Chapter 3

26.1K 626 40
                                    

Chapter 3

NAPANGITI ako dahil mas dumoble ang costumer namin nang gamitin ko ang impluwensya ni Edward. Ilang pagitan lang ang layo ng Rockwell rito sa Paraiso. Dahil tago ang club namin kaya hindi gaano karami ang pumupunta kumpara sa Rockwell na sikat at legal.

"Miss A, hindi magandang gamitin natin ang batang iyan. Iba ang pakiramdam ko na pagsisihan natin, lalo ka na."

Sinuklay ko ang buhok ko bago humalukipkip na tumingin kay Alex na nasa tabi ko habang tinitignan namin si Edward na nasa entrance na pinapapasok ang mga kakilala niya na dito pumunta..

"Masyado ka namang nega, Alex. Mag-trabaho ka nalang dahil dumadami na ang costumer."

Napailing ito, "Kayo ang bahala, Miss A."

Inismiran ko nalang ito at lumakad ako palapit kay Edward.

"Good boy."

Napalingon siya at ngumiti na lumapit siya sa akin kaya huminto ako sa paglakad.

"Bakit?" aniya nang magkatapat kami.

"Maaari ka nang umuwi. Ilang gabi nang late kang umuuwi sa inyo."

Umangat ang sulok ng labi niya at hinapit ako sa bewang kaya medyo nairita ako dahil ito ang ayaw ko kay Edward. Ang pagiging clingy. Pero ngumiti ako kahit na ibig kong alisin ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"Walang kaso iyon, A. Ihahatid pa kita sa pag-uwi."

Ito rin ang dahilan kaya medyo nawiwili ang batang ito. Hindi niya binalik ang kotse ko para mahatid-sundo ako sa trabaho. At minsan ay pumupunta sa unit ko pagkagaling sa eskwela.

Minsan ay napapaisip ako kung tama bang gamitin ko pa ito. Dahil habang tumatagal ay hindi ko na matagalan ang pagiging makulit, pagsulpot, paghabol, at pagiging clingy niya. Hangga't maaari ay ayaw kong mapalapit sa kahit sinong lalake. Hindi ko kaya.

Minsan ay nais kong itulak palayo si Edward pero naalala ko ang inuutos ni Mister Abenson.

"Good boy, hindi na kailangan. At please, pakibalik ang car ko."

Ngumiti siya kaya ang isang dimple niya ay lumabas.

"Nasa secured place ang car mo kaya 'wag mo nang alalahanin. Ibabalik ko rin naman pero nais ko kasi na ako ang maghatid sa'yo parati."

Gumapang ang kamay niya sa pang-upo ko kaya pinisil ko ang pisngi niya at inalis ang kamay niya.

"Okay. Back to work."

Tinalikuran ko siya at napairap ako dahil konting-konti nalang at hindi ko matatagalan ang batang ito.

Napatingin ako kay Alex na napailing sa akin kaya hindi ko na pinansin ito at pumunta ako sa office ko.

Pagpasok ko ay napalingon ako nang may sumunod pala sa akin. Nagtaka na napatingin ako kay Edward na sinarado ang pinto at agad na lumapit sa akin.

"A, here's the evidence." tukoy niya sa pinagagawa ko.

Kinuha ko ang cd at tinignan siya. Nakatitig siya sa akin tila sinasabi na lahat ng pinagagawa ko ay nagawa niya.

"Then.. good."

Tinalikuran ko siya para lumapit sa table ko. Pero napaharap muli ako sa kanya ng pigilan niya ako at hinarap sa kanya.

"And I want my price now."

Napaatras ako nang lumapit siya. Napaidtad ako nang mapaupo sa sofa dahil iyon pala ang naatrasan ko. Pinatong niya ang isang kamay sa sandalan at nilapit ang mukha sa akin.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon