Chapter 10
NAKAUPO AKO rito sa isang judgement seat. Kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mga taong sasaksihan ang magiging hearing sa pagitan namin ni Max. Siya pa lamang ang nakikita, at agad na gumawa si Sir Jam upang ipaaresto si Max.
Ngayon ay kailangan kong magpakatatag para matapang kong mailahad ang lahat-lahat ng kawalang-hiyaan ni Max.
"Miss Serrano, puwede mo ba sa amin isalaysay ang kasong sinasampa mo?"
Mahinahon ngunit may pag-uudyok na sabi ng attorney na kinuha ni Max. Tumango ako at tumingin kay Max na prenteng nakaupo pa tila ba sigurado siyang hindi siya mahahatulan.
"Nagpunta ako sa bahay ni Max upang puntahan siya at makita. Nagkagalit kasi kami ng Inay ko dahil sa kanya. Ngunit nang pumunta ako sa bahay niya ay ang bumungad sa akin ang pagtataksil niya sa ibang babae. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay wala akong nagawa kundi ang tumakbo. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng bahay niya ng makasalubong ko ang mga kaibigan niya. Pinagkaisahan nila ako, pinainom ng alak, pinahithit ng ano mang drugs, a-at... pinagsamantalahan nila akong magkakaibigan."
Napapisil ako ng kamay habang nanginginig iyon sa galit. Nakatingin ako kay Max na ngumisi pa kaya lalong sumiklab ang galit sa dibdib ko. Nanghihina ako dahil pakiramdam ko hindi ako mananalo sa kasong ito base sa inaasta ni Max.
"Kung totoo nga ang sinabi mo, bakit nakipagkita ka parin kay Max? Bakit nanatili ka parin ng araw na iyon sa bahay niya?" tanong sa akin ng attorney ni Max, "Hindi ba't nang araw na iyon ay kusa kang nanatili sa kanya. At wala kang ebidensya sa sinasabi mo. Malay ba namin na gumagawa ka lang ng kwento upang idiin ang mga kaibigan ni Max at si Max mismo." dagdag pa ng attorney ni Max.
"Totoo ang sinasabi ko! Wala ka kasi sa sitwasyon kaya ganyan ang sinasabi mo! Wala kang alam!"
Halos magwala ako dahil pinagbibintangan pa ako ng attorney na ito na gumagawa ako ng kwento. Panay ang pukpok ng judge sa wooden wood hammer niya para patigilin ako.
"May I speak for Miss Serrano, Judge."
Napatingin ako sa attorney ni Sir Jam. Pumayag ang judge. Kaya naupo ang attorney ni Max at siya ang pumalit.
"Miss Serrano, puwede mo bang iparinig sa amin ang voice record na sinave mo noon."
Tumango ako kay Attorney. Nilabas ko ang digital voice recorder ko at binigay kay Attorney. Inabot ni Attorney iyon sa galamay ng judge na narito ngayon.
Gamit ang mic ay tinapat sa digital voice recorder ko iyon upang marinig ang voice record. Nagsimula ng mag-play ang voice record. Tinignan ko si Max na hindi na gaya kanina. Tila siya nagulat dahil meron akong record ng usapan nila ng mga kaibigan niya noon.
Rinig na rinig lahat ng pinagsasabi niya at pinag-usapan ng mga kaibigan niya.
"No, it's fake!" bulalas ni Max.
"No, it's not. Kahit imbestigahan pa ang petsa ng araw kung kelan ni-record ni Miss Serrano ang pinag-usapan niyo ay makikita niyo na hindi ito fake." sabi ni Attorney.
Matapos ang voice record ay nagkaroon na ng bulong-bulungan ang mga taong narito, kabilang ang pamilya ni Max para sumuporta. Habang ako ay wala, tanging si Sir Jam lamang ang kasama ko.
Sa lakas ng boses ni Max sa recorder ay wala na siyang maipakitang confidence sa sarili.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa hatol agad ng judge. Para akong nabunutan ng isang tinik ng mahatulan si Max ng guilty.
"This is not the end, Arwena. Babalikan kita." banta niya ngunit hindi ako natakot lalo't kasama ko sila Sir Jam at mga tauhan nito.
Mga kaibigan nalang niya ang hindi pa nakikita at nahuhuli. Pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko ng mahuli si Max.
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
Genel KurguSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...