Esteban--"
"Miss Serrano." pagtatama ko.
"I'm sorry, Miss Serrano, pero hindi kita matutulungan sa kaso mo."
Napakuyom ako ng kamay dahil pang tatlong abugado na itong kinuha ko pero tuwing babanggitin ko na si Mr. Jam ang kakasuhan ko ay agad silang umaayaw na kesyo marami pa silang hawak na kaso.
"Magbabayad naman ako, kaya bakit umaayaw kayo? Bakit, dahil ba sinulsulan na kayo ng Estebang iyon?"
Napahinga ng malalim si Attorney, "Sorry, Miss Serrano, pero mahirap banggain ang kinakalaban mo. Mahirap banggain ang isang Esteban."
Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa upuan. Inis na binitawan ko ang table napkin sa plato at napasapo ako sa noo. Isang linggo na mahigit mula ng iwanan ko si Edward at asikasuhin itong pagsampa ko ng kaso. Kaso ay parang binabalewala ng pulisya o ng mga abogado ang hinaing ko. Lalo na kapag sinasabi ko na mga Esteban ang nais kong ipakulong. Ganun ba sila ka-powerful at pati batas ay hawak nila. Alam kong sobrang yaman nila pero dapat bang mas kampihan sila ng batas?
Napahinga ako ng malalim. Hindi ako susuko. Hahanap ako ng abogado na kayang lumaban kahit pa isang Esteban ang makakalaban namin.
Tumayo ako ngunit napahawak ako sa lamesa dahil sa hilo. Naupo muli ako at huminga ng malalim habang nakasapo ako muli sa ulo ko. Napahawak ako sa tiyan ko. Dahil sa pagkabusy ko ay nakakaligtaan kong alagaan ang sarili ko, at ayokong mangyari na pabayaan ang batang nasa sinapupunan ko kaya tumawag ako ng waiter para umorder. Ngunit nagtaka ako ng makita ito na may dala ng pagkain.
"Here's your order, Mam."
"Teka! Wala pa akong inoorder."
Ngumiti ito, "Okay na po, Mam. Huwag na po kayong mag-alala dahil libre po ito. Promo po ng restaurant."
Napatanga ako sandali sa sinabi niya. Hindi ko alam na may ganung klaseng promo pala ang mga restaurant. E, ikalulugi nila ang nilapag niya sa lamesa ko na mamahaling pagkain.
"Enjoy your meal, Mam. Call me if you need anything."
Tumango nalang ako at nagpasalamat. Nang umalis na ito ay napatingin ako sa pagkain at napahinga ng malalim. Napahawak ako sa tiyan ko. Kahit papaano pala ay may maganda pang naidudulot ang araw na ito. At least makakalibre ako ng pagkain at hindi mababawasan ang pera ko. Tsaka ko na iisipin ang paghahanap muli ng abogado at kakainin ko nalang ang mga ito dahil libre naman.
Habang nagsisimula akong kumain ay hindi ko mapigilan na maisip si James. Hindi ko alam kung saan dinala nila Edward si James, pero alam ko naman na hindi nila pababayaan ang anak ko. Pero nais kong makita si James. At oras na matapos ang lahat ay aalis kami at magpapakalayo. Iyon ang plano ko. At sana ay matapos na itong lahat at gusto ko nalang matahimik kasama ni James at ang magiging anak ko pa.
Tumingin ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nakamasid. Nang wala naman akong makitang kahina-hinala ay nagpatuloy nalang ako muli sa pagkain.
Nakakatuwa na puro healthy food talaga ang nakahain sa harap ko at may kasama pang gatas. Parang alam nila ang kalagayan ko. Medyo hindi pa naman halata ang tiyan ko kaya baka coincidence lang.
Nang matapos ako sa pagkain ay tumayo ako at napatingin sa waiter na lumapit.
"Mam, bago po kayo umalis ay may ibibigay po kami sa inyo."
Napatingin ako sa nilahad niyang sobre kaya kinuha ko.
"Huh? Ano 'to?"
Tumingin ako rito at ngumiti ito.
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...