Chapter 28
AGAD na nagtinginan sa amin ang ilang tao at mga nurse ng magpasukan kami sa Hospital. Sa pangunguna ni Sir Jam na nakaka-attract na agad ng atensyon. Bukod sa looks ay may charisma parin si Sir Jam na kayang makapukaw ng atensyon.
"Mr. Jam, hindi po namin inaasahan ang inyong pagdalaw."
Sinalubong kami ng nangangasiwa sa hospital na doctor. Magalang kaming sinalubong nito.
"Hindi kami napapunta rito para sa introduksyon, Doctor Lee. Meron lang kaming nais na malaman kung merong na-admit na pasyente rito na si Mishka Galvante."
"Wait, Mr. Jam. Iche-check lang ho namin."
Agad na pinatawag ng doctor ang isang nurse na naka-assign sa mga pinapasok na pasyente. Tumingin ako sa paligid at napakuno't noo ako na umalis sa kinatatayuan ko para tunguhin ang mga kinalalagyan ng mga pasyenteng sama-sama sa isang room. Pagpasok ko ay mga nakakaawang pasyente ang nakita ko na halos maghingalo dahil hindi pa inaasikaso ng mga doctor.
"Tay, bakit ayaw pa nila gamutin si Inay?"
Napahinto ako habang nakatingin sa dalagitang umiiyak habang nakahawak sa nanay niyang halos maubusan ng hininga.
"Hindi nila tayo maasikaso dahil wala tayong ibabayad agad sa operasyon."
Nakaroon ako ng awa sa mag-ama at sa pasyente. Tinignan ko lahat at ganun din ang kanilang hinaing na rinig na rinig ko. Nakakapanghina dahil ganito ba ang gawain ng isang hospital? Naturingang pampubliko at para sa mahihirap ang hospital na ito ay hindi man lang mapakinabangan ng mga tao.
Napailing ako at nagpunas ng luha ng hindi ko mapigilang mahabag. Tatalikod na sana ako para bumalik kela Edward at sabihin ang sitwasyon ng mga tao nang bigla akong mapahinto ng may mahagip ang mata ko.
"Mishka.." halos pabulong kong nabigkas ko iyon ng makita ang dalagitang may lapnos. Umiinda sa sakit dahil hindi pa siya inaasikaso mula ng dalhin siya rito.
Agad na napalapit ako rito at nanginginig akong tinignan ang mukha niya na hindi makikila. Tanging pisngi at noo niya ang natamaan ng lapnos. Napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan ito.
Hindi ko alam pero hinawakan ko ang kamay niya na nanlalamig. Nakita kong dumilat ito habang kita ko sa mata niya ang sakit at pagngilid ng luha.
"M-Mishka? Mishka, right?"
Bumuka ang bibig niya ngunit siguro dahil sa hapdi ng sugat niya sa mukha ay hindi niya maibuka ng maayos. Tumango siya dahilan para makumpirma ko na siya nga ang Mishka ko. Halos manginig ang mga kamay kong napatakip muli sa bibig ko dahil sa kalunos-lunos na dinanas siya. Uminda siya kaya agad na nabahala ako.
"S-Sandali lang, Anak. Tatawagin ko sila Edward. Sandali lang, hintayin mo kami."
Nang tumango siya ay tinignan ko pa muna siya bago ako dali-daling pinuntahan kung saan ko iniwan sila Edward. Naroon parin sila at nakita kong napahinga ng malalim si Edward ng makita ako. Pero agad na nag-iba ang reaksyon niya ng makitang umiiyak at nanginginig ako sa takot.
"Hey, what's wrong? Bakit ka umalis sa tabi ko? Saan ka nagpunta?"
Umiling ako at tinuro ang pinanggalingan ko, "S-Si Mishka.. Kailangan niya ng tulong natin."
"Huh? Nasaan siya?"
Inaya ko sila doon pero agad na hinarangan kami ng Doctor Lee na ito.
"Paumanhin, Mr. Jam and Mr. Edward, ngunit nakakahawa po ang mga sakit ng pasyenteng nasa loob. Inoobserbahan pa namin sila."
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...