Chapter 8
NGITI ang namumutawi sa aking labi habang inaalala ang nangyari kanina. Napatingin ako sa singsing na sinuot ni Edward sa akin noon at napakaganda nito sa daliri ko.
Napaka-sweet ni Edward at malambing. Hindi ko tuloy mapigilan na mahulog sa kanya. Oo, inaamin ko na gustong-gusto ko na siya. At nakapagdesisyon na ako na hindi ko na siya gagamitin gaya ng utos ni Mr. Abenson.
"Miss A."
Napatingin ako kay Alex na nasa pinto ng opisina ko.
"Yes?"
"Miss A, nasa kabilang linya si Mr. Abenson."
Tumango ako, "Okay."
Kinuha ko ang landline phone. Nagtataka ako kung bakit sa landline pa siya tumawag imbes na sa phone ko.
"Mr. Abenson, bakit--"
(Damn you, Arwena! Wala kang utang na loob!)
"Huh? Anong pinagsasabi niyo?"
(Pagsisisihan mo 'to!)
Hindi ko alam ang sinasabi ni Mr. Abenson kung bakit siya galit na galit. Hindi ko balak na isipin pero kinabahan ako.
Tumayo ako at napapisil ng kamay habang nag-iisip kung ano ang dahilan para magalit ng ganun si Mr. Abenson. Hindi ako mapakali.
Wala pa naman akong sinasabi na hindi na gagawin ang nais niya. Kaya malabong dahil doon.
Bumukas ang pinto ng opisina ko at napahinga ako ng makita si Edward.
"Hi, babe."
Napailing ako sa tawag niya. Mas gusto ko pang tawagin niya akong 'A' kesa sa ganun.
"Sinabi ko na huwag ka na pupunta rito, 'di ba?"
Lumapit siya at may dala siyang isang bugkos na bulaklak. Nilahad niya sa akin iyon.
"Wala naman akong ginagawa. Tsaka walang maghahatid sa'yo sa pad mo, kaya nagpunta ako rito."
Kinuha ko ang bigay niyang bulaklak. At pagkatapos ay lumapit ako sa kanya.
"Ed.."
Humawak siya sa bewang ko at tinignan ako bago hawiin ang buhok ko para i-ipit sa tenga ko.
"Hmm?"
Huminga ako ng malalim at napahigpit ang hawak ko sa bulaklak. Natatakot akong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon.
Sumandal ako sa kanya at humawak ang isang kamay ko sa dibdib niya.
"Ed, promise me na hindi mo ako iiwan.. Na pakikinggan mo muna ako.."
"Oo, nangangako ako, babe. Pero bakit mo ba sinasabi iyan?"
Umiling ako at ngumiti na tumingin sa kanya. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at binaba ko sa table ang bulaklak.
Tumingin muli ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kwelyo ng suot niyang polo bago ko siya hinatak at pinaupo sa swivel chair ko. Napatingin siya sa akin kaya nakangiti na naupo ako sa hita niya patagilid na kinalunok niya.
"Bakit mo nga pala ako binabaan ng tawag kanina?"
Agad na humawak siya sa likod ng bewang ko at sa hita ko.
"Hindi kita pinatayan. Si Ady kasi.."
Pinagtaasan ko siya ng kilay at humalukipkip ako.
"Hindi ako gusto ng mga friends mo, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
Ficción GeneralSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...