Chapter 19

19.3K 521 26
                                    

Chapter 19

"Cheers!"

NAG-IINUMAN ang mga lalake habang kami nila Mam Hera ay narito kami sa balkonahe habang nagte-tea. Hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Mariel. At hindi ko mapigilan na mapaisip kung bakit tuwing lumalapit sa akin ang katotohanan ay siyang sulpot naman ni Sir Jam para maudlot iyon.

"Masaya ako at nagpakasalan na kayo ng anak ko, Hija."

Napatingin ako kay Mam Hera na katabi ko at hinawakan ako sa kamay. Bakas man ang edad sa kanya pero nakikita ko parin ang ganda niya. Parang nahihiya ang pores at wringkles na tumubo sa kanya. Kaya rin siguro mahal na mahal siya ni Sir Jam ay dahil hindi lang siya mabait kundi ubod din ng ganda. Wish ko tuloy na sana ganyan din ako ka-fresh at kagandang tignan kapag nagkaedad na.

"Ako rin po.."

Kahit nabibigla ako sa kasal ay naisip ko na kahit hindi pa ako handa ay doon din naman ang aming punta. Mahal ko si Edward at iniisip ko rin si James at pinagbubuntis ko.

"Ate Wena, curious lang ako, paano kayo nagkakilala ni Kuya Ed?"

Napatingin ako kay Cienti. Napatipid nitong kumilos. Para bang desente pati sa pagkakaupo. Na-curious din tuloy ako kung may lovelife na ba ang batang ito. Siguro, dahil sa ganda niya ay tiyak na marami ang manliligaw.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang katanungan niya. Nakakahiyang sabihin na sa bar. Lalo't wala pa ring alam ang buong pamilya ni Ed na hindi ako waitres sa bar, kundi isang manager na halos magbilad na rin ng katawan sa mga lalake para lang makarami ng costumer at bumalik sa amin.

"Sa isang bar."

Nakita kong napatango ito pero sa reaksyon ni Cienti ay parang allergic siya sa word na 'bar'.

"Isa sa hate place ni Ate Cienti, Ate." humagikgik si Aallotar na napakaganda rin. Grabe, kamukhang-kamukha niya ang mommy niya na meron din namang hawig sa daddy niya. Napakagaang tignan ni Aallotar. Parang nais ko siyang gawing manika.

"Bakit naman?" napangiti ako pero nakahinga rin ng maluwag dahil nawala sa akin ang usapan.

"Well, alam niyo naman si Cienti, masyadong conservative." sabi ni Kristen na nakapatong ang mga paa sa lamesa habang pahagis sa bibig niya na kinakain ang crispy cornic.

"Kristen, ayusin mo nga ang upo mo. Ano ba naman 'yan, Anak. Ako na nahihiya sa kinikilos mo."

Natawa si Kristen na katabi lang din si Mam Hera. Inakbayan niya ang Mommy niya.

"Mommy, chillax. Ganito talaga maupo ang mga badass chic."

Napailing nalang si Mam Hera lalo na ng halikan siya sa pisngi ni Kristen at hindi sinunod ang sinasabi ni Mam Hera na ibaba ang paa.

Kabaliktaran naman ni Kristen ang kakambal niya. Na kapag kasama o katabi mo ay parang may mga maiingay na insekto kang maririnig sa sobrang tahimik niya.

"Mabalik tayo.. Bakit sa bar, Ate? Palagi ka bang nagpupunta sa bar para mag-relax?"

Isa sa katangian ata ni Cienti ang ma-curious. Nawala na sa akin ang usapan pero bumalik na naman.

"Katunayan..." tinignan ko silang lahat para tignan ang reaksyon nila. Lahat sila'y nakatingin at inaabangan ang sasabihin ko, "Isa akong manager sa isang bar."

Nakita kong namangha sila kaya mas kinabahan ako sa susunod nilang itatanong.

"Wow! Manager ka pala. Bakit sabi mo ay waitres lang?"

Tumingin ako kay Mam Hera, "Pasensya na po.. Nahihiya po akong sabihin.."

Ngumiti siya at umiling, "Kahit ano naman ang trabaho mo ay matatanggap ko. Gustong-gusto kita para sa anak ko."

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon